Chapter 34

1047 Words
Sinong mag-aakalang sa iisang guild lang pala nagmula sina Unknown at Hatake? Ngayong nagpasya akong sumali sa guild ng Aces ay mas madalas na kaming magkikita at magkakasamang dalawa ni Hatake lalo na sa mga guild quest. "H-Hatake?" Gaya ng inaasahan. Maging si Jin ay nasorpresa rin sa muli nilang pagkikita. "Bakit magkasama kayong dalawa?" "Tinanggap na kasi ni Grant ang offer naming sumali sa guild namin," sabi ni Hatake habang kumikinang pa ang mga mata. Nakaguhit sa kaniyang mga labi ang matamis na ngiti na animo'y walang nangyari noong huli namin siyang nakita. "Grant, akala ko pa naman makakasama ka namin ni Jane sa guild," sabi ni Jin. Nakangiti man siya ngunit base sa itsura niya alam ko na kaagad na nalulungkot siya. "Pasensya na. May dahilan din kasi kaya ang Aces ang napili kong guild," tugon ko sa kaniya. "Tayo pa rin naman ang magkakasama sa mga runs kaya wala kayong dapat na ipag-alala." "Sabi mo 'yan ha?" "Oo naman." +++ Mabuti na lang at wala si Jane sa bahay ni Jin nang magpunta ako roon. Tiyak na world war na naman kung sakaling nagtagpo si Jane at ang isang 'to. Hindi ko naiwasang pagmasdan si Hatake habang masayang nakayakap sa braso ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bakanteng bench sa bakuran ng guild. Halos hindi siya bumibitaw sa pagkakakapit sa akin mula nang magpunta kami kina Jin. Sa totoo lang ay hindi ko mabasa ang personalidad na mayroon siya. Ang pagiging masayahin niyang babae, at maamo niyang mukha, sinong mag-aakalang may nakakubli palang isang demonyong handang pumatay para lang makuha ang ninanais na atensyon mula sa lalakeng nagugustuhan niya. "Grant? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya. Nahuli niya pala akong nakatingin sa kaniya. Para sa akin ay isa siyang babaeng puno ng hiwaga. Parang kagaya ng isang Cubuzoa, kaakit-akit pagmasdan ngunit may makaamandag na lason na nagtatago sa bawat galamay nito. Bigla ko namang naalala ang dahilan kung bakit siya naglaro - si Ryzen. Ang lalakeng malaki ang pagkakautang sa akin. "Hatake, ano ba ang nagustuhan mo kay Ryzen?" "Siya ang nagligtas ng buhay ko sa totoong mundo." Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko maintindihan kung paano nito nagagawang magligtas ng tao at nagagawa ring pumatay ng isang bata at the same time? "I was on the rooftop of our school building that time. Trying to had a suicide. Ewan ko, trip na trip ako ng mga bully sa school. Siguro kasi I am so weak kasi from the very start. But then, he came. Saktung-sakto ang pagdating niya sa paglundag ko noon. Nagulat pa ako nang maramdaman ang kamay na biglang humawak sa braso ko. Nagalit pa ako sa kaniya for doing that pero sa huli ay wala na rin akong nagawa nang katakut-takot na sermon ang isinalubong niya sa akin." Kita ko kung gaano kasaya si Hatake habang ikinukwento ang pagtatagpo nilang iyon ni Ryzen. "Mula nang araw na 'yon, hindi na siya lumayo sa paningin ko. Kahit saan ako magpunta ay naroon siya at patuloy na pinoprotektahan ako. Dahil doon, natuto akong magsumikap para sa sarili kong kapakanan. Siya ang tiningnan kong inspirasyon para mabuhay. Siya ang tinitingala ko upang maging malakas." "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko." "Alam kong ayaw mo kay Ryzen dahil sa ginawa niya kay Unknown." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay alam niya ngunit nagbulag-bulagan siya at patuloy pa ring humahanga sa isang mamamatay tao? "Alam mo pala." Yumuko ako at hindi ko napigilang makaramdam ulit ng inis. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit na hindi na nawala-wala sa dibdib ko. Tumango siya. "Pero kilala ko si Ryzen, tiyak kong hindi niya rin sinasadya ang nangayri. Marahil hindi niya rin akalain na aabot ang lahat sa ganoon. Siguro--" "Pwede ba, Hatake, huwag mo na siyang pagtakpan. Kahit pa anong sabihin mo, hindi niya na maibabalik ang buhay ni Unknown. You're still free to like him all you want. Pero hinding-hindi mo na maiaalis sa akin ang galit na siya mismo ang may gawa. Kahit na kailan." Tumayo ako pagkasabi noon. Sinubukan niya pang hawakan ang damit ko ngunit kaagad ko rin nabawi iyon nang magpatuloy ako sa paglalakad. Naiinis ako. Kinakailangan ba talagang depensahan niya pa ang kriminal na 'yon. Nagpasya akong lumabas na muna ng guild area upang maglakad-lakad sa plaza. Makailang ulit akong bumuntong-hininga upang pakalmahin ang aking sarili. Diretso lang akong nakatingin sa kawalan habang patuloy sa paglalakad. Parang wala akong nakikita o naririnig sa paligid ko dahil sa paulit-ulit na alaalang hindi ko maiwasang balik-balikan. "S-sorry," sabi ko nang may makabangga ako. Nang lingunin ko ito ay mga mata ni Jane ang sumalubong sa akin. "J-Jane..." "Ikaw pala." Iyon lang ang sinabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang oras na 'yon. Ang mga mata niyang walang kaemo-emosyong tumingin sa akin. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa nakasanayan ko. Habang pinagmamasdan ko siyang maglakad palayo ay hindi ko maiwasang malungkot. Bakit ganoon na lang ang naging impact ng pag-snob niya sa akin? "Grant..." Napalingon ako sa tabi ko. Si Ryzen ang naroon. "Ryzen..." "Nagkita tayong muli." Umangat ang kaliwang bahagi ng labi nito na animo'y nang-iinis. "Kung tutuusin ay ayaw na nga kitang makita pero bakit ba pakalat-kalat ka sa mga lugar kung nasaan ako?" sabi ko. Pakiramdam ko ay lagi na lang nasisira ang araw ko sa tuwing magkikita kaming dalawa. "Wala naman sigurong nagbabawal na tumuntong ako sa lugar kung nasaan ka?" Ngumiti ito nang nakakaloko at saka pinagkrus ang kaniyang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. "Isa pa, hindi naman ikaw ang sadya ko rito. Sinisigurado ko lang na magiging ligtas palagi si Jane sa lahat ng pagkakataong hindi mo siya kayang protektahan." Para akong sinaksak ng matalim na bagay sa aking dibdib dahil sa sinabi niyang iyon. Kung tutuusin ay tama siya. Simula't simula pa lang ay hindi ko na siya magawang protektahan kahit pa nangako ako noon na kahit anong mangyari ay mananatili ako sa tabi niya ngunit paulit-ulit ko lang naman siyang binibigo. Ngayon naiintindihan ko na kung para saan ang panlalamig ng tingin niya sa akin. Walang ibang kailangang sisihin kung hindi ang sarili ko. "Ryzen." At nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses, tila hindi ako nag-e-exist sa kaniyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD