FOUR

975 Words
Nang matapos siyang magempake at makapagpaalam sa magulang ay bumaba na siya, Pagkababa niya ay naabutan niya si travis na nagbabasa parin ng libro, Tsk , Ikakatalino paba niya eto. Haiyst baka mamaya ay pumutok na ang ulo nito. " Tara na" Mabilis niyang usal bago nagpati-unang pumunta sa pinto dala-dala ang kanyang maleta. "Did you say your goodbye to your parents?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Hinarap niya eto at tinaasan din ng kilay. KALA MO IKAW LANG AH. "Yes, So let's go" Pairap niyang sagot dito. Agad naman nitong ibinaba ang binabasang libro at tumayo. "Wait here, Magpapaalam lang ako" Sagot din nito bago tumalikod sa kanya at nagtungo sa office nang kanyang daddy. Nang makaalis eto ay nauna na siyang nagtungo sa garahe, Dun nalang niya aantayin ang lalaki tutal ay magpapaalam lang naman eto sa kanyang daddy. Dumaan ang trenta minutos ay dumating din eto. Bagot siyang nagsalita. " Grabe napaka bilis mo naman" Sarkastiko niyang usal sa lalaki. He just shrugged his shoulder and grab her bag and put it in the compartment. Pagkatapos iayos ang maleta niya ay nagtungo na ito sa driver's seat. "Hop in" Baritonong usal nito. So gentleman. Hindi manlang siya pinagbuksan nang pinto. Padabog siyang pumasok sa loob at padabog ding isinara ang pinto. "Are you trying to break my car's door?" Masungit na tanong nito. She just rolled her eyes. Whatever. Maya-maya pa ay pinaandar na nito ang sasakyan, Buong byahe ay hindi siya nagsalita at nakatanaw lng sa bintana. Pagkatapos ng kulang-kulang isang oras ay nakarating na sila sa bahay nito. Pagpasok nila ay agad na sumalubong sa kanila ang pinakamatagal na yaya nito, Si nanay Imelda, Simula bata pa ang lalaki ay ito na ang nagalaga sa lalaki, kaya malapit ang loob ng asawa sa matanda. "Ginabi ata kayo iho? o siya magsipalit na kayo at nang makakain na" Tanong nang matanda at kinuha ang maletang dala.Napalingon naman ang matanda sa kanya " Namiss kita iha" Ngiti nito sa kanya. Nginitian naman niya eto pabalik at niyakap. "Miss you too Manang, mukang tumataba napo kayo ah" Bati niya sa matanda. "Nako iha etong si travis kasi andaming pinapakain sakin" Magiliw nitong sagot sa kanya. Matapos makipagchikahan nang konti sa matanda ay umakyat na siya sa kanilang kwarto, alam na niya ang pasikot sikot dito dahil nakapunta naman na siya dito. Pagkatapos magpalit nang pantulog ay bumaba na siya. Pagkababa niya ay naabutan niyang nasa kusina na si Travis at manang , Nakaupo na ito habang ang matanda ay naghahain. Agad naman siyang napansin ng matanda. "Oh Iha ! kain na lalamig na ang pagkain" Tawag nito sa kanya. Agad naman siyang sumunod sa matanda at naupo na. Pagkasandok niya ay sunod sunod siyang sumubo upang mabilis na matapos. Hindi niya pinapansin ang lalaki, Hindi din naman siya pinapansin nito, akala mo naman ay napakagwapo. "Naku iha, dahan dahan lng sa pagkain baka mabulunan ka" Puna sa kanya ni Manang. Nahihiyang napainom siya ng tubig, Sa sobrang inis niya ay napapasobra pala siya ng bilis kumain. "Sobrang gutom kasi ako manang, Atsaka pagod din po ako sa school" She lied. Half truth, Pero gusto niya lng talaga matapos agad. "You didn't even do your activity" Halos mabilaukan siya nang magsalita si Travis. Nagkatingin sila ni manang. "G-gumawa ako hindi lang talaga natapos, Napakatino naman kasi ng teacher namin, sukat akalain mo nagpapaactivity sa unang araw nang klase" Dere-deretsong usal niya. Tumigil eto sa pagsubo at uminom nang tubig. " What do you expect me to do then?" Taas kilay na tanong nito. Ngumuwi siya. " Pwede ka namang magtanong about us, para naman makilala mo ang mga estudyante mo" Nagulat siya nang tumawa eto ng mahina na paramg may sinabi siyang mali at katangahan. " Magtanong? To know about them? Where are we? An open ferum? A fieldtrip?" Sunod sunod na tanong nito sa sarkastikong tono. Natikom naman niya ang kanyang bibig, at agad namang nagsalita ang matanda na tila nakaramdam. " Grabe ang sarap talaga ng adobo." "I'm done manang, thanks for the food" Tumayo na kaagad ang lalaki at umalis. Ngumuso siya sa matanda. "Naku iha, Pagpasensyahan mona ang alaga ko ganyang lang talaga iyan." Tumatango tango pa ang matanda habang nagsasalita. Sinangayunan na lang niya eto at nagpatulog sa pagkain. Pagkatapos kumain ay tinulungan niya ang matanda sa pagliligpit. Nang matapos silang maglinis sa kusina nang matanda ay naisipan nya nang umakyat. Nadaanan pa niya ang asawang nakatutok sa tv habang may kausap sa telepono at mukhang seryoso ang kanilang pinaguusapan. Sino naman kayang kausap nito? hmmm. Hindi na niya pinansin eto at nagtuloy tuloy na sa kanilang kwarto. Habang naglalaro siya sa kanyang kwarto ay biglang bumukas ang kanilang kwarto. Napalingon siya sa lalaki. Nakita niyang may inilapag na libro ang lalaki sa kanilang nightstand, Hindi niya eto kinikibo at hinahayaan lang. "Mom called me" Nilingon ko siya sa repleksyon sa salamin. "Anong sabi? Bibisita daw ba sila? " Tanong niya. Umupo ito sa kama. " They want us to visit them one of these days" Tumango siya, wala rin naman siyang choice diba. Sa gilid nang kanyang mata ay nakita niyang humiga na ang lalaki, Oh, are you tired sir? Nagpatuloy lang siya sa paglalaro sa kanyang cellphone, Ayaw niyang humiga nang hindi pa eto natutulog. That's awkward. Parang gusto nalang niyang tumabi kay manang. Nang pakiramdam niya ay tulog na ang lalaki ay nahiga narin siya, Malaki naman ang kama nila kaya may pagitan parin sila. Tumalikod siya sa lalaki upang mas mapabilis na makatulog, Mahirap dahil hindi siya sanay na may katabi sa kama pero pinililit niya hanaggang sa makatulog na ito. Nang magising siya ay nagkaroon siya nang weird na panaginip. May yumakap daw sa kanya at humalik sa kanyang buhok, Para sa kanya ay napakasarap ng pakiramdam na iyon, Parang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD