First Day of school ko ngayon kaya medyo kinakabahan pa ako. Malapit na kami sa school na papasukan ko. Valencia High Academy. Matagal ko na talagang pangarap na makapasok sa school na iyan at maging normal students. All my life I've been home schooled kaya bago lang sa'kin to.
Nong tumigil ang kotse ay bumaba na agad ako at nagpaalam na kina Mommy.
"Bye Mom. Love you" paalam ko.
"Sweety, please take care. Don't skip eating meals. Call me if there is emergency, okay?" She worriedly said. "Yes Mom, I will. Bye na po. Love you" kumaway pa ako bago naglakad papasok.
Maganda at malawak ang VHA. Marami na akong nakikitang students na naglalakad papunta sa mga respective classrooms nila. Napatingin naman ako sa schedule paper ko. Sa Room A- Bonifacio ang room ko. Naglakad lakad ako para magtanong kong saan ang Dilemma Building kong saan ang room ko.
"Hi, excuse me pwede mag ask. Saan pala ang Dilemma Building dito?" I asked the girl with a pigtail hair. Ang cute niya.
"Ah, doon oh. Doon ka ba pupunta? Tara sabay nalang tayo I'm on my way there too" tumango nalang ako dahil baka maligaw lang ako.
Nasa likod pala iyong Dilemma Building. Maraming students ang naglalakad sa hallway dahil ilang minutes nalang ay magsisimula na ang klase. Umakyat kami sa second floor.
"Anong section mo?" Tanong ni Hannah sa'kin. She introduced herself to me awhile ago.
"Ah sa Room A-Bonifacio" sagot ko. "Really?! Don din ako. Gosh, new classmate pala kita. Tara na baka ma late pa tayo" Saad nito sabay hila sa'kin papunta sa ika pitong room.
We stop in a close white door na may nakalagay na Room A- Bonifacio sa taas. Pumasok kami doon at meron ng mga students. Third day na kasi ng pasukan so late nako. Hinila parin ako ni Hannah sa tabi ng upuan niya.
"Diyan ka. Don't worry I don't have a seatmate. So from now on ikaw na ang seatmate ko. Yiiee! Ang saya naman." magiliw niyang sabi.
I like her coz she's so jolly. Madaldal din siya dahil kanina pa siya nagsasalita. Naging instant friend ko tuloy si Hannah. I had a friend pero dalawa lang puro ko pa pinsan so it's kinda new for me to have a friend that is not a blood related. Besides I like it. Goal ko rin iyon ang magkaroon ng maraming friends.
Mga ilang minutes ay nag ring na ang bell kaya umayos na kaming lahat ng upo dahil papasok na si Ma'am. May humabol pang dalawang lalaki na ang cool kong maglakad. Rinig ko ang impit na tili nila.
Mga artista ba sila? They seems famous for having that kind of reaction like that from my classmates. Pumasok bigla iyong teacher na mapula ang labi. She seems terror medyo kinabahan tuloy ako.
"Good Morning class. So now we have a new student. Miss kindly introduce yourself in front" aniya.
Medyo kinakabahan naman akong pumunta sa harapan. This is one of my dislikes. Natatakot at nahihiya ako pag nasa harap na'ko. Mahiyain kasi ako. I cleared my throat before speaking.
"Hi, everyone. I'm Ayezah Angela Perez but you can call me Ayezah. Nice to meet you all."
Nahagip ng paningin ko ang lalaking may itim na buhok sa likod na nakatitig sa'kin. Ako ang unang umiwas ng tingin at nagpasalamat kay Ma'am. Bumalik narin ako sa chair ko na katabi ni Hannah.
"So she's your new classmate. So let's proceed to our topic yesterday. Get your textbook and open it in page 123. Miss Guzman, please share your textbook to Miss Perez for awhile" sabi ni Ma'am Blanco.
Um-oo naman si Hannah. Nag start nang mag discuss si Ma'am about Earth Science. Nagbasa nalang ako dahil alam ko naman na ang topic na'to. Napagaralan ko na'to nong nag home school pako. Matapos ang first class ay pumasok na ang second teacher na si Sir Flores, ang Literature teacher namin.
Hanggang sa matapos ang morning class ay sumabay ako kay Hannah sa Canteen. Dala dala ko ang maliit kong bag. Malaki ang Canteen dito na parang nakikita ko sa Movie.
Umupo kami sa may gilid na table for two. Nilabas ko na iyong lunch box ko na niready ni Mommy kanina. Nagtaka naman na tiningnan ako ni Hannah.
"Bakit?" I asked. "Seriously? Lunch box. Are you a grade schooler" she said.
"Bilin kasi ni Mommy na dapat concious ako sa kakainin ko. My food plan kasi akong sinusunod kaya ganoon" I explained. Tango nalang ang naging sagot niya.
Nag order muna siya sa Canteen na medyo mahaba ang pila. I open my lunch box and as I expected puros na naman gulay. Buti nalang merong burger kaso mas madami ang leafy vege kesa sa Patty at cheese. Napabuntong hininga nalang ako.
Nagulat ako nang biglang umupo ang lalaking may itim na buhok kanina. He's smiling but not wide. Nagtaka naman ako.
"Hi, I'm Kyle Preston. You're Ayezah, right? Nice to meet you" he said and offer his hand. I nodded and accept his hand as a handshake.
"Iyan lang ba ang kakainin mo for lunch?" Tumango ulit ako.
"Oh, here, for you. Thanks" he said and wink.
Okay, that's weird. Tiningnan ko nalang iyong Choco drink na nilapag niya sa table namin. Seryoso ang weird niya pero mas weird dahil pinagtitinginan ako ng mga students at ang iba ay matalim kong makatingin.
Bumalik na si Hannah na medyo nakakunot ang noo. May dala siyang tray na may pagkain na inoder niya siguro.
"Bakit lumapit si Kyle dito?"
Nagkibit balikat lang ako. "But seriously don't get near to him. He's dangerous, no they are dangerous" nagtaka naman ako sa tinitingnan niya. Iyong apat na lalaking gwapo.
"Yes I know gwapo sila. Even though I have a crush on Gelo they're still dangerous. Kaya wag kang lalapit sa kanila, ha" tumango nalang ako bilang sagot at kumain nalang.
Nong matapos na ang lunch time ay tumayo na kami. Tinago ko nalang sa bag ko ang Choco drink na binigay ni Kyle sa'kin.
Nakilala ko na rin ang iba ko pang magiging subject teachers and so far mabait naman sila. Nagbabasa nalang ako dahil alam ko na ang diniscuss nila dahil natutunan ko iyon nong nag home school pako. Advance ang home school eh.
Last subject na pero may pahabol pa na quiz si Ma'am Marissa, pre calculus teacher. Nag solve agad ako pagkatapos ay pinasa. Sabay pa kaming nagpass ni Kyle. Bumalik nalang agad ako sa upuan ko dahil medyo nailang ako sa kanya.
Matapos mag bell ay lumabas na kami. Naghihintay ako sa waiting shed dahil don ako susunduin ng driver namin. Nagpaalam na sa'kin si Hannah kanina pa. Konti lang ang nasa waiting shed dahil ang halos lahat ay may sariling kotse o sinusundo ng driver.
Nagulat na naman ako sa biglaang pagsulpot ni Kyle. "Are you going home?" I nodded as an answer.
"Okay, maghihintay ako dito hanggang sa dumating ang sundo mo, okay?"
"Naku, di naman na kailangan. I don't want to bother people" I said. "It's okay. It's not waste of time. Mahirap na baka mapano ka pa" tumahimik nalang ako dahil mukhang ayaw niya talagang umalis.
Nong huminto ang sasakyan namin ay nagpaalam nako kay Kyle.
"Bye, Kyle and thank you sa paghihintay. See you tomorrow" nakangiti kong saad.
He just wave his hand. He's not so weird naman pala. Tahimik lang ako habang pauwi na kami ng bahay. Pagpasok sa house ay wala sina Mommy at Daddy, for sure busy iyon sa pagtatrabaho. Sinalubong nalang ako ng chowchow kong aso, si Yuri.
Si Yuri ang tinatrato kong kapatid at baby. Maliit kasi siya kaya sobrang cute. Pinagbawalan ako dati ni Mommy na magalaga ng aso dahil baka hikain daw ako but at the end pumayag din siya. Buti nalang para may makasama ako. Kinarga ko si Yuri papunta sa kwarto ko.
Binaba ko muna si Yuri sa kama ko para makapagbihis ako. Pajama at tshirt ang sinuot ko tapos tinali ang buhok. Tumalon ako sa kama kaya naging makulit si Yuri. Nilalaro niya ang maliit na teddy bear.
"Stop, Yuri! Come nalang kay Mommy. Did you miss me, baby?" Palambing ko sa baby ko.
Aw-aw lang ang sinagot sa'kin ng aso. Nong mapagod ako kakalaro ay pinabayaan ko ng bumaba si Yuri. Medyo maaga pa kaya nag phone nalang muna ako. Minsan lang ako nag fe-f*******:. Medyo marami din ang nag add sa'kin na classmate kasama na don si Hannah at Kyle.
I just confirmed them. Di naman ako pala post kaya kong nang stalk ka man ay napaka boring. Bigla nalang may nagchat and guess who? It's Kyle.
Kyle Preston
:Hi, Ayezah. Nakauwi kana?
Ayezah D. Perez
:Opo nakauwi na. Thanks pala kanina.
Kyle Preston
:Grabe naman sa opo I'm not that old.
Ayezah D. Perez
:Show respect lang naman.
Medyo humaba pa ang chats namin dahil makulit talaga siya. In-off ko na ang phone nang marinig ko ang kotse ni Mommy sa baba. Bumaba agad ako at sinalubong si Mommy. She hug me back and kiss my head. Pinakawalan muna ako ni Mommy para makapag bihis siya.
Sumunod nalang ako sa kanya patungo sa kwarto nila ni Daddy. Hindi kami sobrang yaman, neutral lang. Business Clerk si Mommy habang si Daddy ay Manager ng isang malaking Kompanya. Meron kaming isang driver at Yaya sa bahay.
"How's your first day of school, sweety?" She said while combing her hair. Nakatihaya ako sa kama nila Mommy.
"It's really good, Mom. I already had a new friend, si Hannah. She's kind and jolly. Mabait din ang classmates ko" nagdalawang isip pako if sasabihin ko kay Mom ang tungkol kay Kyle but at the end ay di nalang.
Mommy sit beside me. Bumangon ako at dahan dahan niyang sinusuklayan ang buhok ko. Nag kwento lang ako kay Mommy sa mga nangyari sa'kin sa school.
Nong dinner na ay kinuwneto ko ulit kay Daddy ang nangyari and they are both happy. Bago ako umakyat ay nag goodnight muna ako sa parents ko.
"Goodnight My, Dy. Love you" I said.
"Goodnight, sweety. Sleep well" they both said and kiss my head.
Pumasok nako sa kwarto ko at humilata. Nasa tabi ng kama ko si Yuri na may maliit ding kama. Mahimbing na ang tulog ng chowchow ko samantalang ako ay di pa dinadalaw ng antok. Bumangon muna ako at kinuha ang medicine kit ko. Ininom ko agad ito at humiga ulit.
Nag open nalang ako ng phone at nag scroll. Pinindot ko ang profile ni Kyle at puro kabulastugan lang ang laman ng nf niya. Shared post, pictures ng basketball at picture niya kasama ang tatlo pang lalaki.
Barkada niya pala iyong isa niyang kasama si Lester Jan ata iyon. Di ko naman kilala iyong dalawa pero nakita ko na sila sa Canteen. Nag scroll pako sa f*******: niya.
Pero shemay na palaka napindot ko ang like na picture niya na naka Jersey. Geez, in-unlike ko at sana nga di niya makita iyon. Nag log out nalang ako. Pag nakita niya nakakahiya iyon. Napakagat ako ng labi. Nagitla ako nang biglang tumunog ang phone ko.
Dahan dahan ko itong binuksan at nakahinga ng maluwag na nag chat lang pala si Hannah sa'kin. Nangumusta lang siya sa'kin at nag goodnight nadin.
Pero ang akala ko makakakiwas na ako pero nag chat naman bigla si Kyle. Wala na akong choice kundi replyan siya dahil madulas na naman ang kamay ko at na iseen ito dahil nataranta ako.
Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa ngayon. Nakakahiya talaga iyong nagawa ko.
Kyle Preston
:So your stalking me, huh? I kinda like it ;).
Ayezah D. Perez
:Aksidente lang kaya iyon. Wag masyadong assuming po
Kyle Preston
:So ako pa ang assuming na naging stalker kita. Don't worry I won't be mad.
Ayezah D. Perez
:Heeh! Sige na matutulog na'ko. Goodnight and sleep well po :-)
Kyle Preston
:Yeah yeah. Goodnight din. Hope you will dream of me ;).
Nagreact nalang ako at napailing. Natulog nalang ako dahil maaga pa akong gigising bukas. Nag pray muna ako bago matulog. Nagising ako kinabukasan dahil sa alarm clock ko. Ginawa ko na agad ang morning routine ko pati na din ang pag inom vitamins.
Gustong gusto ko talaga ang uniform ng VHA. White uniform tapos may coat na black tapos may ribbon. Ang palda naman ay abot tuhod na color black din na merong red stripes. Ang medyas naman ay pwedeng abot tuhod or sa ankle lang. Sa'kin ay sa ankle lang tapos black shoes na merong konting heels.
Nilugay ko nalang ang buhok ko. Inayos ko naman ang bangs ko para di magulo. Sinuot ko na din ang I.D ko bago bumaba para mag breakfast.
"Goomorning, Mommy, Daddy" I greeted my parents and eat with them.
Masarap ang breakfast. Favorite ko ang ham at bacon dahil minsan lang ako kumakain nito. More on veggies na pancake at shakes ang hinahanda ni Mommy. Naghain agad ako ng fried rice, ham, bacon at egg sa plate ko.
"Dahan dahan, anak. Di ka naman mauubusan niyan" saway sa'kin ni Daddy.
Mag peace sign nalang ako at kumain nalang. Nag peprepare na si Mommy ng lunch box ko and for sure veggies na naman iyon. After I ate nag toothbrush agad ako. Kay Daddy naman ako sasabay. Dalawa lang kasi ang kotse namin.
"Sweety, your lunch. Take care, okay? Inumin mo iyong gamot mo on time. Tsaka don't get dehydrated. Love you" paalala ni Mommy sa'kin.
I nod. "Yes, commander. Love you"
"Hon, Take care too. Love you" Mommy said and kiss Daddy in the lips. Okay they're being cheesy again.
Nauna nalang ako sa kotse dahil mag harutan muna sila saglit. They are like that. They're so sweet together. Kahit matagal na silang kasal ay para parin silang teenager na nagliligawan. Ang lakas maka sana all! They are my ideal couple if I have someday.
Malawak ang ngiti ni Daddy nong pumasok siya sa kotse. Mommy waved and give us a flying kiss. Okay, stop with the cheesy gesture. But yeah, it's so sweet din.
When the car stops in front of the gate I said bye to Dad and kiss his cheeks before I leave. I wave for the last time before the guard check my I.D. I went to locker room first to get my books. Kahapon lang ako nabigyan ng book. Nilagay ko rin sa locker ko ang lunch box para di na mabigat.
Pumasok na'ko sa room. Konti palang ang students dahil maaga pa. Wala pa din si Hannah so I decided to get my book and read. I currently reading 'A Walk To Remember'. Mahilig kasi talaga akong magbasa ever since.
Maramdaman ko nalang may may umupo sa tabi ko. I close my book and face Hannah but it's not Hannah, it's Kyle. He give me again a not so wide smile.
"Goodmorning, stalker..."
"I'm not stalker nga. Ang kulit!" Saad ko.
"Okay, okay di kana stalker. What are you reading? A romance book? That's cheesy" he said.
"Well, cheesy for you but for me it's not. And besides what are you doing here in Hannah's seat?" I asked and raise my brow.
He held up her hand as if surrendering. This guy is really weird. "Okay, ang sungit mo naman. I just want to sit beside you. Tsaka wala pa naman si Hannah eh. I just want to be friends okay" he said and smile.
I sigh. "Okay, we're now friends. Wag ka lang talaga over makulit. And I'm happy din na gusto mo pala akong maging friend" i stated.
"So Wala ka pang naging kaibigan?" He asked and I answer him a nod. That's true si Hannah palang ang friend ko dito and oh let's just add Kyle on the list.
"Then, don't worry I'll be your friend. Friends, then?" He said and offer his hand. I accept it. "Friends" I smile.
Nag bell na at dumating narin si Hannah. Nakinig nako sa teacher namin. Tapos non ay recess na. Lumabas ako para saglit kunin ang sandwich ko sa locker pati water. Bumalik ako pero wala pa si Hannah. Bibili lang daw siya ng food sa Canteen.
"Hi friend" it's Kyle. And again may nilapag n naman siya na Choco drink. Iyong last time ay nasa mini fridge ko sa bahay.
"Seriously, you don't need to do this. But I appreciate it" nakangiti kong saad.
"It's okay, were friends, anyway. Ano ba iyang baon mo? Sandwich. Healthy living ka pala" tumango ako. "Yes kaya dapat ay ikaw din. Stop eating chips kasi masama iyan sa kalusugan" pangaral ko sa kanya kasi ang snack niya ay isang malaking Nova. It's junkfoods.
Natapos ang recess ay balik ulit kami sa klase hanggang sa mag lunch time na. Sabay kami ni Hannah papuntang locker room para kunin ang lunch box ko at pumunta sa Canteen. Madami ng tao sa Canteen at kita sa gilid ang mesa nina Kyle. He's with his three friends.
Kumain na kaming dalawa, I also share my food to her. After kong kumain ay nilabas ko agad iyong medicine kit ko at uminom ng gamot.
"What was that for? May sakit ka ba?" Tanong niya.
I shook my head. "Wala. Ah, vitamins lang iyon. Tara na" Saad ko nalang.
Bumalik agad kami sa room. Puro discussion palang ang ginagawa ng mga teacher kaya medyo boring. Nong matapos ang last class ay mabilis na lumabas ang students. Inayos ko na ang gamit ko.
"Halika na, Ayezah" aya ni Hannah.
Sabay kaming bumaba ni Hannah. Nagpaalam nako sa kanya nong maihatid na niya ako sa waiting shed. As usual ay nakaupo na naman ako at naghihintay sa driver namin. Nilalaro ko nalang ang paa ko para mawala ang boredom.
"Hi friend. Waiting here again?" Si Kyle. I nod at him. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang bag na sinakbit niya sa balikat niya. "Samahan kitang mag hintay."
"Huh? Naku wag na. Okay lang ako dito" pagtanggi ko. Ayaw ko naman na maabala siya dahil lang sa'kin no.
"It's okay. If your thinking that your bothering me then it's not. Friend kita kaya dapat ay samahan kita" napayuko nalang ako at tumango.
Kahit papaano ay napangiti ako. He's weird pero he's kind. Ganito talaga siguro ang feeling na magkaroon ng kaibigan. Like what he said sinamahan niya talaga akong maghintay. Sa ilang minuto naming pag hihintay ay nagbibigay nalang siya ng joke.
"Hahahahaha sira ka talaga!" I exclaim. Corny ang joke niya pero ewan natatawa nalang ako. Ang babaw talaga ng kaligayahan ko.
"Tumatawa ka talaga ha. Ikaw lang yata ang natatawa sa lame kong joke" saad pa nito.
"Lame nga pero ewan natatawa lang ako. Okay, tama na napagod nako kakatawa" Ani ko.
Dumating na ang driver ko kaya nagpaalam nako kay Kyle.
"Bye, Kyle. Thank you for today. Thank you for making me laugh. Ingat ka. Ba-bye" I smile at him and wave.
Masaya ako dahil kahit bago palang ako dito meron ng nag welcome sa akin. I feel happy for having a normal life like other teenagers. Iyong wala kang inaalala na kong ano ano. At di mo kailangan na ipakita ang kahinaan mo. I let a heavy sigh and smile. Coz I know tomorrow is another blessing day from Him.