EIGHT

1382 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi niya alam kung iniiwasan ba siya ni Sebastian o nagkakataon lang talagang marami itong ginagawa, hindi niya alam, mukhang galit pa eto sa kanya. Ngayong araw ang kaarawan nang nanay nito, Tatlong oras din ang byahe mula sa kanila. Hindi na din nasundan ang pagpunta niya sa sariling office nang asawa, Hindi naman sa umaasang aayain pa siya nito ulit. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang kumakalat na chismis na nakita raw nang ibang estudyante si Sebastian at Maam Claire na kumakain sa labas. So kaya hindi siya nito pinapansin this past few days ay busy ito sa Babaeng guro. Lumalandi ito nang palihim. Bwisit na lalaki ang kapal nang mukha. "AMANDA, LAHAT NABA NANG DAMIT MO DYAN AY ISUSUKAT MO" Rinig niyang sigaw nang asawa sa labas. Padabog niyang isinara ang kanyang cabinet at kinuha ang bag upang makalabas na. "Oo lalabas na, punyeta ang aga aga naninigaw" Bulong na sagot niya, na siya lang ang nakakarinig. Hindi niya alam pero mas nadagdagam ang inis niya nang makita niya ang poging asawa na inip na inip na nagaantay sa kanya sa sala habang nakapameywang pa. Nakasimangot na nga gwapo parin. Pagkalabas niya nang kwarto ay agad naman siyang nakita nito at agad binungangaan, pogi sana kaso napakasungit daig pa babaeng nagmemenopause. Kingina. "Ang tagal mong kumilos, Lahat ba nang damit mo ay naisukat mona" Inis na tanong nito. Imbis na sumagot ay inirapan nalang niya eto. Aba natural lang na magpaganda siya, natural na sa babae ang matagal sa pagaayos, palibhasa ay wala itong kahirap hirap na magayos dahil natural nang pogi ito. Nagpatiuna na siyang lumabas nang bahay, mula sa gilid nang kanyang mata ay nakita niyang nakasunod na ito sa kanya, akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang sasakyan nang bigla itong tumunog, halos mapatalon siya sa gulat, sinamaan niya lang ang lalaki nang tingin. Nang makapasok siya sa loob ay bahagya niya lang pinagmasdan ang asawang umikot upang makaupo sa driver's seat. Bahagya pa siyang napasinghap nang umalingasaw sa loob nang kotse ang pabango nito. Kinakabahan siya na naiilang. Mula sa gilid nang kanyang mata ay napansin niyang sandaling sumulyap sa kanya ang asawa habang binubuhay ang makina. "Seriously Amanda, Hapit na hapit sa katawan mo ang suot mo" Puna nito sa kanyang suot. Suot niya kasi ang bagong bili niyang mini dress na pula, hapit na hapit ito sa makurba niyang katawan at malulusog na dibdib. Napalingon siya sa asawa, sumandal ito ay nagsimula nang magmaheno. Isang kamay lang ang gamit niya sa manibela habang ang isang kamay nito ay nakatukod sa kaniyang gilid habang pinaglalaruan ang kanyang pang ibabang labi. "I don't think so" Hindi naman talaga iyon maikli para sa kanya. Hindi agad sumagot ang asawa, kunot noo itong nakatutok lang sa daan na tila may malalim na iniisip. "Ganyang ba lagi ang sinusuot mo habang wala ako Amanda?" Blankong tanong nito. Tumingin siya sa labas, Sa totoo lang ay naweweirduhan siya sa kinikilos nang asawa niya ngayon. "Oo ganit-" Hindi niya natapos ang ang sasabihin nang bigla itong nagsalita ulit. "Ganiyan? Tangina itapon mo lahat nang ganyang damit mo sa closet" Mabilis na pag alma nito sa kanya. Napalingon siya sa asawa. "Huh? Bat ko itatapon? Those are my stuff not your's" Mabilis niyang sagot dito. Anong karapatan nitong pakialam ang mga gamit niya, How dare him. "Just.." Itinikom nito saglit ang bunganga tila nagiisip nang sasabihin sa kanya. What is it sir? Tell me, what in your mind? I want to know. "Just do it, And i have all the rights to do so, I am your f*****g husband Amanda" Blankong sagot nito. Nagpantig ang tenga niya sa sinabi nang lalaki, Oo nga naman, asawa siya nito, he has all the right to do so. "Ayoko" Maikling sagot niya habang itinuon ang pansin sa bintana. "Don't be stubborn Amanda, just do what i say, at wala tayong magiging problema" Aniya "NO" Matigas na sagot parin niya "Don'te test my patient Amanda, Am telling you" Maawtoridad nitong tugon. "Still N-" "Shut up and do what i say" Pagputol nito sa kanya. Hindi na siya kumibo dito, Iniwasan niyang titigan muli ang lalaki at itinuon nalang ang atensyon sa daan. Lumipas ang oras na puro katahimikan, hanggang sa makarating sila sa bahay ng magulang ni Sebastian. Pinagbuksan siya nito nang pinto, siguro dahil nakatingin ang mga magulang nito mula sa terrace. "Mom, Dad" Bati nito sa magulang at yumakap dito. Ganun din ang ginawa niya. "Goodevening po" Bati niya sa mga ito. "Mabuti at nakarating kayo, Akala ko ay hindi na kayo makadadalo" Nakangiting usal nang mommy nito. "Pabebe kasing gumalaw" Rinig niyang bulong nang asawa sa tabi. "Wow ah, Natural lang sa babae ang pabebe pagdating sa katawan" Reklamo niya. Pasimple siyang inirapan nito." Daldal mo" Bigla namang kumapit sa kanyang braso amg mommy nito na may ngiti sa labi. "Ang cute nyong dalawa" Nangingiting usal nito. "Buti at nakarating kayo nang ligtas" Ani nang daddy nito sabay tapik sa balikat nang lalaki. Naunang pumasok si Sebastian habang kausap ang daddy nito, bahagya pa siyang napaatras nang ilapit nang mommy nito ang mukha sa kanya. "May laman naba?" Excited na tanong nito sa kanya. Kumunot ang kanyang noo sa kinang nang mata nito. "Ang alin po?" Takang tanong niya. Nginuso nito ang kanyang tyan. " Yan, May laman naba? Magaling ba ang anak ko? Malaki? Masarap? Of course may ipagmamalaki ang anak ko, ako ang ina kaya alam ko" Sunod sunod na wika nito. Nanlaki amg kanyang mata at bahagyang napaawang ang labi. Mukhang napansin naman nito ang reaksyon nang kanyang mukha kaya napangiwi ito. " Ay sorry, so ano nga?" Hinawakan nito ang kanyang braso at inalalayan papasok. Ramdam niyang nanlamig ang kanyang kamay. Napakaweird din nito, kung gaano kasuplado at tahimik ang anak ay siya namang kabaliktaran nito. "Wala p-" "Wala po?" Histerikal na bulong nito. "Ma k-kasi po, wala papo sa isip namin ang ganyang bagay" Hindi niya alam kung ano ba dapat ang isagot sa tanong na iyon. "Anong wala pa sa isip? Magasawa na kayo, magkatabi kayo matulog jusko kahit ba isang gabi lang ay hindi mo ginapang ang anak ko?" Nanlulumong tanong nito at sakto namang nakarating sila nang kusina. Kaagad nagtama ang mata nila ni Sebastian na agad niyang iniwas. "Mom, Stop being bad influence to my wife" May halong inis na usal ni Sebastian sa ina. Pinaupo naman siya nang ina nito. "I'm not bad influence, May tinatanong lang ako sa paboritong manugang ko" Depensa naman nang ina nito. "Mom, siya lang naman ang manugang mo" "Exactly" Natawa nalang ang daddy nito sa kanilang magina. Sasagot pa sana si Sebastian sa mommy niya nang may kumurot sa pisngi niya. "Hello there my sister-in-law, I miss you" Umangat ang tingin siya sa nakangising si Race. Mas matanda ito sa kanya nang isang taon. Nakababatang kapatid eto ni Sebastian. Hawak niya ang pisngi nang ngiwian si Race. "Ansakit nun gosh" Paghihimutok niya. Tumawa lang ito na agad ding napatahimik nang padabog na isinara ni Sebastian ang pinto nang ref, lahat sila ay napatingin dito. Tumawa ulit ang lalaki at inakbayan siya habang nakaupo at ito namn ay nakatayo. Nakatingin siya sa galaw nang asawa, Ano nanaman kayang tinira nito at mukhang badtrip nanaman. Nang ilapag nito ang baso na ginamit ay agad nitong sinalubong ang titig nang kapatid. Mata sa mata. At blanko ang mukhang nagsalita. "Hands off, Race" Matigas na usal nito. Pagkatapos nilang maghapunan ay nagsipasukan na sila kani-kanilang kwarto, pagpasok niya sa kwarto nilang mag-asawa ay ang blankong gwapong mukha nang asawa ang bumungad sa kanya. "Are you really that desperate to gain some attention Amanda? Pati ang kapatid ko ay lalandiin mo" Maanghang na bungad nito. Napatigil siya sa kinatatayuan at biglang nag-init ang kanyang pisngi. Parang may kumurot sa kanyang puso. Naramdaman niyang humapdi ang gilid nang kanyang mata. Ganun ba ang tingin nito sa kanya. "Ganyan ba ang tingin mo saakin Sebastian? That am a flirt? Well sorry ah saakin ka kasi pinakasal nang mga magulang mo" Mahinang usal niya dito. Hindi siya sinagot nang lalaki at tinitigan lang, Nilagpasan niya naman eto at nagdiretso nang banyo. Pagpasok niya sa loob ay saka lang bumuhos ang kanina pa niya pinipigilang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD