TEN

1171 Words
Mabilis niyang itinulak si Sebastian dahil sa mga sinabi nito. May kakaiba siyang nararamdaman sa pagiging malapit nito. Ang paghinga niya ay naging malalim, Bahagya pang tumagilid ang mukha ni Sebastian sa ginawa niya. "A-Ano bang sinasabi mo Sebastian?" Tanong niya upang maitago ang kaba. Nagkibit balikat ito bago tapikin ang kanyang balikat. " Calm down , I won't bite" Wika nito sabay naglakad palayo sa kanya. Napahawak siya sa pader nang mawala na ito, Sa tagal niya itong nakakasama at nakikita sa bahay nila ay ngayon lang ata siya masyadong kinabahan sa presensya nito. "Hey!" Halos mapatalon siya sa gulat nang may kumalabit sa kanya. It was Jeremy "Ano kaba Jeremy, Nakakagulat ka naman" Huminga siya nang malalim, Nakita kaya nito na magkasama sila ni Sebastian?. " Kanina ka paba?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo nito saka umiling." Nope, Why are you always surprised?" Takang tanong nito. "Lagi karin kasing nanggugulat, Tara na nga mamaya malate pa tayo" Yaya niya dito. Bahagya pa niyang sinilip ang dinaanan ni sebastian . Nang makarating sila sa classrom ay panay panay ang asar sa kanila nang mga kaklase, Napailing nalang siya sa mga ito habang si Jeremy naman ay nagiwas lang ng tingin. Kinabukasan ay maaga siyang nagising, talagang sinadya niya pang mag alarm upang magising nang maaga, Alam niya kasing hindi nanaman siya gigisingin ni Sebastian. Lalabas na sana siya nang kwarto para mag almusal nang marinig niyang kumakanta ito sa Cr. Parang may sariling buhay ang kanyang paa at humakbang papalapit sa pinto nang banyo Inilapit niya ang kanyang tenga sa pintuan para mas marinig ang boses nito. Napangiti siya nang marinig ang malamig nitong boses na sumasabay sa pagbuhos nang tubig galing sa shower. He's singing someone you loved. This is the first time She heard him sing. Nang marinig niyang tumigil itong kumanta at pinatay ang shower ay mabilis pa sa alas kwarto itong lumabas nang kwarto. Nang makarating siya sa kusina ay naabutan niya si manang na naghahain na nang agahan. "Magandang umaga iha, ang aga mo ata" Komento nito saka siya nginitian kasalukuyan siyang nagsasalin nang mainit na tubig sa thermos. "Magandang umaga din po manang, nagalarm po kasi ako kaya maaga, baka kasi hindi nanaman po ako gisingin ni Sebastian" Wika niya. Inabot niya ang isang hotdog at isinubo iyon. Sakto namang pumasok si Sebastian na nagpupunas nang buhok, bumaba ang tingin nito sa kagat kagat niyang hotdog bago nagiwas nang tingin at umupo sa pwesto niya. Naiisip niya parin ang sinabi nito sa labas nang banyo kahapon. Flirt with him? Does it mean he likes her? No, I'm she's going to ask him that, baka umasa lang siya. "Hey, you're spacing out" Pumitik ito sa harap niya dahilan upang mapakurap siya, agad siyang napabaling dito na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. "Ano?" "Nakatunganga ka dyan" He pointedout. "May iniisip lang ako" Pagdadahilan niya at saka uminom nang kape. "Sino? Ako?" Tanong nito. Halos maibuga niya ang kapeng nasa bunganga sa sinabi nito. Napaismid pa siya dahil don, Nagpeke siya nang tawa at sabay iling upang hindi nito mapansin ang kanyang kaba. "Anong ikaw? Assuming mo" Natatawang kunyaring tanong niya. Hindi nakalagpas sa kanyang mata ang mapanuksong ngiti ng ginang habang naghuhugas ito nang plato. Napatuwid siya nang upo ng ilagay ni Sebastian ang kanyang braso sa sandalan ng kanyang upuan, Pakiramdam niya ay napapaso siya nang tumama ang kamay nito sa kanyang balikat. Nahigit niya ang kaniyang hininga nang dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Naamoy niya kaagad ang mabango nitong amoy, napaka natural nito. Pakiramdam niya ay humigpit ang kanyang hawak sa baso nang ilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. "A-Anong g-ginagawa mo?" Nauutal na tanong niya. Bahagyang tumama sa kanyang tainga ang hininga nito." May muta ka" Bulong nito. Ngingising-ngisi itong umayos nang upo habang siya ay nanlalaki ang mata dahil sa sinabi nito. Mabilis niyang kinapa ang kanyang mata, pakiramdam niya ay pulang-pula ang kanyang mukha sa kahihiyan. "Pinagtritripan moba ako?" Inis na tanong niya sa lalaki. "Hindi ah" Ngumiti ito sa kanya. Napaiwas siya nang tingin dito, pakiramdam niya ay inaakit siya nito. Nang matapos siyang kumain ay mabilis siyang naligo, nagulat pa siya nang makita si Sebastian sa labas nang bahay. Nakasandal ito sa kanyang kotse. Akala niya ay umalis na ito. "Get in" Aniya ng makita siya. Kunot noo siyang lumapit dito. "Ha? Bakit?" "Sakay na andaming tanong" "Bakit nga" "Malamang isasabay na kita" Inis na wika nito sa kanya. Bakit ba ito naiinis, e hindi naman niya sinabing sasabay siya." Huwag na baka may makakita pa saatin sa school" Pagtanggi niya Kitang kita niya kung paano umikot ang mata nito at sabay binuksan ang pinto." Sumakay kana, Ayokong na-la-late ako" Masungit na sabi nito. Naguguluhan man ay sumakay na din siya, pinanood niya pa itong umikot papuntang driver's seat. "Sino ba kasing may sabing hintayin moko? Karaniwan naman ay nauuna ka talaga ah, bakit may pasakay kana ngayon?" Tanong niya habang inaayos nito ang seatbelt. "Because I'm flirting with you" Seryosong Aniya na deretso ang tingin sa harapan bago paandarin ang kotse. Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. What the hell Sebastian? Deretso ang tingin niya sa harap habang tahimik na nagdridrive si Sebastian. Ang ilang minutong papasok ay naging kalahating oras sa bagal nitong magpatakbo. Nang isang liko na lang sila bago makarating sa iskwelahan ay itinuro niya ang isang store. "Dyan mo nalang ako ibaba" Turo niya. Bahagya siya nitong sinulyapan. Imbis na bagalan nito ang sasakyan ay mas lalo pa nitong binilisan. Nanlaki ang kanyang mata nang ideretso nito iyon sa parking lot ng school. Kinabahan siya dahil maraming istudyante ang dumadating. Mabilis na hinampas niya ito sa braso at mabilis na tinggal ang kanyang suot na seatbelt. Inis na hinarap niya ang lalaki." Pano ako baba niyan?" "Open the door, tsk" "Magbibiro kaba Sebastian? May makakakita sa akin na bababa nang kotse mo" "Who say's I'm kidding? Just f*****g open the door and walk naturally. You're just overthinking. What if they see you? May mga mata sila natural na makakakita sila Amanda" Mahabang wika nito. Baba na sana ito nang hawakan niya ito sa braso, bumaba naman ang mata nito sa kanyang kamay kaya agad siyang napabitaw dito. "Hindi nila alam na-" "That we're married?" Taas kilay na tanong nito. Tumango siya. "I'm handsome, I'm professor, anong ikinahihiya mong asawa moko?" Napaawang ang kanyang bibig sa biglaang tanong nito. Hindi niya alam ngunit kakaiba ang tono nang boses nito nang sabihin iyon. "Hindi sa ganun" Iiling iling niyang sagot. "So what?" "Teacher ka, Istudyante ako. Kahit pa sabihing legal na tayo ay hindi parin maganda, may mag iisip at magiisip parin nang hindi maganda" Paliwanag niya. Sandali itong tumingin sa kanya." Fine, Mauna kanang bumaba, after five minutes at bababa ako kung yan ang mas makakapagkampante sayo" Napipilitang ani nito. Napangit naman siya, mukhang mabait ata ang asawa niya ngayon." Thanks" Mabilis siyang lumabas nang kotse nito, may sinasabi pa ito ngunit hindi na niya narinig dahil mabilis siyang naglakad papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD