“Mama, nandito na po ako.” “Jane…” Masaya ang kaniyang ina nang mabungaran niya sa pintuan ng silid nito sa ICU ang kaniyang nag-iisang anak. Ganoon na lang din ang pagka-miss na naramdaman niya nang makita ang kaniyang ina kung kaya mabilis siyang lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit. “Na-miss ko po kayo, Ma.” “Saan ka ba nagsususuot, anak? Alam mo bang nag-aalala ako dahil ilang buwan ka ring hindi dumalaw rito sa ospital? Akala ko kung napaano ka na,” sabi ng kaniyang ina. Lihim siyang natuwa dahil kahit paano ay maaliwalas ang mukha nito kumpara noong huli niya itong nakita. Napaisip naman siya, dapat niya pa bang ituloy ang paglalaro gayong tingin niya naman ay bumubuti na ang lagay ng kaniyang ina? “May inaasikaso lang po akong importante. Alam n’yo na. Dumidiskart

