CHARMIEN POV Nagising ako bigla dahil tila may mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang mukha niya na nakaharap sa akin. Nakayakap sa akin ang isang kamay niya habang nakadapa siya sa kama. Kaya pala pakiramdaman ko may nakadagan sa akin, siya pala. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya at tumayo ako sa kama. Tumingin ako sa kanya at napangiti. Hindi ko aakalaing tatangihan niya ako, at masaya ako dahil nirerespeto niya. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa ginagawa kong pang aakit sa kanya kanina. Nakabilib dahil nagawa niyang pigilan ang sarili niya. Dinampot ko ang damit na nasa sahig at isinuot iyon. Napansin kong madilim na pala sa labas, kaya tumingin ako sa orasan. Alas–sais na pala ng gabi. Muli akong lumapit kay Al

