Chapter 39

1825 Words
“Hatake!”   “Hatake!”   “Hatake!”   Halos nalibot ko na ang buong guild ngunit wala siya. Maaga ba siyang umalis? Kakamut-kamot ako ng ulo ko habang nag-iisip ng susunod na gagawin. Plano ko pa naman sana hingin ang tulong niya tungkol sa pagpapa-register sa upcoming tournament.   Sakto naman pasok ni Marcus kaya nagkaroon ako ng mapagtatanungan.   “Marcus, tamang-tama ang dating mo.”   “Bakit anong meron?” Mukhang na-curious din ito.   “Si Hatake, nakita mo ba siya?” tanong ko.   “Abala si boss ngayon.”   Ngayon naman ako ang na-curious. “Anong meron?”   “Mamayang gabi ang simula ng Guild Battle.”   “Guild Battle?”   “Oo at lahat ay inaasahang dumalo. Medyo mahigpit pa naman si boss tungkol sa guild activities. Gusto niya kasing ma-maintain ang pagiging top 1 natin sa rankings.” Ngayon ko lang nalaman na nangunguna pala ang Aces Guild sa Guild Rankings. Sinong mag-aakalang mapapadpad ako sag anito kalakas na guild? “Kaya ‘wag kang mawawala mamaya ha?”   Saglit ko lang itong nakausap at umalis na rin kaagad. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya. Wala pa naman akong ideya sa kung ano ang kinakailangan naming gawin sa guild battle. Nagpasya na lang akong gawin ang story quest ng Atlantis habang nag-uubos ng oras. Ngunit kahit anong gawin ko ay pabalik-balik lang sa isip ko ang tungkol sa guild battle. Ano ba talaga ang mayroon sa guild battle?   “Tama! Si Jin ang tatanungin ko.”   Kaagad akong nagpasyang magpunta sa bahay ni Jin. Ngunit minabuti kong dumaan na muna sa isang bakery para kahit paano ay may nginangata kami habang nagkukwentuhan.   Matapos mamili ay kaagaad na akong dumiretso sa bahay ni Jin at sakto naman ang dating ko roon dahil nandoon si Jin. Ngunit masaya siya. Masaya silang lahat habang nagkukwentuhan kasama si Ryzen. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Pakiramdam ko ay hindi masaya na sila kahit wala ako. Pakiramdam ko ay hindi na ako kasali sa grupo. Ganito pala ang pakiramdam ng nag-iisa. Bumagsak ang mga balikat ko habang pinagmamasdan silang masayang nagsasalu-salo sa pagkaing dala ni Ryzen.   Hindi sinasadyang napalingon si Noob sa gawi ko at kaagad rumehistro ang tuwa sa itsura nito.   “Master Grant!”   Dahil doon ay sabay-sabay silang napalingon sa kinatatayuan ko. Kaagad na tumayo si Noob at hinila ako papasok sa loob upang maupo sila at saluhan.   “Sakto ang dating mo, Grant. Pinag-uusapan kasi namin nila Jane na magpahinga muna pansamantala sa laro at i-enjoy ang pagkakataon na magpalamig sa karagatan ng Atlantis. May isang natatagong isla kasi na lumilitaw lang sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan. Sakto ang kabilugan ng buwan sa susunod na araw.”   Sa haba ng sinabi nito ay parang lutang lang ako at walang naiintindihan. Iba ang nararamdaman ko. Nagtatampo ako to the point na nagpaplano sila nang wala ako. Balak ba talaga nila akong isama? O sadyang dumating lang ako nang mali sa timing kaya wala na silang nagawa kung hindi yayain na lang din ako? Siguro nga napalitan n ani Ryzen ang posisyon ko sa grupo.   “Grant?”   “Uy, Grant?”   Nang marinig ko ang pagtawag ni Jin sa pangalan ko ay doon lang tila bumalik ang ulirat ko.   “Okay ka lang?”   Ngumiti ako nang pilit bago siya sinagot. “O-oo naman.”   “Kanina pa kami nagsasalita rito lutang na lutang ka riyan. Ano na naman bang iniisip mo?” tanong nito.   “W-wala.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tila nagulat naman silang lahat lalo na nang magpaalam na ako kaagad sa kanila. “May nakalimutan pala akong gawin. Mauna na ‘ko.”   Nilingon ko si Jane at nakita ko ang nag-aalalang mga mata nito sa akin. Gustuhin ko man siyang batiin ay hindi ko na nagawa pa. Ano pang silbi kung kakausapin ko siya? Pero masaya ako dahil kahit paano ay dumalaw siya kina Jin.   Nang makalabas ay doon lang ako bumuntong-hininga. Pakiramdam ko kasi ay nanikip ang dibdib ko sa loob at nahirapan akong huminga. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakalimutan ka na ng mga taong tinuring mon ang pamilya.   “Master Grant!” Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Noob sa likuran ko. Tiningnan ko siya nang malapitan at masasabi kong ang laki na ng ipinagbago niya. May decent equips na siya at masasabi kong lumalakas na rin siya dahil sa mataas na HP at attack power niya.   “Ikaw pala, Noob.”   “Na-miss kita, Master Grant. Ang tagal nating hindi nagkita.” Ngumiti ito dahilan para magulo ko ang buhok nito. Nakikita ko talaga ang sarili ko sa kaniya. “Umalis ka na lang kasi bigla noong huling dumalaw ka rito. Nagtatampo tuloy ako.”   Natawa naman ako. Buong akala ko ay nakalimutan niya na rin ako pero mali pala ako. Masyado lang siguro akong nag-iisip ng kung anu-ano. Dala na rin siguro ng stress at pagod sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa larong ito. Isang buwan na rin ang lumipas mula nang huling maintenance at magdadalawang buwan na mula nang huling beses na makaapak kami sa totoong mundo.   “Kumusta ka, Noob?”   “Hindi mo man lang ba ako pakakainin, Master Grant. Matagal tayong hindi nagkita. Anong balak mo? Makipagkwentuhan sa akin dito sa labas ng bahay ni Jin habang nakatayo?” sabi nito. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa pagiging direkta nitong magsalita.   “Oo na, oo na. Tara na.”   Nagpunta kami sa pinakamalapit na bar upang doon pansamantalang magkwentuhan.   “Parang wala ka sa sarili kanina, Master Grant,” puna nito.   “Ah, marami lang akong iniisip,” sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na lang basta-basta ang mga naiisip ko lalo pa at baka pagtawanan lang ako ng isang ito.   “Gaya ng?”   Bakit ba ang kulit niya? Kailangan ba talaga usisain niya pa iyon?   “Wala ‘yon. ‘Wag mo na lang isipin.” Ngumiti ako at bumuntong-hininga pagkatapos.   “Iniisip mo bang kinalimutan ka na namin?”   Sinong mag-aakalang maiisip niya ‘yon? Sinong mag-aakalang mararamdaman niya ang nararamdaman ko ngayon?   Napangiti ako sa kaniya at tinakpan ang aking mga mata gamit ang aking kanang kamay upang itago ang mga luhang pinipilit kong ikubli sa kaniya.   “Hinding-hindi ‘yon mangyayari dahil ikaw pa rin ang nag-iisang master ko na kumupkop sa akin nang mawala si Master Pius. Hanggang kamatayan ko, mananatili ako sa tabi mo, Master Grant,” sabi nito. Hindi ko alam pero masasabi kong kahit paano ang lumuwag ang dinadala ko sa dibdib ko. Marami na rin kasing nangyari. Ang paglayo ni Jane, ang katotohanang hindi na ako nalalayo kay Ryzen, ang patuloy kong pag-iisip sa kalagayan ni Hannah, hindi malabong pakiramdam ko ay tinalikuran na ako ng mundo.   “Salamat, Noob.” Pinunasan ko ang mga luha ko at itinaas ang basong may lamang alak. “Saluhan mo ‘ko, Noob. Magpakasaya tayo.”   Tumango si Noob at nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito sa kaniyang mukha. Ang ngiting wala nang inaalala kung hindi ang magsaya kasama ako.   +++   “Master Grant, bakit dalawa ka na?”   Mukhang lasing na ‘tong kasama ko. Mabuti na lang at nakikilala niya pa ako.   “Mabuti pa ay iuuwi na kita sa bahay.” Tumayo na ako at nagbayad sa bartender na naroon. Inakay ko na siya at lumabas sa bar. Nang makarating sa bahay ni Jin ay wala na roon sina Jane at Ryzen. Pabagsak kong inihiga si Noob sa kama. Bumubulong-bulong pa ito kaya hindi ko naiwasang mapangiti. “Ikaw na muna ulit ang bahala sa kaniya, Jin. Dadalaw na lang ulit ako after ng guild battle namin.”   “Teka, Grant. Alam mo na ba ang gagawin mo sa guild battle?” tanong ni Jin. Doon ko lang din naalala na iyon pala ang talagang sinadya ko roon. Halos nawala na sa isip ko dahil sa pagmamaktol ko. Muntik ko nang makalimutan mabuti na lang talaga at tinanong niya.   “Sa isang guild battle, dalawang guild ang kinakailangang maglaban. Ang maglalaban ay base sa score ng mga nagdaang guild battle. Dahil nasa top ang rankings ninyo, malamang sa malamang ang guild nila Ryzen ang makalaban n’yo.” Natigilan ako. Guild nila Ryzen? Ibig bang sabihin ay makakalaban ko rin si Jane? “Sa madaling salita ay maaaring makaharap mo si Jane sa labanang ‘yon.” Naupo ito sa upuang naroon at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “Ang goal ng guild ninyo ay makakuha ng tatlong puntos. Kung sino ang unang guild ang makakakuha ng tatlong puntos ang siyang tatanghaling nagwagi. Para mangyari iyon kinakailangan ninyong agawin ang flag ng kalaban at madala sa base ninyo nang hindi namamatay ang flag holder.”   “Ibig bang sabihin ay kinakailangan naming protektahan ang flag holder?” tanong ko.   “Ganoon na nga.” Hinawakan nito ang baba at sandalling nag-isip. “Ang kagandahan lang sa guild battle ay may exemption ito tungkol sa kamatayan ng bawat manlalaro.”   Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Exemption sa kamatayan ng bawat manlalaro?   “Maaaring mamatay ang isang manlalaro ng ilang ulit hanggang sa matapos ang oras ng guild battle. Ang isang guild battle ay tumatagal ng isang oras. Kadalasang ginaganap ito sa Gaia. Ibig sabihin, sa oras ng guild battle, para kang isang imortal. Unlimited ang buhay mo. Maaari kang mamamatay ng paulit-ulit at maaari kang pumatay nang wala kang inaaalalang buhay na masasayang. Ang kailangan mo lang gawin ay protektahan ang flag holder o hindi naman kaya ay dalhin ang flag sa base ninyo, ‘yon e kung ikaw ang magiging flag holder.”   Doon ko naintindihan nang mas malinaw. Ibig sabihin ay hindi ko kinakailangang mag-alala para sa kaligtasan ni Jane dahil mananatili itong ligtas sa oras ng guild battle.   “Teka, paano naman namin makukuha ang flag ng kalaban?”   “Iyan ang pinaka-exciting diyan. Ibig sabihin niyan, kailangan mong suungin ang mga players sa kabilang guild para makuha ang flag nila. Para kang naglalaro ng agawang base. Kailangan mong pasukin ang pinaka-base ng kalaban para lang makuha ang ninanais mong puntos.” Ganoon pala ‘yon. Kung ako ang magiging flag holder, kinakailangan ko lang na makuha ang flag sa kalaban. “Ngunit paalala lang, Grant. Kung mananalo kayo sa guild battle, ibig sabihin lang no’n ay makakapasok kayo sa Guild Rumble.”   “Guild Rumble?” Isa ba ‘tong guild battle tournament? Kagaya kaya ito ng isang guild battle? Napaisip ako dahil kung ganoon ay tiyak na exciting din ito.   “Isang klase ng guild battle kung saan tatlong guild ang makakalaban mo. Sa pagkakataong ito, ang lahat ng mamamatay ay hindi na muling makababalik pa ng buhay.” Tila binuhusan ako nang malamig na tubig. Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Kailangan ba talaga ay palaging may buhay na kailangang isakripisyo para lang matupad ang minimithing tagumpay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD