Katana's POV
Nakahiga ako ngayon dito sa bench tapos sa may likod ko ang isang flower box. Matataas ang mga nakatanim na mga halaman at bulaklak na nakatanim kaya I'm sure walang makakakita sa akin. Trip ko talaga dito dahil gusto kong matulog.
Nakapikit lang ako pero hindi ako tulog. Gusto ko talaga matulog kaso ayaw 'ata ng katawan ko nakakainis lang. Napamulat ako ng may naramdaman akong tubig na tumatalsik sa akin. Teka umaambon ba? Inamoy ko 'yong tubig na tumalsik sa mukha ko.
Agad akong tumayo ng maamoy ko ito.
"Sinong walanghiya ang umiihi dito? Napaka bastos naman 'ata ng lalake na 'yon?!"
Napatingin ako sa lalakeng nakatalikod na naglalakad palayo sa dito. Siguro siya ang umihi wala namang ibang taong nandito.
"Hoy ikaw na bastos!" Sigaw ko sa kan'ya. Huminto naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Pero after that nagpatuloy na siya ulit sa paglalakad.
Ah, ganon gusto n'ya ng gulo. Tinanggal ko ang heels ko na suot. Sayang fave ko pati 'tong heels na 'to dahil color red at ang mahal ng bili ko dito. Bahala na nga basta bwesit ako sa lalakeng 'to bastos na nga tapos denedma lang ako.
Binato ko siya ng heels ko, gusto ko sana siyang patamaan sa ulo kaso sa iba tumama. Sa puwet n'ya lang naman.
Napatawa naman ako sa nangyari pero mas gusto ko talaga sa ulo n'ya at ng matauhan siya.
Napaharap siya sa akin at lumakad palapit. Yun lang pala tanging paraan para lumapit siya, e.
"What the hell is your f*****g problem?" Matigas na pagkakasabi n'ya sa akin.
Wow siya pa may ganang mag tanong kong anong problema ko? Bwesit siya hindi n'ya ba alam kong anong ginawa n'ya? Napaka yabang n'ya at dahil dito hindi ko siya tatantanan.
"How dare you to say that to me. Look at me! Inihian mo ko you're so f*****g gross!" Natahimik naman siya after kong sabihin 'yon at umiwas ng tingin pero after ilang seconds nag sumagot na rin siya.
"Are you done talking?" Bago tinalikunaran na ako. What the actual f**k? I can't believe with this guy!
Hindi ako papayag na ganon ganon na lang 'yon. Matapos n'ya akong ihian! No way! I'm Katana and I can't accept that.
Tumakbo ako palapit sa kan'ya. Nangigigil talaga ako sa kan'ya. Sobrang attitude n'ya tinalo n'ya pa ako sa pagiging attitude. Hinila ko ang damit n'ya and the heck local 'ata 'tong damit n'ya. Saan n'ya ba 'to nabili? Napunit kasi.
"Oh, I'm sorry." Sarcastic na sabi ko sa kan'ya habang naka ngiti.
"Anong nangyayari?" Napatingin naman kami kay Greyn nakararating lang. Napaka bilis talaga ng tsismis dito sa school nakarating na agad dito si Greyn.
"You b***h, don't interfere to our business mind your own!" Holy moly! For the first time nakita kong nainis si Greyn. Hindi kasi sanay si Greyn na sinasabihan ng bad words. Opps wrong move.
****
Greyn's POV
Napadaan lang ako para pumunta sana sa library ng makita ko 'yong transferee at si Katana. Mukhang may pinag-aaway sila kaya bago pa man lumaki ang gulo kailangan ko na silang pigilan.
Bigla akong nakaramdam ng inis ng marinig ko ang salitang sinabi n'ya. Wow ako b***h? How dare he?!
"What did you say?" Gusto ko sana siyang sampalin dahil sa inis ko. Pero nagtimpi talaga ako dahil hindi naman ako ganito. Pero parang sa lalakeng 'to lalabas ang inis ko sa katawan.
"Are you f*****g deaf? I said don't interfere to our business b***h!" Hindi ako umimik sa sinabi n'ya pero nararamdaman ko na ang pag-init ng pisngi ko. Feeling ko namumula na ako sa sobrang inis.
Kunti lang ang tao dito at hindi pa kami masyadong pansin dahil may mga halaman na naka harang. Makahanap nga ng pwedeng ipanghampas sa lalakeng 'to.
Si Katana and Sky hindi pa ako namumura. Tapos siya ngayon ko lang nakita ang lakas ng loob sabihan akong b***h!
May nakita akong kahoy sa may unahan buti nalang 'di pa 'to naayos ang bench na isa dito. Dali-dali akong bumalik kong na saan ang dalawa.
Hinampas ko siya sa puwetan n'ya.
"Yan ang bagay sayo! Walanghiya ka ang kapal ng mukha mo!" Hampas lang ako ng hampas sa puwet n'ya.
"What the heck you doing?!" Kita ko ring namumula na siya sa galit.
"Bakit anong karapatan mo na pag salitaan ako ng ganon? Kilala mo ba ako? Ikaw ba nagpapalamon sa akin huh?!" Gusto ko talaga siyang lunurin. Gosh napakasama ko sa lagay na 'to.
"Tss, then wait for me!" Nagtaka ako sa sagot n'ya. Umalis siya at mukhang may hinahanap.
Napatigil ako ng may hawak siyang bato. Binato n'ya ako sa noo at ramdam kong dumudugo na 'yon.
"Napakawala mo talagang manners!" Sino bang magulang nito at 'di man lang tininuruan ng magandang asal at ng pagiging gentleman.
Kinuha ko ang binato n'ya sa akin at binato ko rin siya.
Binato ko siya ng ubod ng lakas 'yong tipong lahat ng inis ko naipon na sa bato na 'yon. Tumama sa buto ng ilong n'ya 'yong bato. Kita ko ang pag-agos ng dugo sa ilong n'ya. Buti nga sa kan'ya!
"Wow Greyn, ikaw ba 'yan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Katana. Kahit ako 'di rin makapaniwala sa sarili ko na nagawa ko 'to.
"What the! You're son of a b***h!" Bago dinuro n'ya ako.
Aba, talagang ginagalit ako ng lalaking 'to! Lumapit ako sa kan'ya at sinambunutan siya. Sa sobrang lakas 'ata ng sabunot ko sa kan'ya napaupo na kaming dalawa. Siya naman pinipigilan ang kamay ko.
Napahiga na siya at ako nakaupo sa gilid habang sinasabunutan ko pa rin siya.
"Go, Greyn I'm so proud of you. Gusto mo tulungan pa kita?" Umupo din si Katana at sinabunutan n'ya rin 'tong lalake.
Napatigil lang kami ng may humila sa blouse ko at hinila ako patayo.
"Greyn, anong ginagawa mo?! You supposed to be the one who stop them but you are the one who started!" Nagulat ako sa biglaang pag sigaw sa akin ni Xander. Parang bumalik ako sa katinuan ng sinigawan n'ya ako. Napatingin ako sa paligid at ang dami na palang mga student na naka tingin sa amin.
Tinulungan naman ni Xander 'yong lalakeng sinabunutan namin.
"Hindi naman kasalanan ni Greyn. That guys is the one who started it." Pag defend ni Katana.
"No, way!" Sagot naman nitong lalakeng walang mudo.
"Hindi ba ikaw? Ikaw ang naunang nagmura sa akin. Kapal ng mukha mo akala mo naman ikaw nagpapakain sa akin." Sagot ko sa kan'ya.
"So, what?" Pabalang na sagot n'ya sa akin. Talagang pinalaki siyang walang manners. Kawawa naman magiging girlfriend nito or magiging girlfriend.
"Ah ganon ba. Hindi ka ba marunong ng salitang sorry huh?!" Sisipain ko na sana siya—
"Greyn ano ba?! Tumigil ka na nga! Isipin mo naman kong anong position mo!" Napatigil na naman ako sa pag sigaw ni Xander. Ngayon lang ako sinigawan ng ganito. Dati naman kasi hindi siya nakikialam sa mga ganitong bagay.
"Bat ba parang ako pa ang may kasalanan? Sige parusahan muna ako! Basta 'yang transferee na 'yan kasama rin!" Bago iniwan ko na sila. Naiiyak ako hindi ko alam kong bakit.
****
Sky's POV
Nakatingin lang ako ngayon sa buong school. Matagal ko na 'tong naiisip na sobrang pamilyar sa akin ng school na 'to. Hindi naman kami dito nag elementary.
"Miss." Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
"Bakit?" Hindi ko siya kilala pero ang pamilyar n'ya rin sa akin. Bakit ang dami kong nakikitang pamilyar?
"Ah, nevermind." Tinignan ko na lang siya habang papalayo. Ang weird n'ya ah, matapos n'ya akong tawagin wala lang din pala.
Habang naglalakad ako napadaan ako sa tambayan ng mga ka squad ni Katana. I don't know kong tinuturing ba 'tong mga kaibigan ni Katana. Sila kasi ang bully dito sa school pero syempre nangunguna si Katana.
"Oh looks who's coming guys." Nakakainis lang kasi pagkakasalita n'ya 'yan akala mo diring diri siya sa akin. Bwesit siya pa salamat siya matino ako ngayon. Tsaka ayoko din gumawa ng gulo.
"Yeah, ugly creature." Gatong pa ng isa sa kanila. Bagay talaga silang pag samahin.
Si Bella lang naman kasi ang kilala ko at si Katana sa kanila. Itong tatlong babae rin na nandito 'di ko sila kilala. Hindi din naman ako interesado sa kanila kaya bahala sila.
Hindi ko sila pinansin at nagpa tuloy lang sa paglalakad. Nasalubong ko naman si Katana na naglalakad mukhang papunta na siya dun sa tambayan nila.
Pero gusto kong matawa sa itsura n'ya dahil napaka gulo ng buhok n'ya at higit sa lahat nag kalat ang eyeliner n'ya. Tapos mukhang wala din siya sa sarili n'ya hindi man lang kasi lumingon sa akin. Basta siya naglalakad at na naka tulala.
Yong mga student naman iniiwasan siyang tignan. Syempre number one rules n'ya 'yon bawal siyang pag tinginan kahit na ang hilig n'yang gumawa ng eksena.
Pumasok na ako ng room ko at umupo kong saan ako naka puwesto.
Kanino kaya 'tong phone? May naka patong kasing phone na nasa disk ko. Wala naman kasi ibang taong nandito ako pa lang.
Kinuha ko ito at bubuksan sana kaso may phone lock. Lalapag ko nga lang dito baka may kukuha rin mamaya. Pero pag walang kumuha akin na lang 'to. Hanapin ko na lang ang may-ari bukas. Baka kong iba 'di na nila ibalik.