Nang dumating ang lunes ay hindi sila nagpapansinan ni Sebastian ngunit madalas niya itong nahuhuling nakatingin sa kanya, naiirita ito sa lalaki baka mamaya ay isipin nitong desperada siya sa atensyon.
Habang papasok siya sa campus ay samo't saring pagbati ang natatanggap niya, ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya binigyang pansin.
Pagpasok niya sa kanilang room ay nakangiting nilapitan niya ang kanyang kaibigan.
"Absent si Sarah?" Tanong niya kay Letecia nang mapansing wala ang kaibigan.
Tumango ito." Ihahatid daw nila ang daddy niya sa airport ngayon"
Tumango nalang siya. Napalingon naman siya kay Jeremy na nakadukmo sa armest nito habang may nakasalpak na earphone sa tenga.
Kinalabit niya eto upang magising dahil baka dumating na ang kanilang guro.
"Hey, gising" Mahinang tapik niya dito.
Napaungol naman ito at saglit na inangat ang mukha. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito at napansing may band aid na nakatapal dito.
"Napano yan?" Nagaalalang tanong niya dito.
Napaayos naman nang upo ang lalaki at hinarap siya.
Kaagad namang tinago nang lalaki ang kaniyang kamay. "Wala to"
"Patingin nga" Kinuha niya ang kamay nang lalaki, Napansin niyang tatlo ang band aid nito sa kamay, Napano kaya to?
Ganong eksena ang naabutan ni Sebastian pag pasok nito sa loob, Kaagad niyang binitawan ang kamay nito at umayos nang upo.
Pagpasok palang nito sa loob ay sinalubong na ito nang mahaharot niyang kaklase, ang isa pa nga ay nagpresintang ito na dw ang magaattendance.
Nagpa-activity eto, by partner, Gagawa dw sila nang essay tungkol sa story na nabasa.
Napangisi siya, Matalino si Jeremy kaya hindi siya mahihirapan pag ito ang kinuha niyang kapartner, Ekis muna sa kanya si Leticia dahil parehas silang walang alam sa mythology.
"Jeremy partner tayo" Anyaya niya dito sa gitna nang ingay sa klase.
"Sure" Nakangiting sagot nito.
Nawala ang kanyang ngiti nang magsalita si Sebastian sa harap. " Girls partners witj girls, boys with boys" Matabang na usal nito.
Kaniya kaniyang angal ang kaniyang mga kaklase, Agad naman siyang napatingin sa lalaki at nakitang nginisian siya nito.
Jerk.
"Sayang bawal pala" Usal ni Jeremy habang nakatingin sa kanya.
Nginitian niya ito ay bumuntung hininga. "Hayaan mona nga si Letecia nalang ang kapartner ko"
Nang matapos sila ay kailangan na nilang ipasa ang papel, nagtuturuan pa sila ni Leticia kung sino ang magaabot, and ending ay siya din ang gagawa.
Nang siya na ang magaabot at nakatayo na siya sa harap nito ay tinaasan siya nang kilay nang lalaki.
"Pati ba naman uniform ay maikli parin?" Mahinang usal nito habang ang mga mata ay nasa papel na ipinasa ng nauna sa kanya
Pasimple siyang napatingin sa gilid-gilid, Nagaalang baka may nakarinig sa sinasabi nito.
"Here's our essay SIR" Pagdidiin niya sa huling salita sabay abot nang papel.
Umigting ang panga nito at padarag na kinuha ang papel na hawak walang basa basang chinekan nito ang papel sa harapan niya.
"Come to my office later" Mahinang bulong nito sa kanya sabay abot nang papel.
Hindi siya sumagot at dali daling bumalik sa kanyang upuan, Natuwa naman ang kanyang kaibigan dahil perfect score sila. Damn it Sebastian.
Bago lumabas si Sebastian ay sinulyapan pa siya nito, Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang ba na kinindatan siya neto.
Nang magtanghalian ay dalawa lang sila ni Jeremy ang nagtungo nang cafeteria dahil may aasikasuhin pa daw ang kanyang kaibigan, cheerdancer kasi ito.
Nasa isang table sila nang cafeteria, upuan na talagang nakalaan sa kanilang magkakabigan. Tahimik silang Kumakain ni Jeremy nang mag angat ito nang tingin sa kanya at lumagpas ang tingin nito sa likod niya. Naramdaman niyang may nakatayo sa kanyang likod.
"Can i join you?" Kinabahan siya sa boses nito.
Nabitin ang pagsubo niya. " Sure, Sir" Sagot ni Jeremy sabay lahad nang isang upuan.
Agad naman itong umupo sa katabing upuan.
"Ngayon ko lang ata kayo nakitang kumain dito sir?" Tanong ni Jeremy at nagpatay malisyang nagtuloy sa pagkain.
Napainom siya nang tubig.
"Yes, Hindi kasi dumating ang dapat na kasabay kong kumain" Sagot nito sabay sulyap sa kanya.
"Ganon ba Sir" Tumango naalng ito sa guro.
"Yup, Bakit kayo lang? Asan ang iba nyong kaibigan?" Si Jeremy ang kausap nito ngunit sa kanya ito nakatingin.
"Nagattend nang practice for cheerleader Sir" Sagot naman ni Jeremy.
Bahagya niyang sinipa ang paa nang lalaki sa ilallim, hindi naman iyon makikita nang mga tao doon dahil may mahabang tela na nakabalot sa lamesa.
Napahalakhak naman si Sebastian, marahil dahil sa pagsipa niya.
"How about you? Wala ba kayong gagawin for sportsfest?" Tanong nito sa kanila habang kumakain.
"I can play basket ball Sir ,but am busy" Mabilis na sagot ni Jeremy sa guro.
Tumango naman si Sebastian bago siya nilingon. "How about you Amanda?"
Parang nahulog ang puso niya sa gulat. " U-uhmm i can play chess pero hindi ako magaling" Sagot niya
"May try out nang chess bukas, Why don't you try?" Tanong nito at sumandal sa upuan.
Napalingon naman sa kanya si Jeremy. "Oo nga, You should try Madds" Dagdag nito.
Nangunot ang noo ni Sebastian sa pangalang itinawag nito sa kanya.
"Pero hindi ako magali-"
"I can teach you" Sabay silang napalingon ni Jeremy kay Sebastian.
"Yon pala eh, Sir travis will teach you" Segunda naman ng lalaki
Hindi na siya sumagot at itinuloy ang kinakain. Tapos na silang kumain nang akmang tatayo na sila nang biglang matapuanan nang isang estudyante ng tubig ang pants ni Sebastian. Napatayo si Jeremy, Nanlaki ang kanyang mata sa ginawa nang babae.
Pinupunasn nito ang hita nang ASAWA NIYA, Narinig niya ang mahinang tawa sa kabilang lamesa, tinignan niya ito at agad namang nagiwas ang mga ito nang tingin. Halatang sinadya nila ang nangyari.
"Nako Sir sorry po" Malanding anya nang babae.
"It's ok you don't have to...STOP" Pigil ni Sebastian sa babae sabay tingin sa kanya.
Bakit ito tumitingin sa kanya?
Tumayo ito at siya na mismo ang nagpunas nang kanyang slacks, Nagsorry ang babae bago muling bumalik sa mga kaibigan niya. Nagbubulungan ang mga ito, Naningkit ang kanyang mata dahil mukhang talagang sinadya nila ito.
"Jeremy, Magbabanyo lang ako mauna kana sa room" Paalam niya dito.
Mabilis siyang umalis at nagtungo sa pinakamalapit na restroom.
Pagpasok ay naghilamos agad siya nang mukha." Do you like him now?" Tanong niya sa sarili. " Nagseselos kaba?" Dagdag niya. Napapailing siya sa sarili
Nagpunas siya nang sarili bago lumabas.Ganun nalang ang gulat niya nang makitang nakasandal si Sebastian sa labas na parang inaantay siya.
Nakahalukipkip itong nakatingin sa kanya.
Lumapit ito sa kanya, bahagya pa siyang napaatras. "Bakit ka andito?" Tanong niya
The last time she checked ay magkagalit sila.
Napabuntong hininga ito at mas lalong lumapit sa kanya.
"Are you Mad?"
Nabigla siya sa tanong nito. Nagpalinga-linga siya at nagpapasalamat na walang ibang tao.
Umiling siya.
Pumungay ang mga mata nito, Nilagay niya ang kanyang palad sa dibdib nito upang hindi ito mas lalong makalapit sa kanya, Kapag may nakakita sa kanila ay paniguradong malaking issue iyon, ayaw niyang masira ang kaniyang pangalan kahit napa anak siya nang may ari.
"S-Sebastian baka may makakita satin, Lumayo ka" Utos niya.
Mas lumapit ito, Nanuyo ang kanyang lalamunan nang magtama ang kanilang mata.
"I don't like when you're with other man. I hate it. Just me, Ako lang , Kung gusto mong lumandi saakin lang. Flirt with me come on. I'm all in Amanda, Just don't go near other man, I'm a jealous person Amanda" Bulong nito sa kanyang tenga na nagpataas nang kanyang balahibo.