Nagpasya akong lumabas ng ospital para maghanap ng makakainan lalo na at nakakaramdam na naman ako ng gutom Kunsabagay, sa tagal na hindi napasukan ng nutients ang katawan ko malamang ay gugutumin talaga ako maya-maya, luckily lang buhay pa ako sa 5 months na tulog lang ang diwa ko at naglalakbay sa loob ng RTS. Para lang din pala akong si Hannah, natutulog nang mahimbing nang walang gisingan. Iyon nga lang, every maintenance ay nagkakaroon kami ng pagkakataon na lumabas ng game habang sa pagbalik naman namin ay hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa amin. Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng isang restaurant. Hindi naman ito mamahaling restaurant kaya naman pumasok na ako upang punan ang gutom sa tiyan ko. Kaagad akong umorder ng rice at steak na nakagawian kong kainin kapag mag

