Pagbalik ko ng ospital napansin ko na nagkakagulo ang ilang nurse at doktor sa loob ng ICU. Kaagad akong napatakbo nang mapansin ko kung saang silid nagtungo. Pagpasok ko sa loob ay namilog at nanlaki ang aking mga mata habang nangingisay ang babaeng nakahiga sa kama. Hindi magkandatuto ang mga nurse dahil sa pagmamadaling malapatan ng lunas ang nangyayaring iyon hanggang sa tumunog ang aparatong nagdurugtong sa buhay nito. Isang mahabang flat line ang siyang patuloy na rumerehistro sa monitor nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinapanuod na nag-aagaw buhay ang babaeng dahilan kung bakit ako nabubuhay. "Hannah..." Unti-unting naglandas ang mga luha sa aking pisngi habang humihingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng guilt dahil pakiramdam ko sa san

