TWELVE

1333 Words
Pumalumbaba siya at saka niya naisip ang sinabi ni Sebastian ilang araw na ang nadaraan. He will make her pregnant. Damn Normal lang ba sa may sakit ang ganun, Kasi nang nagising naman ito kinaumagahan at makaharap siya ay sinusungitan siya nito ulit. Speaking of his husband, Birthday nito bukas. Dapat ba ay magregalo siya? Ano naman ang ibibigay niya? Saka ang pera naman niya ay dito rin galing. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang makuha nang kumpolang istudyante ang atensyon niya. Napataas ang kanyang kilay nang mapansing ang asawa ang sinusundan nang mga ito. Gosh, wala bang mga ibang gagawin ang mga istudyanteng ito? Imbis na magaral ay inuuna ang landi. Shet "Tsk" Napailing siya nang harangin nang dalawang babaeng may malaking suso si Sebastian at parang may tinatanong. May inabot silang papel dito dahilan upang maningkit ang kanyang mata. Naguusap ang mga ito, At dahil nga isa siyang sutil ay binigyang buhay ang mga ito na parang naririnig niya kahit na pa napaka layo nang mga ito sa kanya. "Sir, Eto napo ang bagsak naming grades" Panggagaya niya sa isang babae, Alam niyang hindi iyon ang usapan nila ngunit paki ba nito eh sa gusto nga niya. Nakita niyang ngumiti si Sebastian. Binigyang boses naman niya ito." Ah sige, Tanga ka naan talaga" May sinabi pa ang babae." Thank you, Sir" Nang lagpasan sila ni travis ay napabuntong hininga nalang siya. Haiystt nababaliw na ata siya, kung ano anong kalokohan na ang pumapasok sa utak niya. Mabuti nalang ay busy ang kanyang dalawang kaibigan kung hindi ay narinig na siya nang mga ito. Hindi nila kasama ngayon si Jeremy dahil may babaeng sumundo dito kanina. "Mga lalaki nga naman, Gustong gusto ang may malalaking suso" Komento niya habang nakapalumbaba. "No, Not all" Halos mapatalon siya sa gulat nang magsalita si Jeremy sa likuran niya. Nilingon niya ang kinatatayuan nito kanina kasama ang babae ngunit wala na ang babaeng kausap nito kanina. "Tapos na kayo magusap? Bilis ah, Anong pinagusapan nyo?" Usisa niya dito. Umiling ito." Wala lang yon" "Aysus, Ganyan din sinabi nang mga magulang ko noon, tignan mo ngayon sila nagkatuluyan" Bahagyang tumabingi ang ulo nito at tinitigan siya kung kayat itinikom nalang niya ang kanyang bibig, Sakto namang histerical na naupo si Sarah at Letecia sa kanyang tabi. "Mga bebe nakakapagod syett" Hingal na usal ni Sarah at ginawang pamaypay ang palad. "Anong nakakapagod sa ginawa mo ibang bola ang sinasalo mo" Segunda naman ni Letecia na panay ang paypay din sa mukha. Napailing ako sa dalawa. Makikisali na sana siya sa asaran nila nang biglang tumunog ang kanyang cellphone NINONG S calling...... Napangiwi siya at sinagot ang tawag. "Come here" Nanuyo ang kanyang lalamunan nang marinig ang boses nito sa kabilang linya. "W-Why? Where?" Nagtatakang tanong niya. "Look at faculty building" Utos nito Bahagya muna siyang tumingin kay Jeremy na ngayon ay kausap na nang dalawa. Sumulyap siya sa building na sinasabi nito. BAhagya namang nanlaki ang mata niya nang makitang nakatayo nga ito doon at nakapatong ang braso sa railing habang nakatingin sa gawi nila. "Come here" Ulit nito. Tatanggi na sana siya dahil kasama nito ang kanyang mga kaibigan ngunit bago pa siya muling makasagot ay pinatay na nito ang tawag saka pumasok sa sariling opisina. Pasimple niyang inayus ang kanyang buhok. "U-Uhmmm mauna na kayong umuwi, May nakalimutan lang akong gawin sa loob" Usal niya saka mabilis na isinukbit ang bag sa balikat. Natigil ang tatlo sa paguusap nang marinig ako." Hala eh bakla san ka nanaman gogora? At anong gagawin mo? Pwede naman kaming sumama" Sunod sunod na tanong ni Letecia. "Basta mauna na kayo may nakalimutan lang akong gawin" Sagot niya. Inismidan naman siya ni Sarah." Hay nako bakla, napapansin ko panay panay ang ganyan mo huh" "Gagi oo nga, Sige na pasok nako. Mauna na kayong umuwi ah" Pagpapaalam niya sa mga ito. Naglakad na siya palayo, ramdam niyang nakatingin ang mga ito sa kanyang likuran, Iniba niya ang kanyang daan upang hindi nila makita kung san siya pupunta. Mahirap na baka mabuko pa sila nang mga ito. Nang makaratong siya sa opisina nito ay sinigurado muna niyang walang taong makakakita sa kanya, nang masigurado niyang wala ay pumasok na siya. Nang makapasok na siya sa loob ay nakita niyang nakaupo ito sa kanyang swivel chair at may sinusulat. Napaangat ang tingin nito sa kanya. Bago lumapit dito ay inilock niya na muna ang pinto. "Bakit?" "Here" Inusog nito papalapit sa kanya ang puting papel. Kunot noong kinuha niya ito at binasa. Dear teachers, I am writing to explain that Amanda Lheire Del Ville Dawson studying in your class was unable to attend clases today. Since yesterday evening she had been feeling unwell. I have taken her to the doctor for medicine and hopefully, she will be better soon. Sincerly, Mr. Dawson Bigla siyang natameme sa nabasa at nagtatakang tumingin dito. "A-Ano to?" Sumandal siya. "Excuse letter" kaswal na sagot nito. "Nino?" "Do you know another Amanda Dawson?" Sarkastikong aniya. Sinamaan niya ito nang tingin. Akala ata nang gurang na ito ay nakikipagbiruan siya. "Kanino nga? Bat ako aabsent?" Inis na tanong niya. "That's yours, Hindi ka papasok bukas" Kalmadong wika nito Napatuwid siya nang tayo at nagtatanong na tinitigan niya ito.Wala naman siyang sakit bakit siya aabsent? "Bakit?" Inirapan siya nito na parang nagsasabing alam niya naman kung bakit siya aabsent." Attitude ka?" Segunda nang kanyang isip. "Sebastian, Tell me ano nga?" "Tsk, Aalis tayo" Ibinababa niya ang papel sa kanyang bag. " Saan tayo pupunta? I can't skip a class, Mahirap kayang umabsent sa klase" Sinimangutan niya ito. "Basta, Just give that excuse letter to your friend" "Ay, Ayoko nga. Hindi ko naman alam kung saan eh" Pagmamatigas niya kahit napa ss loob loob niya ay naeexcited na siya. Napahilot naman ang asawa sa kanyang sentido na animo'y nahihirapang magpaliwanag sa kanya. Ang arte." Fine, Pupunta tayong bundok maghihiking tayo" Namilog ang kanyang mata. "Talaga?" Minsan na siyang nakaakyat nang bundok kasama ang dalawa niyang kaibigan, nakakapagod ito pero napakasarap naman sa pakiramdam pag nasa taas kana. "Yup" Hindi niya alam pero lalo siyang naexcited. " Sige iaabot kona to kay Letecia at Sarah mamaya" Masayang wika niya bago nagmamadaling lumabas at nagbabakasakaling maabutan pa ang mga kaibigan sa bench na tinatambayan nang mga ito Mabilis ang kanyang pagbaba, Napangiti siya nang makitang andun pa ang mga ito. "Hey, Bat dipa kayo umuwi" Bahagya pang nagulat ang dalawa sa presensiya niya "Hindi pa tambay lang kami ng konti" Sagot ni Sarah "Oh ikaw tapos kana ba sa ginagawa mo? Tara sabay na tayong umuwi" Anyaya naman ni Letecia sa kanya. Umiling siya saka inilabas ang excuse letter na ginawa ni Sebastian at inabot dito." Pakibigay naman to sa mga prof bukas" Sabay silang dumungaw roon. Nang matapos nilang basahin ay napataas ang kilay ni Sarah na tumitig sa kanya." May sakit ka? Advance magisip?" "Tatay mo andito?" Segunda naman ni Letecia na palinga linga pa. "Basta pakibigay nalang yan bukas, Nasa labas na kasi si daddy eh sasabay na daw kaming uuwi" Biro niya sabay karipas nang takbo papuntang parking lot. Narinig niyang tinawag pa siya nang mga ito, pero hindi na niya ito nilingon at nagderederetso na, mabilis siyang pumasok sa kotse nang asawang nakaparada na sa harapan niya. "Naibigay mo?" Tanong niya kaagad at pinausad ang sasakyan. Tumango siya, Saka niya ito nahampas sa braso nang maalalang wala ang kanyang bag. " OMG, Ang bag ko" Sigaw niya Ngumuwi ito at hinimas ang nasampal niyang pagrteng braso nito." I got it" Sabay turo nito sa likuran nang kotse. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang andun nga ito. "Masakit ba?" Tanong niya nang mapansing isang kamay lang ang gamit nito sa pagdridrive habang hinihimas himas ang isang braso. "Ang bigat kaya nang kamay mo, Ang liit liit mo pero ang sakit manakit" Imbis na maawa siya ay natawa pa siya sa asawa. Ang busangot nitong mukha ay napalitan na rin nang ngiti , Natatawa na rin itong lumingon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD