Zeke's POV
Fuck it! I want to cuss more! First day of my school ganito na agad ang sumalubong sa akin. How lucky I am.
"Zeke ano bang nangyari?" Tanong ni Xander sa akin.
"I'm to lazy for freaking explaination!" Hindi n'ya na rin ako tinanong pa.
Fuck it! Damn 'yong ilong ko.
"Can you tell me about their name." Sabi ko kay Xander.
"Seryoso? Bakit?"
"You don't need to know. Just tell me their name."
"It's Greyn and Katana." Now I know.
Papunta na kami ni Xander ngayon sa room na lilinisan namin. Kasama siya dahil siya ang magbabantay sa amin. Kasi mismong president nila kasama sa gulo. That freak!
"Iwan muna kita dito balik lang ako agad." Hindi na ako sumagot sa kanya at hinayaan ko na lang siya. Magpupunas kami ngayon.
****
Greyn's POV
Papunta ako ngayon sa locker room kasi magbibihis ako. Maglilinis lang naman kasi kami. Habang naglalakad ako naka salubong ko si Xander na tumatawa. Nabaliw na 'ata siya.
Sa sobrang kakatawa n'ya mag-isa 'di n'ya namalayan na nasalubong n'ya na pala ako. Ano kayang nangyari dun? May something 'ata.
I'm here na sa locker room. Pagbukas ko pa lang may naglaglag na paper color black siya.
Ano kaya 'to at talagang color black pa.
Napaupo ako ng mabasa ko ang nakasulat.
"ANG PAG-IBIG MO AY PARANG TUBIG WALANG LASA."
What? Anong gustong iparating nito? Parang temang naman 'ata yong gumawa nito. Ang lakas ng tama at dito pa talaga sa loob ng locker ko. Parang nanghina tuloy ang mga tuhod ko. Sa sobrang corny kasi nakakapanghina ng tuhod.
****
Katana's POV
Nakakainis naman akala ko matatakasan ko 'tong punishment na 'to. May precious hand ugh! Nakakainis talaga.
Napatingin ako kay Greyn na nagmamap while 'yong lalakeng bastos naman. What the hell?! Nakaupo lang kasi siya. Ano siya senyorito?
"Hoy, manyak maglinis ka naman." Tumingin lang siya sa akin saglit at 'di na ako pinansin. Kapal talaga ng mukha in-snob lang ako.
"Tulungan mo naman kami maglinis dito. Ang laki mong tao 'di ka marunong maglinis." Pag sabi ko naman n'yan agad siyang tumayo.
Pero hindi n'ya na pansin na si Greyn nagmamap sa harap n'ya. Kaya ang nangyari nabangga siya ni Greyn. Natumba tuloy silang dalawa with opposite position pa. Si Greyn 'yong nasa taas.
"Hayy naku talaga kong dito kayo maglalandian 'wag namang sa harapan ko. Get a room guys!" Agad naman silang bumangon na dalawa.
Si Xander naman pumunta sa amin. Nandito din kasi siya kasi nagbabantay siya sa amin pero kanina 'di ko siya na pansin.
"f**k this damn punishment! Kachi no hori seman!" Hindi ko na gets 'yong huli n'yang sinabi. Anong language 'yon? Kahit sila Xander and Greyn na loading. Ano yon penpen di sarapin de kutsilyo de armasen?
[Translation: Walang kwenta.]
Lumabas naman si Zeke at naiwan lang kaming tatlo.
"Greyn ayos ka lang ba?" Gosh pati ba naman silang dalawa? Napa roll eyes tuloy ako.
"Pati ba naman kayong dalawa?! Tara na nga Xander samahan mo na lang ako maglinis." Hinila ko si Xander palayo kay Greyn.
Akin lang si Xander walang pwedeng lumandi sa kanya. Mine is always mine. Ganon ako kadamot.
****
Greyn's POV
Nakakapagod naman ito. Nandito naman kami ngayon sa school ground nagdadampot ng mga plastic. Ang swerte ni Zeke kasi hindi man lang siya naka pag punas paano ba naman si Xander na ang gumawa. Sobrang unfair naman nun!
Pero ngayon hindi na pwede 'yon hindi na ako papayag. Kaya ito kaming tatlo nagdadampot kahit na ang init-init.
"Ano ba naman ito Greyn nakakapagod na wala namang plastic." Ito na po nagrereklamo na si Katana. Hindi pala kanina pa siya reklamo ng reklamo wala pa man din kami nag-uumpisa. Sabagay ganito naman talaga siya kaya kailangan ko ng masanay.
"Okay tama na 'to mukhang wala na ngang kalat dito sa school ground. Doon naman tayo sa comfort room maglilinis."
"What?!" Sabay pa talaga nilang sinabi yan ni Zeke.
"Oo 'wag na kayo mag reklamo last na 'yon. Kaya tara na." Kitang kita ko na 'yong inis nila.
"Kasalanan mo 'tong lalake ka!" Sabi ni Katana kay Zeke.
"Hindi ba mas kasalanan mo dahil ikaw ang nauna?"
"Wow! Hindi ba sinong tanga 'yong ii—" Hindi na na tuloy ni Katana ang sasabihin n'ya nong tinakpak ni Zeke 'yong bunganga n'ya.
"Ano ba!" Ang sama ng tingin nila sa isat-isa pero 'di na sila nag salita pa.
Mukhang may makakatapat si Katana ah.
****
6 pm na ako na tapos sa paglilinis na naka assign sa akin. Ewan ko lang sa dalawa kong tapos na ba sila. Bahala sila dyan basta ako uuwi na. Mag enjoy sana sila. Sana rin matuto na sila sa pagkakamali nila at sana maging matured na sila.
****
Zeke's POV
Paano ba dito maglinis? Si Greyn tapos na kami na lang talaga ni Katana 'yong hindi. Nakasimangot pa siya.
Kanina pa kami naka tunganga dito.
Pero may kahawig siya pati na rin sa kilos at pananalita but I am not sure if she really is. But I hope she is.
"Hoy!" Tawag n'ya sa akin.
"What?"
"Ano tatayo na lang tayo dito buong mag damag? Hindi tayo makakauwi nito kong ganito tayo."
"Marunong ka ba?" Napahinto naman siya sa tanong ko.
"Hindi, pero bahala na. Ang mahalaga matapos na 'to." Nakasimangot na naman siya. I want to smile because if her reaction pero pinigilan ko.
Kumilos na kami ngayong dalawa siya nagmamap ng sahig at may sabon 'yon. Kaya binubuhusan ko ng tubig 'yong mga tapos n'ya ng i-map.
I can't believe it na ginagawa ko 'to.
"You know what—" She said.
"What the heck you doing?!" Naibuhos ko kasi sa kan'ya 'yong laman ng tubig sa balde. Hindi ko kasi alam na nasa harapan ko na siya.
"Nakakainis ka. Ano bang gusto mo huh? Matapos mo kong ihian kanina tapos ngayon naman bubuhusan mo ko ng tubig? Urgh!" Naka tingin lang ako sa kanya habang galit na galit 'yong reaction n'ya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatulala lang ako habang siya nagpapapuno din ng tubig sa balde.
Damn it! Bago lang 'ata ako natauhan ng ibinuhos n'ya rin sa akin ang tubig na inipon n'ya.
Pareho na kaming basa.
"Kulang pa 'yan. Wala pa akong ganti sa pag ihi mo sa akin." Bakit ba ang hilig n'yang sabihin 'yon?
"Hindi pa ba sapat 'yong sinabunutan mo ko kanina?" Huminto naman siya at tumingin sa akin saglit. Akala ko sasagot pa siya pero hindi na. Umalis na siya at na iwan ako.
Tinignan ko na lang siya habang papalayo.
Kinuha ko sa bag ko ang phone ko dahil nagriring. It's dad the one who's calling me.
"Oh?" Sagot ko pag answer ko ng phone call.
"Zeke napaka ano mo naman. Bakit 'oh'? Ganyan ka na ba talaga sa daddy mo ngayon? Nakakatampo naman."
"May kailangan ka ba? Bakit ka napatawag?"
"Pinapaalala ko lang 'yong mission n'yo." Oh I see.
"Look Dad how can I forget that mission. Kong araw-araw mo naman akong tinatawagan and keep telling me about that mission." Pinatay ko na ang tawag.
****
Sky's POV
Nandito pa ako ngayon sa room namin dahil may klase pa kami ngayong 7pm.
"Hoy babae." Naiinis na ako dito sa transferee na 'to. Kanina n'ya pa kasi ako inaasar. Ako pa talaga ang trip n'ya ni hindi ko naman siya pinapansin. Kanina kasi napunit 'yong palda ko dahil sa katangahan n'ya. Nilagyan n'ya kasi ng pako 'yong upuan ko kaya sumabit.
Sinisi ko pa ang sarili ko dahil pabaya ako. Kasi dapat sa mga ganong bagay maingat ako.
"Akin na 'tong note mo ah, may titignan lang ako." Hindi man lang marunong mag paalam. Nagtitimpi na lang talaga ako sa lalakeng 'to. Pero wala naman akong sinulat sa note na 'yon. Hindi nga ako nagsusulat nakakatamad kaya. Tsaka hindi naman ako nakikinig anong itatake note ko?
****
Natapos na ang klase namin at pauwi na ako ngayon. Habang naglalakad ako syempre may mga nakakasabay pa rin akong ibang mga student. Nagtataka ako kong bakit nagtatawanan sila. Ako ba pinagtatawanan nila?
"Hey, may papel na naka dikit sa likuran mo." Siya 'yong lalake na nasa likod ng building nakaraan. Agad kong kinuha 'yong papel na naka dikit. Sinong walanghiyang lalagay nito?
Ang nakalagay lang naman sa papel ko.
"May mens po ako."
Nakakainis! Sinong taong maglalagay nito? Nakakahiya tuloy! Pero may nasa isipan ako kong sinong gagong maglalagay nito, e. Humanda siya sa akin! Hindi ko na talaga 'to mapapalampas sobra na 'to.