Chapter 10: The Last Cup
Isang linggo na ang lumipas mula nung magsara ang *Bean & Books*. Pero ang kwento namin ni Liam, parang kape na bagong brew pa lang—mainit at buhay na buhay.
Habang ang lahat ng kaklase ko ay busy sa pagre-relax pagkatapos ng exams, ako naman ay busy sa pag-aayos ng gamit ko. Isinuot ko ang vintage denim jacket ko—ang jacket na naging saksi sa lahat ng sticky notes namin.
"Ma, aalis lang po ako saglit. Pupunta lang ako sa... sa isang History museum," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay may bus ticket na ako sa bulsa ko.
Hindi ko kayang hayaan na lang na maging blog post o ML message ang ending namin. Sabi nga sa History, ang mga dakilang pag-ibig ay ipinaglalaban. At kung kailangan kong bumyahe ng limang oras para makita ang "History Expert" ko, gagawin ko.
Pagdating ko sa address na nakasulat sa blog niya, tumigil ang mundo ko.
Hindi ito malaking bookstore. Isa itong maliit at cozy na shop na may pangalang **"The Note Corner."** Sa labas, may maliit na chalkboard na may nakasulat: *"Budget-friendly coffee and old books inside."*
Pumasok ako at tumunog ang bell sa pinto. Agad na humalimuyak ang amoy ng kape na sobrang pamilyar. Sa pinakadulong table, may isang guy na naka-black hoodie. Nakayuko siya, parang may malalim na sinusulat.
Dahan-dahan akong lumapit. Kumuha ako ng yellow sticky note sa bag ko at mabilis na nagsulat:
> *"The espresso here smells better than the ones in the city. But the barista looks a bit like a stranger I used to know. Is he still accepting 'History Haters' here?"*
>
Tahimik kong idinikit ang note sa ibabaw ng librong binabasa niya.
Nakita kong napatigil ang kamay niya sa pagsusulat. Dahan-dahan siyang tumingala. Nung magtama ang mga mata namin, nanlaki ang mga mata ni Liam. Parang hindi siya makapaniwala na ang babaeng nasa harap niya ay ang babaeng ka-duo niya lang sa laro kagabi.
"Jana?" mahina niyang tawag. Ang boses niya... mas masarap pakinggan sa personal kaysa sa voice chat.
"Hi, L. O Liam. O kung sino ka man sa History ko," nakangiti kong sabi.
Tumayo siya at sa unang pagkakataon, walang lamesang nakaharang sa amin. "Binalak ko talagang balikan ka next month. Hindi ko akalain na mauuna ka."
"Ayaw ko kasi ng late sa History," biro ko habang pinipigilan ang luha ng saya.
Kinuha niya ang kamay ko at may inilagay na isang maliit na cup. Hindi kape ang laman, kundi isang origami heart na gawa sa... yellow sticky note.
"Welcome to the new chapter, Jana," bulong niya.