Nang makarating siya sa kanilang klase ay kakaunti palang ang tao, Naabutan niyang kausap ni Jeremy Sina Sarah at Letecia sa dulo. Bahagya siyang napangiti dahil kahit papano ay nagiging socialize na ito.
"GoodMorning Guys" Bati niya sa tatlo.
"Ang aga mo ngayon friend" Komento ni Sarah sa kanya.
"Oo nga ano meron?" Segunda naman ni Letecia.
Tinaasan niya ang mga ito nang kilay." Masama bang masubukang pumasok nang maaga ngayon?" Sagot niya.
Natawa naman ang dalawa niyang kaibigan." Nagtatanong lang eh" Sabay nilang usal sa kanya
Inirapan niya ang dalawa at humarap kay Jeremy." Wag kang magpapasakop sa dalawang to huh!" Ani niya dito sabay turo sa dalawang kaibigan na humahalakhak na.
Ngumiti naman ito at umuling, Tama nga ang sinasabi nito noong una silang nagkasama. Mukha nga itong malibog na lalaki pag ngumingiti, Natawa siya sa naisip.
Napansin naman ito ang mahinang pagtawa nya kung kaya't agad itong napasimangot.
"Do i really look pervert when i smiled?" Takang tanong nito habang ngumingiti ulit tila prinapraktis nito kung pano ngumiti nang tama, dahilan upang ma pa bungisngis siyang muli
"Shhh, Keep Quiet"
Napatigil siya sa pagbungingis nang sumilip si Sebastian sa kanilang klase. Mukhang narinig nito ang kanyang bungisngis, Bago umalis ay sinamaan pa siya nito nang tingin.
Anong problema no'n?
"Mukhang galit ata sakin si Sir" Wika ni Jeremy.
Napalingon naman siya dito." Pano mo naman nasabi? Ganun naman talaga iyon, akala mo palaging may dalaw"
Umiling ito." Hindi eh, I feel like he hate me, Na kapag magkasama tayo ay laging masama ang mood niya, Wala namang aking ginagawang masama"
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi, Kung alam mo lang Jeremy, gusto niyang isatinig ngunit hindi niya ginawa.
Hindi na siya sumagot pa dito. Mabilis na lumipas ang oras. Habang papunta silang apat sa soccerfield ay narinig niyang pinaguusapan nang ibang estudyante ang kanyang asawa.
Hindi niya maiwasang makinig dito lalo na't topic nila ang kanyang Asawa.
"Siguro nga gurl, Kasi kaninang nasa room siya ay putlang putla na ito. Hindi ba pwedeng mag absent ang teacher? Nako kawawa naman si Sir"
Nagsalubong ang kanyang kilay. May sakit ba ito? Kanina naman ay wala
Mabilis iyang nagpaalam sa tatlo nang marinig ang usapan nang estudyante, Mabilis siyang pumunta nang clinic sa kanilang school at humingi nang gamot, Sumaglit na din siyang cafeteria at bumili nang pagkain dinoble na niya iyon para sa asawa dahil mukhang hindi na ito makababa upang kumain.
Lakad takbo ang ginawa niya upang makarating sa opisina nito. Hindi na niya nagawa pang magpalinga linga upang icheck kung may makakakita ba sa kanyang papasok doon dahil sa pagaalala.
Kakatok na sana siya nang makitang nakabukas ito nang kaunti kaya sumilip muna siya dito dahil baka may ibang istudyante sa loob. Pagsilip niya ay naningkit ang kanyang mata dahil nasa loob ang gurong si Ma'am Claire habang pilit na hinahawakan ang noo nang kanyang asawa.
Umiwas naman naman ito.
"Sige na Sir Travis, Inumin mona ang gamot mo, Look oh ang init mo" Rinig niyang usal nito.
Akmang hahawakan ulit nito ang noo nang kanyang asawa nang tuluyan na niyang buksan ang pinto at pumasok, sabay namang napatingin ang dalawa sa kanya.
Ngumiti siya." Sir andito napo ang pinabibili mong lunch" Madiing usal niya sabay tingin kay Ma'am Claire na mukhang nagulat sa pagpasok niya." Good Afternoon Ma'am" Bati niya dito.
Tumikhim si Sebastian at umayos nang upo.
"Ma'am Claire, You can go now. Andito na ang lunch ko, you can have your lunch also, Thank you for the med" Seryosong usal nito.
Tumango naman ito at tila nagaalinlangang umalis.Nang makaalis ito ay sinigurado niya munang wala na talaga ito bago muking pumasok at ibinaba ang tray na daldala.
Lumingon siya kay Sebastian na pinagmamasdan lang ang kanyang bawat kilos, Nakasandal ang ulo nito sa sandalan ng swivel chair. Bahagyang mapula ang mata nito na tila gustong matulog.
Inis na itinabi niya ang gamot na dala nang ginang kanina at kinuha ang gamot na siyang binili niya kanina. " Kumain kana muna bago ka uminom ng gamot"
"How did you know?" Mahinang tanong nito sa kanya.
Napangiwi siya." Kahit saan naman ako magpunta ay ikaw ang bukambibig, panong hindi ko malalaman" Inilapag niya ang kanin at ulam sa tabi nito. " Bakit ka nga pala nagkasakit? Ang lakas lakas mo naman kanina"
Mabilis naman itong humalakhak." Masama na talaga ang pakiramdam ko kanina pa, Pero hindi pa naman ako mamamatay, Kaya pa nga kitang anakan"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito, Hindi niya ito tinitignan, Nagkunwari siyang nagsasalin nang tubig sa baso.
Halos mapatalon siya sa gulat nang hawakan nito ang kanyang palapulsuhan." Hey, Calm down" Rinig niya ang pang aasar sa tono nito.
Talaga nga atang may tama ito ngayon, Hindi niya mawari kung bakit paiba iba ito nang mood kada araw.
"A-ano? Inaayos ko ang pagkain mo" Nagkunwari siyang hindi narinig ang sinasabi nito, Kahit napa sa loob-loob niya ay gusto na niyang umalis sa opisina nito.
"Look at me"
Hindi niya ito sinunod. Ano siya uto-uto.
"Amand, Look at your husband. Come on"
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at gusto niyang kutusan ang sarili dahil uto uto nga siya dahil tumingin naman siya dito. Ganun nalang ang kabang nararamdaman niya nang magtama ang kanilang mata. Mapungay ang mga mata nito habang may ngisi sa labi, Ganito ba talaga ito pag may sakit? Kung ano ano ang pumapasok na kalokohan sa isip.
" Why are you so shocked? We're married natural lang na gagawa tayo nang baby, Soon. Don't tell me hindi mo naisip yon?" Tanong nito habang sinisilip ang mukha niya.
Bahagya niyang inagaw ang kamay niya, Pakiramdam niya kasi ay napapaso siya dito, Mainit na nga ito ay nadagdagan pa nang atrasyong nararamdaman niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Kukumbulsyunin kana ba?"
Humalakhak ito at binitawan siya saka umayos nang upo. " Sorry, I just want to see your red face"
"Kumain kana nga, Kung ano anong ginagawa mo. May klase ka paba mamaya?" Kunwaring inis na wika niya.
Umiling naman ito." Wala na akong klase" Sabay nguso sa visitor's chair." Move it closer" Utos nito.
Sinunod niya naman ito at inilapit sa kanya, Nagulat siya nang hilain siya nito paupo sa upuan. "Lets eat I'm really hungry"
"Gutom ka? Eh mukhang busog na busog kanga sa mga halpos ni ma'am eh" Ginaya oa niya ang paghaplos nito kanina sa asawa.
Nakataas ang kilay na sinulyapan siya nito.
"You're jealous, Aren't you?"
"Bakit naman ako magseselos dun?"
"You should not" Madiing usal nito at pinagpatuloy na ang pagkain.
Pagkatapos nila kumain ay ininom na nito agad ang gamot, Isinandal ulit nito ang ulo sa sandalan habang pinanonood siyang isinisinop ang kanilang pinagkainan. Pagkatapos niyang magsinop ay itinuro niya ang sofa sa gilid.
"Gusto moba umuwi o mahiga muna doon?" Tanong niya.
Napakunot ang kanyang noo nang ngumiti ito, Yung totoong ngiti.
"You treated me like a baby" Komento nito.
Natawa siya kahit napa sa loob loob niya ay ang lakas na nang kabog nang kanyang dibdib." Wala lang alangan namang pabayaan kita" Kibit balikat niyang sagot.
"Why is that? Kapag tayong dalawa lang ay ambait mo minsan masungit, Tapos sa labas kulang nalang ay umarte kang hindi mo ako kilala" Tanong nito.
Hindi siya kumibo.
Naglakad naman na ito at humiga sa sofa, Tinapik nito ang uluhan." Come here, I need a pillow"
"At mukha akong unan?" Tanong niya.
Umupo naman siya sa tinapik nito, Kulang nalang ay lumabas aa kanyang ribcage ang kanyang puso sa lakas nang t***k nang dahan dahan itong umunan sa kanyang hita.
Bumaba ang tingin niya sa lalaki nang umikot ang ulo nito paharap sa kanyang tyan." Sebastian" Sigaw niya.
Nakaawang ang kanyang labi sa posisyon nila, samantalang ang lalaki ay parang sarap na sarap sa kanyang posisyon.
Inaantok na nagangat ito ng tingin. "Pwede bang ganito muna tayo? Kahit ngayon lang" Parang batang tanong nito.
Wala sa loob na napatango siya.
May sumilay na ngiti sa labi nito bago muling pumikit at bahagyang hinalikan ang kanyang tyan." Aftet you graduate, I'll make you pregnant, Lalagyan ko'na to nang laman" Antok na bulong nito bago tuluyang nakatulog
Naiwan naman siyang nakanganga at bahagyang napahawak pa sa hawakan nang sofa.