Chapter 38

1577 Words
“G-Grant?”   Nang makita ako nito ay biglang nagbago ang mood nito. Kagaya ng lagi nitong ginagawa ay tumalikod ito at nagsimulang ihakbang ang mga paa upang lisanin ang lugar.   “Sandali, Jane!” Hinawakan ko ang kamay niya dahil hindi maaaring hayaan ko na lang siyang patuloy akong iwasan kagaya ng lagi niyang ginagawa.   “Bitiwan mo ko!” Mabilis niyang ipiniglas ang kaniyang kamay ngunit hindi ko binitawan iyon.   “Jane, please. We need to talk.” Pilit ko siyang pinipigilan. Ayokong matapos ang gabing iyon na hindi ko naiintindihan kung ano ang iniisip niya at kung ano ang nararamdaman niya. Kailangan kong maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pag-iwas niya sa akin.   “Hindi pa ba malinaw sa ‘yo na ayaw na kitang makausap. Kaya nakakainis lang dahil bakit ganoon, kahit saan ako magpunta, lagi ka na lang naroon?” sabi niya.   “Ganoon ba kalaki ang galit mo sa ‘kin?” Kailangan ko ng kasagutan. Hindi ako matatahimik kung patuloy lang akong magtatanong sa sarili ko.   “Sabihin mo nga, Grant. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Nangako ka sa ‘kin, hindi mo tinupad ‘yon. Given na ‘yon dahil lahat naman ng pangako napapako. Alam ko rin na hindi mo ‘ko gusto dahil may Hannah na naghihintay sa ‘yo pero kailangan ba talaga ipamukha mo pa ‘yon sa akin ng paulit-ulit?”   “Jane, hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko okay. Isa pa, ano bang ikinagagalit mo? Ni minsan naman ay hindi kita pinaasa. Kaya nga ipinagtapat ko sa ‘yo ang totoo tungkol kay Hannah pero bakit kung umasta ka ngayon ay parang kailangan kong suklian ang nararamdaman mo para sa ‘kin? Nang makita ko kung gaano ka kalapit kay Ryzen, may narinig ka ba sa akin? Hindi ba wala? Kaya ipaliwanag mo sa akin nang maintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan.”   “Iyon nga ang problema, Grant. Gusto kita. Gustung-gusto kita pero alam kong kahit na kailan hindi mo ako magugustuhan. Iyon ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalayo sa ‘yo. Iyon din ang dahilan kung bakit naiinis ako. Dahil kahit anong pilit ko na kalimutan ka, bakit hindi ko magawa?”   Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko. Ganoon ba ako katanga at hindi ko nagawang mabasa ang nilalaman ng isip niya? Ganoon baa ko kamanhid at hindi ko nagawang maramdaman ang nararamdaman niya. Ang pagiging malamig niya sa akin nang mga panahong iyon ay dahil pala sa damdaming pilit kinakalimutan pero eto ako at nagpupumilit pa ring isiksik ang sarili ko na ayusin ang lahat sa pagitan naming dalawa kahit alam ko na namang hindi na maaayos kahit na kailan. Pero bakit nga ba gusto kong maayos ang lahat? Dahil ba sa nanghihinayang ako sa samahang binuo namin nang magkasama? O dahil unti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya? Hindi ko alam ang sagot. Buo ang loob kong hindi ko magagawang lokohin si Hannah pero nang mga oras na ‘to bakit parang gusto ko na lang ikulong siya sa mga braso ko? Kaya naman hinayaan ko na lang na kusang gumalaw ang katawan ko. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap siya nang mahigpit kasabay ng paglitaw ng maliwanag na buwan sa kalangitan.   “I’m sorry, Jane. Please…”   Unti-unti kong naramdaman ang dahan-dahang pagtulak ng kamay niya sa akin. Ibig bang sabihin ay talagang buo na ang desisyon niyang manatili kay Ryzen?   “Nangako ako kay Ryzen. Hindi ko siya magagawang biguin. Mananatili akong personal shaman niya hanggang sa makalabas kaming dalawa sa mundong ito.”   Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasagasaan ang pride ko. Pinilit kong magpakumbaba sa kaniya pero sa huli ay ganito lang din pala ang magiging resulta ng lahat.   “Kung diyan ka masaya. Sige. Sumama ka sa kriminal na ‘yon.”   “A-anong sinasabi mo?” Mukhang wala pa rin siyang alam magpahanggang ngayon.   “Bakit? Hindi mo pa rin ba kilala ang lalakeng kasa-kasama mo sa iisang bahay at sa iisang guild?” sabi ko.   “Ano bang pinagsasabi mo? At bakit nadamay si Ryzen dito?”   “Bakit hindi mo pa rin ba alam na si Ryzen ang pumatay kay Unknown para lang makuha ang isang mataas na posisyon sa Legendary Ranking?”   Nanlalaki ang mga mata niya at gulat na gulat. Ngayong alam niya na, babalik pa rin kaya siya kay Ryzen?   “Hindi mo alam na isang mamamatay tao ang taong kasa-kasama mo sa araw-araw? Dahil patuloy niyang pinagtatakpan ang kasalanan niya sa paulit-ulit na pagliligtas sa ‘yo.”   Nakayuko lang ito. Walang imik. Marahil ay napagtanto niya nang mali siya ng desisyon.   “Kahit pa anong gawin mo sa pananatili sa tabi ni Ryzen, darating ang panahon na maghihiwalay rin kayo dahil isinumpa ko sa sarili ko na magbabayad siya nang malaki sa pagpaslang kay Unknown. Ang mga kamay kong ito ang siyang maniningil sa buhay niya.”   Ngunit hindi ko akalain na mas matitigilan ako sa sasabihin niya.   “Kapag ginawa mo ‘yon ay wala ka na ring ipinagkaiba sa kaniya.”   Tama siya. Ganoon na ba ako kasama? Nang dahil sa galit at patuloy kong paghingi ng hustisya sa pagkamatay ni Unknown ay hindi ko namamalayan na nagiging isang halimaw na pala ako. Unti-unting nilalamon ng galit ang puso ko dahilan kaya pilit kong inaabot ang tuktok. Dahil sa galit ko kay Ryzen ay halos nakalimutan ko na rin ang totoong dahilan kung bakit ako naglalaro.   “Kung makikilala mo lang siya, maiintindihan mo kung bakit ako nananatili sa kaniyang tabi.” Sa huli ay wala pa rin akong nagawa para pigilan siya sa desisyon niya. Tuluyan siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin.   Tama siya. Naliligaw na ako ng landas na tinatahak ko dahil sa galit na lumalamon sa akin. Nandito ako para kay Hannah. Para mabuhay siya. Hindi ako lalakas kagaya ng nais ko kung patuloy lang akong magpapatalo sa galit at inggit. Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa kung anong makakabuti para sa character ko at kung paano makakamit ang ninanais kong Top 1 Rank.   +++   “Ryzen, sabihin mo sa akin ang totoo!”   Nahampas ni Jane ang lamesa habang nakatingin naman nang diretso si Ryzen sa kaniya.   “Totoo. Ako nga ang pumatay kay Unknown.”   Halos maniyak-ngiyak si Jane dahil sa narinig. Hindi kasi sumagi sa isip niya na darating sa puntong papatay ito ng kapwa nito player para lang maging mas malakas sa lahat.   “Kaya pala. Kaya pala marami ang galit sa ‘yo. Kaya pala ang daming may ayaw sa ‘yo dahil sa klase ng pag-uugaling meron ka. Napakasama mo! Paano mo nagawang pumatay ng isang player? Isang bata pa.” Nakagat ni Jane ang pang-ibabang labi niya dahil sa inis. Kaagad siyang lumapit kay Ryzen at pinagsusuntok ito sa dibdib ngunit hinayaan lang ito ni Ryzen hanggang sa mapagod siya at tuluyang mapaupo sa sahig.   “Higit kanino man, Jane, ikaw ang siyang nakakakilala sa akin. Hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi sumagi sa isip ko na aabot kami sa ganoon. Kung alam mo lang kung gaano ako binabagabag ng konsensya ko araw-araw hanggang sa pagtulog ko dahil sa nagawa kong iyon. Pero alam ng Diyos na hindi ko ‘yon sinasadya.” Nanginginig ang mga kamay nito at kitang-kita ni Jane iyon. Alam niyang tama ito. Higit kanino man ay siya ang mas nakakakilala kay Ryzen. Alam niyang hinding-hindi nito nanaising pumatay ng isang inosenteng bata.   “Huwag n’yo kong… MALIITIN!” Isang mabilis na pag-atake ang pinakawalan ni Ryzen. Unti-unting bumabagsak si Unknown ngunit sa kasamaang palad ay hindi iyon ang nais ni Ryzen na mangyari. Kaagad niyang sinalo ang katawan ni Unknown. “Hindi… Hindi…”   “Ry-Ryzen…”   “Hindi, Unknown. Huwag kang bibitiw. Hindi ka maaaring mamatay. Wala ‘to sa usapan.”   “S-sorry kung gagamitin muna kita ngayon ha?”   “A-ano bang sinasabi mo.”   “Mawawala na rin… naman ako. Maaari bang… magpanggap ka na ito ang pinlano mo sa umpisa pa lang.” Ngumiti ito na siyang nagpaigting sa konsensya ni Ryzen. Hindi niya matanggap na sa ganoon mauuwi ang lahat. “Isipin mo na lang na ito na ang huling assignment ko sa ‘yo.”   “Unknown, alam mong hindi ako papayag sa gusto mo! Mawawalan ako ng magaling na master kapag nawala ka.”   “Para na rin ito kay Grant… H-hayaan mong hubugin siya ng galit. S-sa ganoong paraan… ay mas magiging malakas siya.”   “Para ka talagang hindi bata kung magsalita.”   “Pakiusap,” sabi nito kasabay ng mga ngiting alam niyang hindi niya magagawang tanggihan.   Sa huli ay wala na siyang nagawa kung hindi tumango na lang. Kung tutuusin ay planado ang labang iyon. Planado nilang dalawa ang mangyayari. Ngunit hindi sinabi ni Unknown sa kaniya ang plano nitong huhubarin nito ang lahat ng defensive gears nito sa pag-atakeng iyon ni Ryzen. Masasabi niyang nilinlang lang din siya ni Unknown ngunit wala na siyang magagawa. Gaya ng sabi ni Unknown, iyon na ang huling assignment nito sa kaniya bilang isang estudyante. Nang tuluyang bumagsak ang HP ni Unknown sa 0 ay ang tuluyan ring pamamaalam ng dahilan niya para magpatuloy sa larong sinimulan niyang mahalin.   Ryzen’s Mentor Unknown HP: 0
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD