SIX

1112 Words
Hindi niya alam kung ano ba dapat ang kanyang maramdaman, Ang kabahan o matuwa?. Kabahan dahil baka may makakita sa kanila na magkasama o matuwa dahil mukhang sinapian ang kanyang asawa dahil tila napakasweet nito ngayon, kung sweet nga bang matatawag ito dahil sa mga sinabi. Umayos ako ng at muling umupo sa upuan. Samantalang ang asawa ay nakaupo parin sa swive chair nito at nakahalukipkip na nakatitig sa kanya. "You look so thin" Puna nito sa kanya. "Huh?" Parang nabingi ata siya sa sinabi nito. "Ang payat mo" Paguulit nito. Nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan, Hindi naman siya payat, ang ibang babae nga ay naiinggit sa kanyang katawan. Bulag na ata ang lalaking ito, anya nang kanyang isip. "Hindi kaya, Bulag ka siguro!" Nayayamot na sagot niya, Tumayo na siya upang lapitan ito upang masahiin, Akmang hahawakan na sana nito ang balikan nang lalaki upang masahiin ay bigla nitong hinawakan ang palapulsuhan niya, animong sinusukat nito iyon gamit ang mga daliri. Agad naman siyang kinilabutan, napakainit nang palad nito. "Look, sakop na sakop ko ang pulso mo" Aniya nito at ipinakita sa kanya ang pulso niya. Pasimple naman niyang inagaw ang kanyang kamay. " Mahaba lang talaga ang mga daliri mo kaya sakop na sakop mo ang palapulsuhan ko" Pagsagot niya dito. Napakayabang, porket maganda ang katawan nito ay nilalait na siya nang walang katotohanan. " Yes you are" Mahinang usal nito sa kanya. Inirapan na lamang niya ito. Nang wala nang maisip na dahilan ay inumpisahan na nalamang niya etong masahiin, mukha namang nagugustuhan nito ang kanyang ginagawa dahil napapaungol panga eto ng mahina. Kahit na nanlalambot siya sa ginagawa ay pinipilit niya paring masahiin eto ng maayos. Habang hinihilot niya ito ay tanging mga mumunting ungol lang nito ang naririnig, Nang matapos niya na itong hinilot ay inayos na niya ang kanyang sarili. Tumingin siya sa kanyang orasan sa cellphone ay alas tres na pala. Nang magangat siya ng tingin ay nahuli niyang nakatingin sa kanyang cellphone ang asawa. "Who are you texting?" Kalmado ngunit may diing tanong nito sa kanya. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone. " May tinignan lang ako SIR" Pagdidiin niya sa huling salita. Napangiwi naman ito sa kanya sabay lahad nang kamay. " May i see your phone?" Nagtaka naman siya dito. "Why?" Kunot noong tanong niya. "Kelangan bang may dahilan palagi?" Balik tanong nito sa kanya. "We never invade each other's privacy" Mabilis niyang sagot dito. Matalim ang titig na pinupukaw nito sa kanya. " And why is that?" Pinakatitigan niya eto." Hindi mo nga pinapakita sakin o pinapahawak ang cellphone mo" Matigas niyang sagot. Blanko siya nitong sinagot." Are you asking for it?" Natameme siya sa sinagot nito. Simula kasi nang maikasal sila ay never nitong pinakikilaaman ang personal na gamit, pati na rin siya ay hindi nakikialam kahit naba may katawag ito ay hindi siya nagtatanong, kaya kataka taka na hinihiram nito ang kanyang cellphone. Nang hindi siya makasagot ay napatitig nalang siya sa asawa, Hindi niya rin maiwasang mapansin ang katawan nito sa suot na puting long sleeve na nakatupi hanggang siko, Damn Bakat na bakat ang muscle nito sa braso. Mas lalo tuloy siyang natameme. Hindi niya naman napansing nakatitig din eto sa kanya na tila nagaantay nang sagot. Nasa ganung sitwasyon sila nang may biglang kumatok sa pinto. Ganon naalng ang kaba niya samantalang ang asawa ay kalmadong tumingin lang sa pinto kahit napa nakasara pa ito. "Damn! San ako magtatago niyan?" Mahinang tanong niya sa sarili. Napatingin naman sa kanya si Sebastian. " What are you talking about? bat ka magtatago?" Kunot noong tanong nito Pairap siyang tumingin dito." Ano sa palagay mo ang iisipin ng taong yan kung makikita niya tayong dalawa na magkasama aber?" Mas lumakas ang katok sa labas habang nagbabangayan sila. "Sir Sebastian? Sir?" Boses iyon ni Maam Claire. Para siyang matatae sa oras na iyon, Hindi pa siya handang malaman ng buong school na kasal na siya, paniguradong malaking issue iyon kahit na pa anak siya nang may ari. Kahit na pa ayaw niyang lapitan ang asawa t napilitan siyang lapitan ito, agad niyang niyang kinalabit eto na prentang nakaupo sa kanyang swivel chair, hindi manlang kinakabahan na maaaring mangyare. "San ako magtatago?" Tanong niya Tumaas naman ang kilay nito sa kanya. "Why?" "Anong why? Malamang malaking eskandalo sakin kapag may nakaalam na may asawa nako" Pinakatitigan siya nito." Bakit ayaw mong malaman nilang may asawa kana? Bat magiging eskandalo? Your the daughter of the owner of this school, o sadyang may pinangangalagaan kalang na tao?" Magdiin at blankong tanong nito sa kanya. Sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. "Sir travis" Sabay silang mapalingon sa pinto nang makapasok si Maam Claire. Nagulat ito nang makita siya. "Maam Claire what are you doing here?" Kalmadong tanong nang asawa niya. Nagpalipat lipat naman ang tingin nito sa kanilang dalawa nago muling nagsalita. "Sorry pumasok nako agad Sir, kanina pa kasi ako katok nang katok" Malambing na sagot nito. " It's ok, Pasensya na may pinaguusapan lang kami ni Miss Amanda" Sagot naman nito. Abat! Tignan mo nga naman, akala mo wala ako dito sa harapan nila. Bago pa muling makasagot ang guro ay nagsalita na siya upang makapagpaalam. Nakakhiya naman sa kanila kung hindi niya sila bibigyan nang space, Respeto naman sa gustong lumandi sa asawa niya. Pwe! "Uhmm! Excuse me Maam and Sir" Pagaagaw niya sa atensyon nang dalawa. " Mauuna napo ako" Pagpapaalam niya. Agad naman siyang tinitigan nang asawa na tila nagsasabing hindi pa sila tapos magusap, Aba anong gagawin niya, tungangaan silang naguusap na halata namang gusto siyang solohin nang ginang. "Mabuti pa nga, May paguusapan lang kami ni Sir" Segunda naman ng ginang. Hindi na niya inantay ang sasabihin nang asawa. Mabilis na lumabas siya nang silid nito at nagmamadaling bumaba. Nang makarating siya sa kanilang classroom ay mabilis siyang umupo. "Oy, saan ka galing?" Usisa agad ni Letecia. "May tinignan lang" She lied. "Wehhh!! Bat ang tagal mo" Hindi naniniwalang sabat ni Sarah. Napatingin siya kay Jeremy na ngayon ay nakatingin lng sa kanya. "Oo nga, san naman sana ako pupunta!" "Aba malay namin kung makipagdate ka nang hindi namin nalalaman" Segunda naman agad ni Letecia. "Oo nga! Tsk akala koba bestfriend forever" Pagkukunwaring tampo naman ni sarah. Napairap nalang siya sa kadramahan nang dalawang kaibigan. "Ewan ko sa inyong dalawa, kung ano anong iniisip niyo" Magsasalita pa sana ulit ang dalawa nang biglang tumahimik ang klase, hudyat na andyan na si Sebastian, ito kasi ang last subject teacher nila. "Alright, good afternoon class" Matigas na usal nito habang ang mga mata ay nakatingin lang sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD