Paguwi niya sa bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang mommy, Gusto niyang itanong dito kung bakit hindi manlang siya naabisuhang sa school pala nila magaapply ang kanyang fiance.
Pagpasok na pagpasok niya sa kanilang sala ay biglang nagsalubong ang kanyang kilay nang maabutang prentang nakaupo ang lalaki sa kanilang sala, busy eto sa binabasang magazine. He's wearing a dark blue sweat short and a plain white shirt.
Hindi niya maiwasang hindi mapansing mas gumanda ang katawan nito kumpara noong huli nilang pagkikita.
Kanina sa klase ay hindi siya makapaniwala na doon eto magtuturo, ang akala niya ay sa
palawan eto magtuturo. She didn't see him for what? Five fvcking months?
"Why are you here?" Bungad niya sa lalaki at huminto sa tapat nito ngunit may distansiya.
Hindi naman siya neto pinansin bagkus ay tuloy tuloy lang eto sa pagbabasa ng libro. The guts of this man. She wanna punch him straight to his face. Nakakairita.
"As far as i know walang nakasulat sa batas na bawal bumisita sa bahay niyo" He pointed out.
Naupo siya sa katapat na upuan nito. Bahagya pa niyang napansin ang kanilang batang katulong na lalabas sana ngunit ng makita sila ay agad etong bumalik sa pinanggalingan.
"Why didn't you tell me na school ka magtuturo" Inis na tanong niya dito.
Mabilis namang nag-angat eto ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Do i have to? And besides ano namang masama kung dun ako magturo?" Balik tanong nito sa kanya.
Hindi ba nito alam na nakakailang kung ang magiging asawa mo ang bagong prof mo?Ni hindi nga niya matawag na 'Sir' eto kanina.
"Yes i have the right to know" Matigas niyang singhal dito.
Humalukipkip eto. " It wasn't a big deal, really"
For her big deal iyon, Hindi siya komportableng andun eto. Gusto niyang isigaw dito ngunit itinikom nalang niya ang bibig.
" Kahit manlang sana pinasabi mo kina mommy at daddy na sabihin sakin, para naman hindi ako nagmukang tuod kanina duon"
"Why are you so mad?" Sagot nito at ibinaba sa maliit na lamesa ang hawak na libro. His full attention is on her.
Hindi niya rin alam kung bakit! Maybe because magkikita na sila araw araw or the thought na pinapaalala nito sa kanyang may asawa na siya ano mang oras. Yes magasawa na sila at hindi magfiance, pero sinabi niya dito na hindi niya tinuturing na asawa eto dahil hindi pa sila ikinasal sa altar sa papel lng sila ikinasal pwersahan pa.
She hate her daddy for doing that to her, pero wala siyang magagawa kahit anong gawin ng kanyang ama ay mahal na mahal niya eto, she just hate him for arranging her to someone she didn't know.
"So we will see each other again?" She asked, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya, pakiramdam niya ay may tagabantay na siya.
"Yes, at saakin kana rin titira" Usal nito na parang wala lang ito sa kanya.
Nagulat siya sa narinig, Anong titira sa kanya? Nahihibang naba eto?
"Anong sayo ako titira?" Nalilitong tanong niya sa asawa.
"You heard me Amanda, you can ask your dad about it" Taas kilay na sagot nito sa kanya.
Sumandal ito sa sofa at pinaglaruan ang pang ibabang labi gamit ang daliri na para bang inaantay ang kanyang susunod na katanungan.
"Kakausapin ko lang si daddy about sa sinasabi mo" Pagsuko niya dito. Ayaw na niyang magtanong dito dahil paniguradong wala siyang makukuhang matinong sagot mula sa lalaki.
Ayaw niyang nakikipagtitigan sa lalaki dahil pakiramdam niya ay nababasa nito ang kanyang iniisip.
Tumayo siya upang puntahan ang kanyang daddy sa office nito. Hindi na siya nagabala pang magpaalam sa lalaki at dire diretso nang naglakad papunta sa office nang kanyang daddy.
Nang makarating siya sa harap nang pinto nito ay naririnig mula sa loob ang boses nang kanyang ina.
"Travis honey! bata pa si amanda bakit kelangan patirahin mona sila agad sa iisang bubong ni sebastian?" Her mom's voice are shaking.
"Nararapat lang na tumira na siya sa asawa niya cheska, kasal na sila kaya dapat lang iyon" Pabalag na sagot nang kanyang ama.
Habang pinapakinggan ang kaniyang mga magulang na nagaaway dahil sa kanya ay parang dinudurog ang kanyang puso, Her dad loves her mom so much, pero kapag siya ang pinaguusapan ay lagi etong nagaaway. Naawa siya sa kanyang mommy dahil parati siya nitong pinagtatanggol kahit na pa magsigawan silang dalawang magasawa.
Para sa kanyang daddy ay wala na siyang tamang ginawa, lahat nang kinikilos niya ay mali kaya siguro naisipan nitong ipakasal siya nang maaga.
Of course tumanggi siya nung una dahil bata pa siya, gusto niya pang maranasan ang pagiging dalaga, pero napilit din siya nang kanyang daddy kalaunan dahil ginamitan siya nito nang salitang ' Utang na loob' . She can't dissapoint her dad and mom again and again, kahit dun manlang sana ay maging proud eto sa kanya, ngunit mali pala siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi iyon nakikita nang kanyang ama. She felt sorry for herself.
Hindi na niya binabalak pang pumasok sa opisina nang kanyang ama at dumiretso nalang sa kanyang silid, ayaw na niyang kwestyunin pa ang ama, ayaw niyang madagdagam nanaman ang pagaawayan nila ng kanyang mommy, hanggang kaya niyang sumunod ay gagawin niya. Nagbabakasakaling mapansin din eto nang kanyang daddy.
Habang inaayos niya ang mga damit na ilalagay sa maleta ay pumasok ang kanyang mommy na may malungkot na mukha.
Lumapit eto sa kanya at tinabihan siya sa kama.
"I'm sorry anak, walang akong magawa sa gustong mangyari nang daddy mo" Hinging paumanhin neto za kanya.
She smiled. Stoping herself to cry infront of her mom.
"It's ok my, i understand daddy, alam kong para din eto sa kinabukasan ko right!" Sagot niya sa ina, kahit na ang totoo ay hindi niya naiintindihan kung bakit nagagawa eto ng kanyang ama sa kanya.
Hinawakan naman neto ang kanyang mukha sabay tanghod.
"Yes baby, this is all for you. Wag ka sanang magagalit sa daddy mo anak, I know may rason siya"
She smiled again and nodded. Ayaw niya nang magsalita dahil baka mamaya ay bumuhos na ang kanyang mga luha. Umiwas na siya sa kamay ng kanyang ina at inumpisahan muli ang pagiimpake.
Her mother known her so much, dahil nang sandaling iyon na pakiramdam niya ay hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman ay nakaalis na eto kung kaya't malaya na siyang pakawalang ang mga luhang kanina pang nagbabadyang bumuhos. She cried and cried hanggang sa makatulog siya nang hindi niya namamalayan.
Marami siyang hindi naitanong sa kanyang ama pero alam niyang may panahon para malaman niya eto. At maghihintay siya kung kailan iyon sasabihin nang kanyang daddy.