DG 1

1868 Words
You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars. ~ Anais Nin ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~       (Sam)   Minsan kasi ang buhay ng tao ay parang laro lang yan ng taguan pong at ng habulan o di naman kaya ay laro ng patintero. Ngayon, kung ikaw ang taya, eh di ikaw ang maghahanap, sila ang magtatago. Sa habulan naman, minsan ikaw din ang maghahabol at sila ang hinahabol mo.  Sa patintero naman, ikaw yung haharang ng kalaro mo na wag makalampas sa linya na iginuhit mo. Minsan naman iba ang taya at ikaw naman ang magtatago at sila ang maghahanap sa iyo o di kaya ikaw naman ang tatakbo at sila naman ang maghahabol sa iyo. Kadalasan naman ay sila ang haharang sa iyo at kahit na anong gawin mo ay hindi mo ito mamalapasan. Pasensiyahan na lang kung may isang mas mautak kesa sa iyo at maunahan ka sa "base" o di kaya may magpapagalaw ng lahat ng nataya mo na, at ang masakit pa sa lahat ay kahit anong gawin mong pagsisikap ay merong isang tatayo sa harap mo, haharangin ka, at wala kang magagawa dahil wala kang kakayahan at wala kang kapangyarihan. Paano naman kung napaloob ka sa isang sitwasyon na hindi ka naman kasali sa laro pero bakit parang pakiramdam mo ay kailangan mo ng maghabol, maghanap at humarang at sa parehong pagkakataon ay gusto mong tumakbo at magtago ng walang haharang sa iyo. Oh di ba? Ang masaklap pa ay hindi mo naman ginusto ang mapasok sa ganoong sitwasyon, pero napasok ka pa rin. Ano ang gagawin mo ngayon? Eh di wala. Wala nga ba? Hindi ko inaasahan na mangyari sa akin ito. Sino ba ang nagsabi na pumasok ako sa ganitong buhay? Wala di ba? Sino ba ang nag-utos sa akin na magpagago? Wala din di ba? Sabi nila ganun daw basta tadhana na ang nag-utos, hindi mo daw talaga kayang iwasan. Hindi mo kayang takasan. Matakasan mo man daw ang utos ng iyong mga magulang pero hindi ang utos tadhana. Eh di ba ang tadhana ay katulad din yan ng kapalaran? Hindi lang yan basta-basta nahuhulog sa kandungan mo, kundi hinahanap yan, pinagtyatyagaan at pinagsisikapan yan. Kaya mapa-taguan man o mapa-habulan man o mapa-patintero man, kung nakapalaran kang manalo ay mananalo ka. Pero kung ang kapalaran mo ay matalo ka, kakainin mo ang lahat ng alikabok sa lupa at magdurusa ka ng habang-buhay. Kaya ako? Hindi. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Hindi ko naman kasi mararating ang kinaroroonan ko ngayon kung hindi ako nagsikap sa pag-aaral. Kung hindi ako nagtiyaga na magpuyat gabi-gabi para makuha ng matataas na marka sa klase, wala ako dito ngayon. Hindi ako aabot sa ngayon. Pinagsikapan ko at pinaghirapan ko na maiahon sa kahirapan ang mga magulang ko at ang sarili ko. Kaya ngayon, hawak ko na ang kapalaran ko. Nasaan doon ang tadhana? Eh di wala. Kaya walang tadhana, dahil ang tadhana ay para sa mga walang pangarap sa buhay. Walang uunlad kung walang magsisikap. "Prof, pinasasabi pala ni Dean Catigbac, next week na daw po yung symposium sa New York at ikaw ang gusto niyang umattend." Sabi ng sekretarya ng aming university dean. "Yeah. Yeah. Ilang araw nga uli yon?" Tanong ko. Tinaasan lang ako ng kilay ng supladang sekretaryang mana sa amo niyang masungit. "Did I say something wrong?" Tanong ko uli. "Prof, are you high? Anong ilang araw? Prof, mag-i-stay ka doon ng dalawang buwan." Penamewangan pa ako ng pandak na ito. Hindi naman sa pamimintas, tong babaeng ito na may taas 5'1", may katabaan ng kaunti at medyo lumilipad din ng kaunti ang ilong, medyo kakapalan ang mga labi nito na pinatungan pa ng makapal na pulang-pulang lipstick. Sa pakiramdam ko nga ay inuubos niya ang isang buong lipstick sa isang araw para ma-achieve niya ang ganyang kulay. Mahal na Panginoon, patawarin nyo po ako sa pamimintas sa taong kaharap ko. "Prof. Prof!" Nabalik ako sa realidad ng pinitik niya ang kanyang mga daliri sa harap ko. "Okay lang kayo, prof?" Tanong niya. "Uhm... Yeah. Yeah. I'm okay. I'm fine." Sagot ko na parang natataranta. "May problema po ba kayo sa biyahe nyo?" Tanong niyang muli sa akin. Mabilis akong umiling. "No. No. No problem. Nakalimutan ko lang na next week na pala yun." Next week na nga pala. Mabuti na lang at naihanda ko na rin naman ang course outline para sa magsa-sub sa akin for the next three months. Pero bakit ko ba nakalimutan. "Okay. Nasa secretary nyo na po yung passport, visa, round trip tickets at ang hotel reservations nyo po. Nandun na rin po pati yung pocket money nyo." Tumango lang ako sa kanya at simpleng ngumiti. "Maraming salamat, Ms. Paraiso." Sabi ko sa kanya at umalis na ako. Hindi ko na nakita pa ang expression ng mukha niya. Pero alam nyo, kahit ganyan yang si Ms. Paraiso, siya yung pinakamabait at pinakamaasahan ni Dean at ng ibang mga professor dito. Matalino, maabilidad, may kusang palo at hindi siya lalamya-lamya, kaya walang sinabi yung ibang magaganda at seksing staff ng unibersidad na ito sa kanya. Kinapos man siya kagandahang panglabas ay may bait at kakaibang talino naman tinatago si Ms. Paraiso. Kaya bawi na rin siya. "Prof, hinatid na po ni Ms. Sungit ang mga kakailanganin nyo next week." Sabi ng sekretayo ko. Oo. Lalaki ang secretary ko. Mas gusto ko yang ganyan. Walang malisyahan dahil wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Mas importante sa akin ang pamilya ko. "Maraming salamat, Henry." Simple kong sagot sa kanya. "Prof, saan nyo po ako gusto magtrabaho for the next three months?" Tanong nito. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang mga dapat niyang gawin. "Dito ka lang hanggang sa makabalik ako. Tuluy-tuloy ang tanggap mo ng allowance from me. When my students come here at wala silang madadatnan ay mahirap din naman yun para sa kanila. I need you to make a schedule with them kung anong oras akong pwedeng makontak. Pwedeng skype or video call. I just need them to get the same help kahit wala ako. Yung sub nga pala ay pinsan ko. Nandito lahat sa folder na ito ang para sa kanya. Para sa loob ng tatlong buwan." Bilin ko sa kanya. Biyernes na kasi ngayon at sa martes ang alis ko. Hindi na rin ako papasok sa lunes para makapagpahinga ako. Uuwi pa ako kanila Nanay at Tatay sa probinsiya para makapagpaalam ng maayos. "Sir, tatlong buwan? Akala ko ba dalawang buwan lang? Baka mamaya niyan makalimutan na namin ang hitsura nyo sa pagbalik nyo." Mapilyo talaga si Henry, pero nakakasundo ko yan. Siya yung male version ni Ms. Paraiso, Pareho din silang kinapos sa larangan ng.... Alam nyo na. Pero parehong-pareho silang matalino, maabilidab at mabilis ngunit malinis magtrabaho. "Yes, it'll be two months pero lulubusin ko na hanggang three months, para naman makapasyal sa Statue of Liberty, Museum of Art, museum of Natural History, yung 9-11 Memorial..... I just wanted to explore those places para hindi lang sa libro ko nakikita at sa pagbabalik ko, magiging mas efficient akong Literature and history professor." Sabi ko sa kanya. Ganyan kami ni Henry, minsan nga mukha kaming mga tanga dito. Sa kanya ko rin nalaman na suplado pala ang tingin sa akin ng mga estudyante dito sa university pero hinayaan ko na lang. Hindi ko na binago. Mas mabuti na yung ganun para walang gulo. "Prof, wag kalilimutan ang science. Magaling ka rin kaya doon. Kaya nga kayo ang pinadala sa symposium na ito para irepresent ang school natin." Hindi ko alam kung sipsip ba itong batang ito o bolero, o talagang mabuka lang ang bibig. Torpe naman pagdating sa babae. "Tss!" Napapailing kong tugon. "Umuwi ka na nga. Ako na ang bahala sa sweldo mo sa loob ng tatlong buwan. Alam na rin ni Dean na ito ang opisinang gagamitin ni Mr. Aranas sa loob ng tatlong buwan kahit na nandiyan lang sa kabila ang office niya. Alam na niya kung ano ang pwede at hindi niya pwedeng galawin dito, at kung hindi ka sigurado dahil kilala ko rin ang pinsan ko, may iniwan akong listahan dito sa loob ng folder na ito. I-xerox mo na lang." Iniaabot ko sa kanya ang folder na para kay David. Inabot ko ang attache case at jacket. Uuwi na rin ako. "Sige, prof, ingat kayo doon. Maaga na lang po akong papasok sa lunes para maabangan ko po si Mr. Aranas. Ipapa-xerox ko muna ito doon sa main office." Sabi niya sa akin at iwinagayway pa ang papel na kung saan nakasulat ang lista. "Bakit sa main office pa? Anong nangyari sa copier natin dito?" Sabi ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng opisina ko. "Prof, naka-shut down na eh. Hindi ko naman akalain na may ipase-xerox pa kasi kayo." Oo nga naman. Napapailing na lang ako. Naku, kung hindi ko pa alam. "Sige na. Gawin mo na yan ng maka-uwi ka na rin bago ka pa abutin ng gabi sa kalsada. Umuwi ako at inayos ko na ang aking mga gamit. Dinobol check ko na rin kung lahat ba ay nandito na. Uuwi muna ako sa probinsya. Aalis ako ng madaling araw para nandun na ako pagkapananghalian at iwas traffic na rin. Ibinuhos ko ang buong dalawang araw na kasama nila Nanay at Tatay. Maayos naman na ang mga buhay nila. May tindahan maliit si Nanay at may dalawang babay na inaalagaan si Tatay. Hindi na nagbabanat ng husto si Tatay ngayon sa sakahang inuupahan namin dati. Malaya na siyang nakakagising kung anong oras niya gustong gumising at nakatulog na siya oras na gusto niyang matulog. Nadadala na niya si Nanay sa kung saan nila gustong pumunta. Minsan nasabihan ako ni Nanay na wag nang magpadala ng pera sa kanila dahil yung kinikita niya sa tindahan ay sapat naman daw sa kanilang dalawa ni tatay. Umoo na lang ako para wala ng pagtatalo. Ipinagbukas ko sila bangko na buwan-buwan ko pa ring nilalagyan dahil hindi na sila bumabata. At least kahit papaano ay may madudukot sila kung sakaling kailangan nilang magpagamot. Madaling araw ng lunes umalis ako sa amin. Tamang-tama dadarating ako ng Manila pagkapananghalian. Paniguradong hapon na ang dating ko sa bahay nito dahil sa traffic sa Edsa. Habang nasa sasakyan ako ay napa-isip ako sa kantang pinakikinggan ko, yung lumang kanta na You Are My Destiny? Yun kasi ang pinatutugtog sa FM ngayon. Mahilig kasi ako mga kantang luma kagaya ng ganyan, nakakapagpakalma sa akin. Naisip ko lang, totoo nga ba ang Destiny? Kung totoo yun, bakit may mga taong nasasaktan? May mga taong nakukulong sa mga relasyon na hindi naman nila ginusto? Bakit may mga taong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin? Hanggang kelan nga ba maglalaro ang destiny sa buhay ng tao? Sino naman kasi ang nagpa-uso ng salitang destiny? Sakali ako, paglaruan ng destiny? Isa lang naman ang sasabihin ko eh. Nasaaan ka noon? Noong kaya ko pang makipaglaro sa iyo? Nasaan ka noong kailangan kong marating ang kung anong meron ako ngayon? Di ba wala ka? Kaya hindi ako naniniwala sa iyo. Hindi kasi ako tanga. Hindi ako bobo. At hindi ko rin paiiralin ang puso ko dahil matagal na itong patay. -------------------- End of  DG 1 Please don't forget to vote, comment, and share good vibes. ~ Ms J ~ .05.03.17   Destiny's Game ©️All Rights Reserved May 3, 2017  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD