SEVEN

1148 Words
"We will be having True or false" Seryosong wika ni Sebastian sa harap. Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri, animong nagiisip kung ano ang unang itatanong. "First question, Apollo took aeneas to pergamos for safety. True or false?" Tanong nito. Sandali naman silang napatahimik, Tanginang yan, Sino ba ang mga yan. Nagtaas naman nang kamay ang pinakamatalino sa kanilang klase. "True sir" Sagot nito. Napatango naman si Sebastian. " Good" Hanggat maaari ay ayaw niyang tumingin sa harapan, Baka mamaya ay tawagin siya nito, wala siyang alam sa mga mythology na yan, Oo ganda lang ang ambag niya sa buhay. "You" Biglang turo nito kay Jeremy. Napalingon naman siya agad sa lalaki. Kalmadong tumayo naman ito na tila naiinip. Bakit parang cool lang eto? Mamaya ay hindi niya alam ang isasagot. Bahagyan namang tumayo nang tuwid si Sebastian at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa habang nakatingin kay Jeremy. " Athena is the Goddess of beauty" Tanong nito. "False" Mabilis na sagot ni Jeremy. Bahagya pa siyang napatunganga sa tanong nito, Ano sila mga grades school. Paglingon niya sa asawa ay diretso ang tingin nito sa kanya animo'y binabantayan ang kanyang mga galaw. Napaayos nalang siya nang upo. Napatikhim naman eto. "Stand still" Utos ni Sebastian nang akmang uupo na si Jeremy." What makes it false?" "It should be aphrodite sir" Mabilis at magalang na sagot nito. Hindi na muling nagsalita pa si Sebastian at tumango nalang. Nang matapos ang mahaba-habang recitation ay natapos din eto. Marami sa mga kaklase niya ang naiinis dahil second day palang nang kanilang klase ay may mga ganung gimik na ang kanilang guro. Padabog na inayos ni Letecia ang kanyang mga gamit." Grabe second day palang pero ang hassle na" Reklamo nito. "Kailangan kong umuwi nang maaga ngayon friends, may ipapagawa pa kasi si daddy sakin" Singit ni sarah habang nagaayos din nang gamit. Tumayo na din siya upang makasabay sa mga kaibigan nang bigla nilang ayain si Jeremy. "Jeremy, Tara sabay kana saamin" Yaya ni Sarah dito nang makita nilang palabas na ito. Bahagya pa itong tumingin saamin isa isa. Sabay sabay na silang lumabas habang nagkwekwentuhan, Isa isa nang nagpaalam ang kanyang dalawang kaibigan. "Ikaw san ka?" Biglang tanong niya kay Jeremey na halatang nagulat sa kanya. Gusto niyang matawa sa naging reaksyon nito ngunit pinigilan niya ang sarili. "Wala pa akong balak umuwi" Nakayukong sagot nito. Nangunot naman ang kanyang noo." Bakit naman?" Usisa niya dito. Hindi eto nagsalita. Nahihiwagaan talaga siya sa lalaki, Hindi eto palakibo at palaging seryoso ang mukha. "Gusto mo bang samahan kita?" Pagpriprisinta niya dito. Wala naman sigurong masama ku g sasamahan niya eto, maaga pa naman. Bigla namang napatingin sa kanya ang lalaki. " Are you sure" Takang tanong nito. She smiled. " Oo naman". Jeremy just smiled back to her and nodded. Sinamahan niya eto kung saan saan, hanggang sa hindi na nila namamalayan ang oras. Hinatid siya nito sa harap nang kanilang bahay pagkatapos nilang maglakad lakad. "Thank you sa paghatid" Pagpapasalamat niya dito. "No, I should be the one to say Thank you kasi sinamahan moko" Balik pasasalamat naman nito sa kanya. Nagtitigan ang dalawa at sabay na natawa nang mahina, Habang kasama niya eto kanina ay parang gumaan ang kanyang loob dito. Nagpaalam na ito muli sa kanya at umalis na. Nang makapasok siya sa loob nang bahay ay halos tumilapon ang kanyang bag sa gulat, Nakatayo kasi ang kanyang asawa sa sala at nakapameywang. "What time is it know Amanda?" Nagulat siya sa tono nang pananalita nito. "U-uhmm may dinaanan lang ako sa bookstore" Pagsisinungaling niya. Sinuklay naman nito ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Frustrated "Bookstore? Nang gantong oras Amanda? Ginagago moba ako?" Natatawang tanong nito sa kanya habang ang mga mata ay nanlilisik. Hindi naman siya masyadong ginabi, saka umuwi naman siya, kaya anong pinuputok nang butsi nito. "Maaga pa naman ah, Saka anong ginagago? May sinabi bako" Matapang na tanong niya habang sinasalubong ang mga titig nito. "Maaga? Tangina gawain ba yan nang may asawa na Amanda?" Nanggagalaiting tanong nito sa kanya. Napabuntong hininga siya sabay baba ng tingin, kahit kailan talaga ay hindi siya mananalo dito. "May sinamahan lang ako" Sagot niya habang nakayuko na "Who?" Mabilisang tanong nito. "Kaklase ko lang" Sagot niyang muli. Nagulat siya nang biglang sipain nito ang katabing lamesa, Tumunog iyon nang malakas animo'y nasira. "With f*****g who Amanda?" Galit na sigaw nito sa kanya . Naiiyak na siya, hindi niya maintindihan kung bakit bigla bigla nalng etong nagtatanong ngayon, samantalang dati ay para lang siyang hangin. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi. " With Jeremy" Why would she be guilty? Wala naman siyang ginawang masama. Tinitigan siya nito na tila may nasabi siyang ikasisira nang kanyang sarili pagkatapos nun ay tinalikuran siya nito at pumasok sa kwarto nila. "Sebastian hindi na kita maintindihan" Biglang usal niya habang nakatanaw parin sa pumasok nang asawa. "Iha hayaan mona muna siya" Napalingon siya sa matanda na nakatayo malapit sa kusina, mukhang narinig nito ang kanilang pagtatalo. Lumapit naman siya dito at nagmano." Magandang gabi po manang" Nginitian naman siya nang ginang. " Magandang gabi din iha" Nagpaalam na siya sa ginang na magbibihis lang saglit . Nang makalapit na siya sa kanilang pintuan ay dahan dahan niya itong binuksan. Nang makapasok siya sa loob ay sakto namang paglabas nang asawa sa Cr. Wala itong damit pang itaas at tanging twalya lang ang nakapulupot sa beywang nito habang may maliit na towel itong ipinamumunas sa basang buhok. Uniwasan siya nang tingin nito. Nang hindi niya maantay na kibuin siya nang lalaki ay nagtungo na siya sa kanilang maliit na lamesa at doon inilapag ang kanyang bag. Hindi niya alam kung dapat ba siyang humingi nang pasensya sa ginawa niya kanila o ano, pakiramdam niya ay nagtaksil siya kahit wala namang ibang rason ang pagsama niya kay Jeremy kanina. "I'm sorry Sebastian" "For what Amanda?" Mabilis na tanong nito habang nakatitig sa kanya. "Kasi nalate akong umuwi" "Don't think too much, Asawa mo lang naman ako sa papel at wala nang iba, iniisip ko lang kung nasan ka dahil kargo de consensya kita" Sagot nito habang padabog na pumasok sa walkin closet nila. Tumingala siya dahil ramdam niyang nangingilid na ang kanyang mga luha. Hindi siya iyakin, pero isa sa pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinagtataasan siya ng boses . Nang bumaba sila upang kumain ay parehas silang walang imik. Pagkatapos ay nauna na siyang pumasok sa kwarto at naglinis nang katawan pagkatapos ay natulog na din siya kahit na pa ang bigat bigat nang kanyang loob. At sa pagtulog niya ay nagkaroon nanaman siya ng kakaibang panaginip, at sa panaginip niya ay may malambot na kamay ang paulit ulit na humahaplos sa kanyang buhok habang masuyong hinahalikan eto "I'm sorry baby, I was jealous" Napangiti siya sa kanyang panaginip, pamilyar din sa kanya ang boses na naririnig dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD