DG 2

2063 Words
You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars. ~ Anais Nin ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ First call. All passengers of Philippine Airlines Flight 102 to Los Angeles, you are ready for boarding.   Malayo-layong biyahe ito. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ako naghangad ng mas sobra pa sa kung anong meron ako. Hinangad ko lang na maiangat ko ang buhay ng aking mga magulang. Hinangad ko lang na wag nang mahirapan sa pagsasaka si Tatay. Dati-rati, sa TV ko lang nakikita ang airport. Dati-rati sa Sine ko lang nakikita ang loob ng eroplano. Dati-rati, ang isip ko lang ang lumilipad. Pero ngayon, dahil sa pagsisikap, tiyaga at sipag, nandito na ako sa airport, makakasakay pa ako ng eroplano, at maililipad pa ako nito sa kailangan kong puntahan. Mabuti na lang at nag-aral akong mabuti dahil natutunan nang kahit na papaano kung ano ang hitsura ng New York. Makakarating ako sa lugar na ito hindi dahil yun ang itinakda ng tadhana. Makakarating ako sa New York dahil nagbunga ang mga pinaghirapan ko, ang mga pagsisikap ko. Dahil nagtiyaga ako. Dahil nagpursige ako. Ako ang gumawa ng kapalaran ko. Ako ang nagtakda ng tadhana ko. Kaya ang totoo niyan, tao ang gumagawa ng kapalaran, ng tadhana nila, mapapag-ibig man o mapahanap-buhay. In short, walang tadhana. Walang destiny. Kapalaran meron. Thirteen and a half hours of flight mula Manila hanggang Los Angeles, California. Dalawang oras at kalahating layover bago ang flight papuntang New York. Tapos limang oras at kalahati na naman na uupo sa loob ng eroplano. Halos mag-aalas siete na ng gabi nang naglanding ang eroplano. Maya-maya lang madilim na, may kalamigan dito. Mabuti na lang at nagdala akong medyo makapal na jacket. Ahh. sa wakas, New York. Malamig ng konti pero hindi pa naman winter, fall pa lang. Tapos na rin ako sa mga kinailangang immigration checks and clearance. Inilibot ko ang tingin ko palabas sa arrival area. Ayon, sundo ko.    Mr. Samuel Aranas   Yang ang nabasa kong nakasulat sa karatula na hawak ng isang amerikano. Pinagbilinan ako ni Henry na wag ko daw ilalagay ang mga dokumento ko sa bag ko, kung pwede daw ay bumili ang maliit na pouch na kakasya ang mga passport, ticket, ID at pera ko para maikwintas ko daw, kaya ayun imbis na ako ang bibili, siya na ang nagbigay sa akin. Kasi kahit America daw ang pupuntahan ko, uso din daw ang mga snatchers dito. Kaya ang ginawa ko, inilagay ko lahat ng pwedeng magkasya sa maliit na pouch na ito, pati na yung ID ko sa University namin. Hindi na nga ako nagdala ng pitaka. Iniwan ko iyon sa bahay at hindi na rin ako nagdala ng alahas kundi itong lumang relo na bigay pa ni Tatay nung naggraduate ako ng high school at ang singsing na bigay niya sa akin. Kupas na kasi hindi naman ito ginto pero ayos lang kapalit ito ng ibinigay ko sa kanya noon, bilang pangako sa isa't isa. Pinagsikapan ni Tatay ang regalo niyang ito. Pinag-ipunan niya ang pambili nito, kaya kahit luma na siya at outdated na nga daw sabi ng mga estudyante ko ay isinusuot ko pa rin. Ilang beses na ngang nasira ito, pinapa-ayos ko lang palagi. Mahalaga ito sa akin, dahil ito ang naging sandalan ko nung mga panahong gusto ko nang sumuko sa pag-aaral, sa pakikipaglaban sa buhay, sa pag-abot ng aking pangarap, sa pagharap sa kapalaran. "Mr. Aranas?" Tanong ng isang puting lalaki na malapit ng makalbo. Siya yung may hawak ng karatula. Magandang lalaki. Matangos ang ilong, nakasalamin ng may kakapalan at mukhang mataas ang antas sa buhay. Mukhang may pinag-aralan. "Yes, Sir. I am Samuel Aranas." Matipid kong sagot. Malay ko ba naman kung sino ito. "I am Mr. Wilford Huntington III. I am the head facilitator of these whole event. Welcome to New York." Pakilala niya sa kanyang sarili. "This is Bryan Wilcox. He will be your assistant for the two months that you'll be here. He will assist you in anything you need him for. There will be someone to switch with him on the weekends if you want that and you may ask Mr. Wilcox to stay the weekends, too, if he's available. Welcome to America, Prof. Samuel Aranas." Marami pa siyang sinabi. Pero basta ang natandaan ko lang kaagad ay assistant ko daw ito. Sige na nga. Ayoko sanang magkaroon ng assistant dito dahil hindi ko sila kilala. Hindi ko sila pwedeng pagkatiwalaan. Ibang lahi kasi ang mga ito. Hindi sila si Henry. Nakakatakot din pala. Mas mabuti na rin yung nag-iingat.  "Sir, for our itinerary for tomorrow. Breakfast at 7:00 am, then followed by the assembly in the convention hall and that will last about almost all day, but if you want to leave ang grab something for lunch, you may, too. Then dinner at 7:00 pm or 8:00 pm, whichever you prefer." Articulate din ang batang ito. Mukha naman siyang seryoso din. "How old are you?" Tanong ko sa kanya kasi mukhang bata pa ang pananalita niya pero mukha na talaga siyang mamang tingnan. "I'm 21 years old, sir." Nakangiti niyang sagot sa akin. Makislap ang mga mata, yung ngiti niya talagang umabot sa mga mata nito. "Do you still go to school?" Simpleng tanong lang pero at least kahit papaano nay makikila ko siya ng lubos.  "Yes, sir." Masigla at nakangiti niyang sagot pero hindi man lang umabot sa kanyang mata ang ngiti na yun. Parang ako. Nag-aaral pa daw siya, second year college. Patigil-tigil nga lang. Isa daw siyang foster kid. Namatay daw ang nanay niya nung bata pa siya dahil binaril daw ito ng high sa drugs na boyfriend. Hindi naman daw niya alam kong sino ang ama niya dahil hindi rin naikwento ng ina nito. Hindi rin daw niya alam kung may kamag-anak pa ang ina, basta nung mabaril ang mommy niya, child services na daw ang kumupkop sa kanya at napalipat-lipat na siya ng foster homes hanggang sa umabot siya ng 18. Nakakaawa naman ang batang ito. Working student daw siya, kaya kahit na anong racket ang i-offer ng university na pinapasukan niya ay kinakagat niya para sa extra credit katulad ngayon at kahit papaano ay may extrang allowance daw na ibinibigay s kanila. Sa university na rin daw siya nagtatarabaho para hindi mahirap kumuha ng off time. Mukha naman siyang mabait, masipag at matalino. "Sir, I have to go. I'll see you in the morning." Bumabay na lang siya sa akin at umalis na. Nilock ko na ang pinto. Bukas ay sa kabilang university naman kami pupunta tapos dalawang state college at tatlong prep school naman sa mga susunod pang mga linggo. Huwebes na. Nakadalawang linggo na pala ako dito. Federal holiday ng America ngayon kaya walang pasok. Ito yung kadalasang tinatawag nilang 4-day weekend. Napag-alaman ko na pwede pala kaming lumabas kahit hindi namin kasama ang assistant na naka-assign sa amin. Naisipan kong pumunta ng  Central park at maaaring sa Statue of Liberty na rin. Unahin ko na daw ang Statue of Liberty kasi kailangan pa daw kaming sumakay sa cruise ship bago makarating doon. Tapos central park sa hapon papuntang gabi, hindi naman kalayuan ang hotel na tinutuluyan ko. Pero mag-ingat lang daw ako lalo na pagdating ng gabi sa Central Park. Bumili ako ng ticket para sa cruise na papuntang  Statue of Liberty. Maliit na backpack lang ang dala ko. Casual ang suot ko para hindi gaanong pigil ang aking galaw. Nagsuot din ako ng makapal na jacket dahil may kalamigan dito sa New York lalo na sa gabi. Ngayon lang ako magiging ako. Ngayon lang ako nakakahinga. Ngayon lang ako makakalaya. Ang sarap pala ang  pakiramdam na maglakad ng may laya. Masarap pala ang walang ginagawa, walang iniisp at walang pinakikisamahan. Matagal ko na ring hindi nagagawa ito. Mabuti naman at ako ang napiling representative na pamantasan namin na mapunta dito. "Ouch!" Dinig kong sabi ng isang maliit na boses sa tagiliran ko. Hindi ko napansin na may tao pala malapit sa akin. "I'm sorry, Miss. I didn't see you." Paghingi ko ng paumanhin sa babae.... Teka, babae pala yun. Akala ko bata. Maganda siya. Morena man siya pero light lang ng kaunti. Maganda ang mga mata niya. Medyo makapal ang labi niyang mamula-mula at parang ang sarap halikan. Ano ba itong pinag-iisip ko. Professor ako dapat matino akong kumilos at mag-isip. Pero hindi eh, kasi parang kilala siya ng puso ko. Parang kabisabo ng puso ko ang babaeng ito. "Oh, It's okay. It is my fault anyway. I wasn't looking. I'm sorry." Nakangiwi man dahil sa sakit ng pagkakaapak ko ng paa niya na hindi naman sinasadya ay naaaninag mo pa rin ang konting ngiti. Napahiya tuloy ako dahil maging ako man ay hindi tumitingin sa paligid ko. "It's okay. It is not all your fault. I should've been more careful because I am around people, and accidents bound to happen." Nakakaakit talaga ang mga labi niya. Totoo ba 'tong inisip ko? Ang tagal na rin bago maramdaman uli ang pamilyar na t***k ng aking puso. Para itong tinambol ng pagkalakas-lakas. "Okay. What if we both have a cup of coffee inside the ship's lounge?" Inaaya ba ako nito? Papayag ba ako? Nakalimutan ko, nasa America na pala ako. walang pipigil sa akin. Walang nakasu nod. "Okay. No problem." Sabi ko naman sa kanya. Maganda siya. Mukhang magkaedad lang kami. "After you." Dugtong ko pa. Nakarating na kami sa lounge at umorder agad kami ng dalawang kape. "Hi, I'm Sarah. Sarah Cordova." Pakilala niya sa sarili. Teka Cordova? Di ba Filipino last name yun? "Hi. Are you Filipina by any chance?" Tanong ko sa kanya. Ang cute ng reaction niya. Para siyang batang nagulat pero may galak sa kanyang mga mata dahil kumislap ito. "I'm Samuel Aranas." Pakilala ko sa sarili ko bago pa siya nakapagsalita. "Yes. Yes, I am. What about you, are you a Filipino, too?" Nakangiti niyang tanong. Bakit ganun na lang siya kaganda? Bakit para akong nahihigop ng bawat pagkibot ng mga labi niya at sa bawat kisap ng mga mata niya. Bakit parang pamilyar na pamilyar ang mga matang yan? Bakit parang ang gaan ng puso ko sa kanya? "Guilty." Simple kong sagot sa kanya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Ang sarap malunod a mga tingin niya. Nakakapang-akit ang tingin niya pero hindi sadya. Natural lang. Natural na pamilyar. Parang nakita ko na ang mga ngiting yan dati. Yung mga mata niya parang nakita ko na yan noon. Nagkaalaman na pareho kaming pilipino. Pareho din kaming literature at history majors at pareho kaming professor. Pareho kami ng pamantasang pinapasukan, ang pinagkaiba lang namin ay sa makaibang campus nga lang. Sa probinsiya siya ako naman ay sa Maynila.  Marami pa kaming napag-usapan. Halos pareho kami ng hirap na pinagdaanan.  Wala panahon para sa sariling kaligayahan dahil katulad ko, ipinangako ko rin ang kaligayahan ko sa mga magulang ko, sa iba at sa pagtuturo. Nagsikap din siya naghirap para marating ang kanyang kinaroroonan. Yung apat na oras na tour namin ay halos hindi na kami napaghiwalay pa. Mas na-enjoy ko ang tour ng dahil sa kanya. Palabiro siya. Palangiti. Nakakahawa nga eh. Pero minsan, nakikita kong may kung anong lungkot ang mga mata niya. Panandalian lang naman pero mawawala din, tapos babalik. Parang may kulang. Parang may nawawala. Napag-alaman ko na 24 years old siya. Matanda lang ako ng dalawang taon. Simula noon palagi na kaming magkasama. Napag-alaman ko rin na pareho ang building na tinutuluyan namin. Palagi na kaming magkasabay kahit sa pagkain. Sabay na kaming nag-aalmusal kasama ang mga assistant namin, maging tanghalian ay ganun din, maliban na lang sa hapunan, dahil sinasadya naming magpahuli para kaming dalawa na lang. Naging malapit kaming masyado sa isa't isa. "Sam, inaantok na ako, pwedeng dito na lang ako matulog?" Tanong niya sa akin. Kinabahan ako. Natatakot akong may mangyari sa amin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayahan kong i-kontrol ang sarili ko, pero ayaw ko rin naman siyang umalis. Parang gusto ko rin kasing may mangyari sa amin. Ewan ko ba. "Pwede. Diyan ka na lang sa kama ko at dito na lang ako sa recliner." Meron kasing recliner sa kwartong ito. "Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang dito? Queen size naman ang kama, eh. Kasya na siguro tayo dito."  Napaka-inosente niya o talaga lang malaki ang tiwala niya sa akin. "Hindi ka ba natatakot na katabi ako?" ---------------- End of  DG 2 Please don't forget to vote, comment, and share good vibes. ~ Ms J ~ 05.03.17   Destiny's Game ©️All Rights Reserved May 3, 2017  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD