Another day to thank of. I'm still bless dahil nagising na naman ako sa bagong umaga. It's been one week nang pumasok ako sa school at nagkaroon ng normal na buhay. Binuhat ko ang baby ko at hinihimas ang balahibo nito.
"Goodmorning, Yuri"
Binaba ko muna si Yuri bago ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos ay binuhat ko ulit si Yuri para bumaba. Nasa dinning table na sila Mommy at Daddy. I put Yuri down and prepare her dog food and milk. Sosyal masyado tong si Yuri dapat dog food talaga ang pagkain.
I greeted them and eat my breakfast. Pagkatapos kong mag breakfast ay nagpaalam nako kay Baby Yuri ko bago sumakay sa backseat. Sasabay kasi sa'min si Mommy. So ihahatid din siya ni Daddy sa office niya. When the car stop in our school I say bye to them.
Proud ako sa sarili ko dahil di na ako naliligaw sa school. Alam ko na kong saan ang iba't ibang building at ang Library. Last time kasi na gusto kong pumunta ng Library kaso naligaw lang ako. Malaki kasi ang school.
"Hello, Aye. Sabay na tayong pumunta sa room" I nod at Hannah. Habang papunta kami sa building namin ay nag dadaldal na naman siya, an usual act of her.
"Gosh, kahit di niya ako kilala crush ko parin siya" para siyang bata na nag ta-tantrums. Oh, she mean is Gelo, her crush.
"Try to uncrush him" sagot ko nalang. I don't have an idea about that. "Iyon din ang gusto ko, bhe. Kaso nga ang hirap. Ive been liking him for how many years so I it's really hard to uncrush him"
Bago kami dumiretso sa room ay sumilip muna siya sa Room C-Rizal. It's Angelo's room. And nalaman ko rin pala na si Gelo ay friend ni Kyle na friend ko narin. Hinila ko nalang siya papuntang room dahil baka kong anong gawin niya. May pagka baliw pa naman tong si Hannah. Grabe siya kong magka crush super Loyal.
"Hi Buds" Kyle said.
"Morning, Buds" I answered.
Naging Buds na ang tawagan namin ni Kyle. Para kasing baliw dahil tumawag lang siya bigla nong isang araw para lang sabihin na buds na daw iyong tawagan namin kaya ayun.
"Wow, parang close na talaga kayo ni Kyle, ah. But just a warning Aye he's dangerous. Magiingat ka sa kanya" seryoso nitong sabi. I just nod at her.
Ganyan naman talaga si Hannah pinagiingat ako kay Kyle. Why? Is Kyle a bad person? Marami din kasi akong naririnig tungkol sa kanya na bad boy daw siya, actually sila. Pero mukhang mabait naman siya sa'kin eh. Wala naman sigurong mali if I make friends with him. Makulit din kasi siya eh.
Natahimik ang buong classroom nang pumasok na ang teacher.
"So class I will pair you for your first activity. You will look for a historical place then you will draw it and write why you choose that, understand?"
Nagbigay naman ng reaksyon ang mga classmate ko. So as what Ma'am said siya ang nag pair sa amin. Randomly.
"Perez and Preston"
"What? Ugh, akala ko pa naman tayo ang partner. Tsk" natawa nalang ako sa comment ni Hannah. Iba kasi iyong partner niya.
Nong recess time ay lumapit na naman si Kyle sa'kin. Umupo siya sa unahan dahil nasa tabi ko si Hannah.
"Hi partner. So what's our plan?" He asked
"Ah, free ka ba mamayang uwian? Let's plan about that later para mataas ang time" Sabi ko naman.
"Oh sure. For you. Thank me later" sabay abot ng another Chocolate drink.
Natapos na ang buong class kaya nagayos na'ko ng gamit ko. Nauna ng umalis sa'kin si Hannah dahil may lakad daw sila ng parents niya. Natawa pako sa pinaalala niya sa'kin na parang Nanay ko.
"Mag iingat ka ha. And don't get so close with Preston, mahirap na. Bye Frenny"
Nakita ko si Kyle na naghihintay sa gate kaya sabay na kaming lumabas. The same spot kami, waiting shed. Dahil mukhang mamaya pa si Kuya Lito ay dito nalang muna kami mag paplano para sa activity namin.
"Marunong ka ba mag drawing?" Tanong ko sa kanya.
"Slight. Ikaw ba?"
"Slight lang din. Sige ganito nalang pagsamahin na'tin iyong slight nating talent sa arts. Tapos ay mag share din tayo ng ideas don the explanation, okay ba?" Nakangiti kong paliwanag.
"Okay, deal na deal. So saan naman na'tin gagawin? The materials?"
Nakauwi na'ko sa bahay and as expected wala pa sila. Wala din si Manang Lolita kaya umakyat nako sa kwarto ko. Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay biglang nag beep ang phone ko. Si Kyle nagchat.
Kyle Buddy
:Tomorrow ha, after class.
Iyon nga iyong naging plano namin na siya sa lahat ng materials tapos sa bahay namin gagawin. I prefer that idea coz for sure di ako papayagan ni Mommy umalis.
Ayezah Buddy
:Sure. See you, Buds
Nong dinner time ay kumakain kami ng sabay. Nag hahanap ako ng tyempo na sabihin sa kanila.
"My, Dy, ah, pwede po ba kami gumawa ng activity dito kasama ng friend ko?"
"Oh sure. Who's that friend of yours, Angel?" Dad asked.
"Si Kyle po. Kyle Preston" nakangiti kong sagot. "Oh, a Preston. Sige anak pero if ever na ma late kami ng uwi, Manang Loli will look for you, huh. Iba parin kasi babae at lalaki kayo" paalala ni Mommy.
"Yes, Mom"
Pagkatapos naming kumain ay umakyat nako pabalik sa kwarto ko at nilalaro si Yuri. I didn't forget to take my medicine. May alarm ako sa kwarto ko at sa phone for my medicine. I open my laptop first para mg research ng historical places na pwede naming gawin.
Maraming magagandang place pero mas nagandahan ako sa place ng Vigan. Kahit ngayon ay kita parin ang pagka Spanish Era ng lugar. I was dreaming to go to that place. I'm not fan of historical but I'm just amaze by it. Napaka classical kasi.
I open my bag at nakita ang Choco drink na binigay ni Kyle. Nilagay ko ito sa mini fridge ko dito sa kwarto. Madaming Choco drink ang nandito. Konti lang iyong ininom ko. Masarap naman siya pero gusto ko lang talaga ikeep to dito. Sana nga lang di mag expire.
Kumuha nalang ako ng isa para inumin iyon habang nag hahanap ako ng pwede naming e-drawing ni Kyle. Sa paghahanap ko ay dinalaw ako ng antok. I first pray and fell asleep.
I have a good morning in the other day. Kinuha ko na ang lunch box ko pati ang Milk bago nagpaalam na aalis na'ko. Nag ready din ako ng dalawang clubhouse sandwich for Hannah and Kyle. Maagang umalis si Mommy at Daddy kaya si Nana Loli ang nag ready ng breakfast ko.
Pumasok agad ako sa school. Pumasok nako sa room at nakita agad doon si Hannah. May cardboard sa tabi niya. Mukhang wala nga sya sa mood dahil di niya ako napansin.
"Hannah okay ka lang?" Nagaalala akong tanong.
"Huh? Ah, yeah yeah. Stress lang ako kasi naman kakainis iyong partner ko eh. Si LJ, kainis talaga" pagmamaktol niya. Natawa lang ako dahil ang cute niya.
Pumasok si Kyle at kumaway sa'kin kaya nag wave back nalang din ako. Nag start na ang class kaya nakinig lang kami. Pagkatapos ng class ay nilabas ko na iyong sandwich at binigay kay Hannah.
"Waah, thank you Frenny. So sweet mo naman" napayakap pa siya sa'kin. Ang cute niya talaga na medyo mataray.
Tumayo muna ako at nilagay ang sandwich sa arm chair ni Kyle. Wala kasi siya dahil nasa Canteen. Bumalik agad ako sa chair ko at kinain ang sandwich. Tumunog ang alarm clock ko kaya pinatay ko muna bago uminom ng gamit.
"Ang weird mo naman may alarm pa talaga ang pag inom ng vitamins mo"
Pumasok na ulit iyong mga classmates ko pati si Kyle at LJ na kaibigan niya. Nakita niya iyong sandwich sa arm chair niya. Lumapat ang tingin niya sa'kin kaya ngumiti ako. Lumapit naman siya.
"Galing ba sa'yo to?" Tumango ako. "Oh, thank you Ayezah. Para naman sa'yo para kwits tayo" sabay abot ulit ng Choco drink.
"Thanks, Kyle"
Nong matapos na ang buong class ay nagligpit nako ng gamit ko. Lumapit naman sa chair namin si LJ at sinabing aalis na daw sila ni Hannah. Nagpalaam nalang si Hannah sa'kin. Natawa nalang ako dahil nakabusangot ang mukha niya.
"Let's go..." Tumango ako kay Kyle at sabay kaming pumunta sa waiting shed.
Hinintay muna naming si Kuya Lito. Pumasok agad kami sa kotse nang tumigil ito sa harapan namin. Dala dala ni Kyle ang cardboard at isang maliit na attache case. Huminto ang sasakyan namin sa bahay namin.
"Pasok ka, Kyle. Mamaya pa makakauwi si Mommy at Daddy" sabi ko.
Pinaupo ko muna siya sa sofa namin at kumuha ako ng juice at cookies sa kusina. I greeted Nana Loli na naghuhugas ng plato.
"Kain ka muna. Wait lang ah magbibihis muna ako. Saglit lang talaga ako, promise"
"Haha you can go Ayezah. Okay lang ako dito" napa pout nalang ako dahil pinagtawanan niya ako.
Nagmadali nalang akong umakyat sa kwarto ko at nagmadaling nagbihis ng blouse at pajama. Pagkababa ko ay nakakandong na sa lap ni Kyle si Yuri. Relax na relax ang baby ko dahil hinihimas himas pa ni Kyle ang fur ni Yuri.
"Akin na baka naka storbo sa'yo si Yuri"
"Okay lang, ang cute nga eh. Yuri pala ang pangalan niya. Ang cute naman!"
In-open ko nalang ang laptop at pinaliwanag sa kanya ang e- drawing namin. Vigan City iyong e-dadrawing namin kaya mag sketch muna kami. Tahimik naman na nakikinig si Kyle habang nakakandong parin si Yuri. I just smile coz Yuri never been close to anyone lalo na pag di niya kilala. Pero si Kyle napaamo agad ang maldita kong baby.
Inabot niya sa'kin ang maliit na attache case na puro pala art materials. Ang ganda nga eh.
"So I will first sketch it para di tayo mahirapan. Don't judge my art skills ah, kasi di talaga ako masyadong magaling" saad ko.
"Okay lang no. Ikaw talaga!" aniya sabay g**o ng buhok ko.
Napa pout tuloy ako. Tinuloy ko nalang iyong ginagawa ko. Medyo nag sisi tuloy ako na Vigan iyong napili ko dahil medyo mahirap. Mga ilang hours din akong nag sketch este si Kyle pala. Siya ang nag sketch dahil kita niya na hirap na hirap daw ako. Ang galing nga niya eh dahil focus siya masyado.
Hinatidan kami ni Nana Loli ng cupcakes at fresh juice. Pinanood ko muna siya mag sketch.
"Okay na ba 'to? Ayusin mo nalang if meron kang nagustuhan!"
"Grabe! Iyan ba iyong sinasabi mong slight lang? Eh ang galing mo kaya. Tsaka wala na kaya akong dapat ayusin diyan, ang ganda at ang ayos na nga eh" nakangiti kong sinabi.
Inabutan ko siya ng cupcake at juice para makapag rest muna siya. Sa next Monday na'to ipapasa kaya meron pa kaming mahabang oras para tapusin 'to. Nag kulitan muna si Kyle at Yuri habang ako ay nag shading muna.
Narinig ko ang tunog ng kotse nila Mommy kaya tumayo muna ako at sinalubong sila sa Door. Niyakap ko agad silang dalawa at hinalikan sa cheeks.
"Mommy, Daddy andito po pala si Kyle classmate at friend ko" pakilala ko kay Kyle. Tumayo naman si Kyle at nag bigay ng respect sa magulang ko.
"Hi hijo, okay lang ba kayo diyan? Do you need anything?" Daddy asked.
"Okay lang po, Sir"
"Okay, wag ka munang umuwi. Sabayan mo muna kami sa Dinner and I can't accept a No answer" napakamot nalang sa ulo si Kyle at tumango.
Iyon nga hindi agad nakauwi si Kyle dahil ininvite siya nila Mommy for dinner. Inayos muna namin ang pinaggamitan namin bago pumunta sa dinning area. Naka ready na sa lamesa ang beef steak at fried chicken.
Waahhh ang sarap!
Parang gusto ko nalang dumalaw dito si Kyle lagi dahil ang sarap ng dinner namin. Himala nga walang veggies sa hapag. Ng excite tuloy akong kumain. Nakakatakam ang amoy ng food. Pinaupo na kami ni Mommy. Bumaba na din si Daddy kaya nag pray muna kami bago kumain. I lead the prayer.
"Heavenly Father, thank you for this wonderful day that you've given to us. Thank you for so much blessings that we have. We give you all back the glory and honor. In Jesus Name. Amen."
Nagsimula na kaming kumain. Medyo nahihiya pa nga si Kyle pero pinaghain siya ni Mommy. Si Daddy naman ay nag tatanong tungkol kay Kyle. Napangiti nalang ako dahil first time ko kasi magdala ng kaibigan dito. Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko and I know it's my Med time.
"Excuse me muna, My, Dy, Kyle." Umakyat agad ako sa kwarto para uminom ng gamot.
I don't want Kyle know about it. Di din naman importante to eh. After kong uminom ng gamot ay bumalik agad ako don. Tinanong pa'ko ni Kyle kong saan ako galing. Ang dahilan ko nalang ay nag C.R ako saglit.
"Thank you po sa dinner, Tita, Tito...."
Umalis naman si Mommy at Daddy kaya kami nalang dalawa ni Kyle ang naiwan dito.
"Thank you Kyle ah. First time ko kasing magdala ng kaibigan dito sa bahay kaya thank you talaga" nakangiti kong sabi. It's sincere.
"Uh, hehe ano ka ba okay lang iyon. Sige na pasok kana. Thanks for today, Ayezah" kumaway pako kay Kyle bago siya sumakay sa sasakyan nila.
Humilata agad ako sa kama at napangiti. "Ganoon pala iyong feeling na meron kang boy na friend. Di naman siguro totoo iyong sinasabi nila diba? Kyle is a good guy" pagkakausap ko sa sarili ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang sumikip. I let a heavy sigh and calm my breath. I pray before I sleep.
_____
Kinabukasan ay natatarantang pumasok sa kwarto ni Ayezah sina Arianne at Andrew. Parang dinudurog ang puso ni Arianne na makita ang mahihirapan at naiiyak na anak. Tumawag agad si Andrew ng Doctor.
Napahawak ng mahigpit si Ayezah sa bed sheet niya habang ang isa nitong kamay ay nasa dibdib nito na naninikip. Tumutulo na ang luha at pawis nito.
"Mommy I can't breath, My" naiiyak nitong saad.
Bigla namang pumsok si Doc Zulueta at chineck si Ayezah. Nilagyan nila ng plastic mask si Ayezah na naka connect sa oxygen tank para makahinga ito. Tinurukan nadin siya ng gamot. Mahigpit parin ang pagkakahawak ni Arianne sa kamay ng anak na ngayon ay bumalik na ang normal na paghinga nito.
Sa kabilang banda ay kinakausap ni Doc Zulueta si Andrew sa labas ng kwarto ni Ayezah. Ramdam ni Andrew ang kaba at takot dahil sa nangyari sa anak kanina.
"Andrew you know Ayezah's case. It's dangerous for her na pumapasok siya ng school" nagaalalang saad nito.
Napabuntong hininga si Andrew. "I know but this is her wish"
"I understand and at some point ay naawa talaga ako sa batang iyan. Pero paalala lang Andrew hindi normal ang sakit ni Ayezah. Just don't forget her maintenance."
Mabimbing na ang tulog ni Ayezah pero may plastic mask parin sa kanyang bibig. Napayakap nalang si Arianne sa asawa. Bilang ina masakit para sa kanya na nahihirapan ang anak. But they know that they don't have a choice. They want their daughter to be happy.
____
Nagising ako na may plastic mask sa bibig. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong problema na naman ang dinala ko sa magulang ko. Pumasok si Mommy na may dalang tray na may pagkain at gamot. Inalalayan niya akong bumangon.
"Okay ka na ba? Di na ba sumasakit ang dibdib mo? Please, anak don't make us worried again" di ko maiwasang masaktan sa tuwing ganyan si Mommy.
I just smile at her. "I'm now fine, My. Malakas kaya ako" dinadaan ko nalang sa ngiti upang wag na silang mag alala pa ng sobra.
Sinubuan ako ni Mommy ng pagkain tapos ay pinainom ng gamot. Aalis muna daw siya para tapusin iyong papers niya sa opisina. She kiss my forehead before she leave. I just let heavy sigh. I decided to check my phone and I receive many chats from Kyle and Hannah. I open Hannah first.
Hannah Guzman
:Hey, your absent may something bad happen ba?
:Reply ka naman. I'm getting worried.
:Ginugulo ako ng buds mo saan ka raw.
Ayezah D. Perez
:I'm fine. May lagnat lang ako.
Sunod ko namang binuksan ang chat ni Kyle.
Kyle Buddy
:Where are you? Ba't absent ka?
:Ayaw sumagot ni Hannah san ka pala?
:Are you sick? Ako nalang gagawa nong activity na'tin. Reply if you saw this.
Ayezah Buddy
:Okay na'ko. Thank you sa concern. Tutulungan kita bukas. Dito parin sa bahay pag be bake kita ng cookies pambawi:-D
Kahit papaano ay napangiti ako dahil meron akong kaibigan na nagaalala sa'kin. Hindi ko to naramdaman dati dahil si Ate Luna at Lily lang ang kaibigan ko na pinsan ko din. Kinuha ko iyong notebook ko at scratch out ang number 12.
Buti nalang walang klase bukas kaya makapagpahinga ako. And for sure sa nangyari ngayon it's impossible that they will allow me to go to school. Buong araw ay humiga, kumain, uminom ng gamot at makipag cuddle kay Yuri ang ginagawa ko.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising at nagayos. Tumunog ang phone ko at nakita ang chat ni Kyle na mga 10 am daw siya pupunta dito. Nasa work sila Mommy at Daddy pero nakapagpaalam naman na'ko na dadating dito si Kyle for our project. Si Nana Loli lang ang naabutan ko sa kusina.
"Morning Nana. Mag be-bake po ako ngayon" ani ko.
"Sigurado ka ba? Baka mapagod ka na naman, Aye" I understand that Nana is also worried about me.
"It's fine and besides did you know how to bake po ba?" Umiling nalang si Nana kaya no choice siya kundi hayaan ako na mag bake.
Bukod sa magbasa ng libro ay hobby ko rin ang mag bake. Bonding namin 'to ni Mommy if may free time kami. Nilabas ko na agad ang ingredients like flour, eggs, baking soda and etc. Good thing meron pa kaming stock for bakings.
I wear my apron and tie my hair. Nana just guide me behind. I whisk the flour na may egg at baking soda. Chocolate at Strawberry ang flavor ng cupcakes. Nilagay ko na sa mold ang liquid ingredients at nilagay sa oven.
I just wait a minutes before siya naluto. Now it's my favorite part of baking, it's frosting. Habang nag fo-frost ako ay biglang tumunog ang door bell kaya lumabas muna si Nana to open it. Bumukas ang pinto at pumasok si Kyle. He's wearing a pastel shirt and jeans.
Lumapit naman agad siya dito sa kusina at pinanood akong mag frost ng icing.
"Wow, ang galing naman. Excited tuloy akong tikman iyan"
Nagpatuloy lang ako sa pag fo-frost at konti nalang ay matatapos na.
"Charan! This is Ayezah's Cupcakes." Proud kong sabi. He just laugh at me.
Lumipat kami sa salas at nilagay doon ang binake ko na cupcakes. Si Kyle ay parang bata na excited daw kainin iyong binake ko. We sat in the couch. Nag door bell ulit kaya lumabas si Nana para buksan iyon.
"Frennyyyy! Surprise!" Biglang sigaw ng babae sa pinto.
I am shock to see Hannah here. She's holding a box of pizza. Napatingin pa siya kay Kyle at tumingin sa'kin na parang may ibig sabihin. She put the pizza and give me a hug.
"Miss you. I bought pizza. And hi, Kyle. It's good to see you here."
So ayun nga parang naging instant bonding ang araw na'to. My two friends just visit me. Nong tikiman na ng cupcakes ay si Kyle talaga ang unang kumuha. My smile get wide as I saw their reaction.
"Ang sarap. It's more delicious than expensive pastries I tasted" Kyle
"It's really yummy nga. Kuha pa'ko ah" Hannah.
Nakakatuwa na na-appreciate nila ang gawa ko. Pinagsaluhan narin namin iyong pizza na dala ni Hannah. I'm happy to know that I have someone whom I can call Friends.