Chapter 33

1477 Words
Kinabukasan…   “Master Grant, Jin!” Patakbong lumapit sa amin si Noob habang hawak ang certificate na magpapatunay na is ana siyang ganap na Cavalier. “Isa na akong Cavalier.”   “Aba ayos. Congrats sa ‘yo, Noob,” pagbati ko sa kaniya.   “Congrats, Noob. Pwede na tayo mag-celebrate.” Inakbayan naman siya ni Jin at masasabi kong masayang-masaya sila.   “Balikan natin ang endless dungeon,” sabi ni Noob.   Kaagad kaming umatras ni Jin sa kaniya at mabilis na umiling.   “Eh? Ayaw n’yo na?”   Sino ba namang nanaising bumalik sa mala-impyernong lugar na iyon. Sapat na siguro sa ngayon na nakarating kami hanggang 50 floors. Marami-rami na rin kaming nakuhang gamit na magagamit namin para mas magpalakas.   “Tara sa Septentrionalis. Kay Val,” yaya ko sa kanila.   “Magbebenta ka?” tanong naman ni Jin.   “Oo. May nakuha kasi akong Legendary Weapon na drop ng Inferno.” Pinakita ko ito sa kanila at ganoon na lang ang kanilang pagkamangha.   “Wow! Ang swerte naman. Alam mo bang ang tagal ko nang nag-iipon para makabili ng Legendary Weapon para sa akin, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang ipon ko para makabili ng isa,” sabi ni Jin.   “Magkano na ba ang ipon mo?” Hindi ko naiwasang maitanong sa kaniya. Curious din ako kung magkano na ba ang naiipon niya sa bawat quest niya at pakikipaglaban namin. Mula kasi nang pumasok ako sa larong ito, hindi pa napapalitan ang weapon na gamit niya.   “Isang bilyong moneta pa lang,” sagot nito.   Napanganga naman kami pagkarinig no’n.   “Isang bilyon?” Si Noob.   “Lang?” Ako.   “O bakit? Maliit pa nga iyon kumpara sa plano kong bilhing Legendary Weapon,” sabi niya habang tila hindi maintindihan ng ipinagmamaktol naming dalawa ni Noob.   Sinilip ko ang laman ng bag ko at nanlambot ako sa nakita ko. Wala pa kasi sa kalahati ng ipon niya ang monetang meron ako.   Tila humiwalay naman ang kaluluwa ni Noob sa kaniya habang paulit-ulit binibigkas ang isang bilyong moneta.   Kakamut-kamot pa si Jin ng ulo nang muling magsalita. “Nasa limang bilyon kasi ‘yong Apollo’s Bow.”   Lalong bumagsak ang panga namin. Ngayon lang namin nalaman na maaaring tumaas ng ganoon ang presyo ng bentahan ng isang Legendary Weapon.   “Ang mahal no? Pero fully furnished na ‘yon. Full enhanced, full refine at max attributes na. Tiyak na kapag nabili ko ‘yon, malaki ang magiging dagdag sa physical attack ko at maging sa critical damage at rate.”   Napatingin ako sa weapon ko at hindi ko naiwasang mapaisip kung paano nakuha ni Unknown ang isang malakas na Legendary Weapon na gaya nito.   “Si Unknown mismo ang nagpalakas sa weapon na iyan. Mula sa enhancement, forging at sa lahat. Nakuha niya ‘yan sa unang elite monster na natalo niya – ang Purple Emperor.” Hindi ko akalaing mabilis lang mababasa ni Jin ang nasa isip ko. Kung ganoon ay talagang pinaghirapan ni Unknown na palakasin ang sandatang ito. Napahawak naman ako nang mahigpit dito dahil sa isiping iyon. Hinding-hindi ko sasayangin ang inilaan niyang pagod sa pagpapalakas ng sandatang ito. “Ipinagmamalaki kang talaga ni Unknown.” Tumingin ito sa malayo habang ipinagpapatuloy ang kaniyang kwento. “Alam mo bang noong nakilala ka ni Unknown ay saka lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na palakasin ang sandatang iyan. Hindi ko alam kung ano ang naiisip niya nang mga oras na iyon pero sabi niya, balang araw, nais niyang ikaw ang humawak ng sandatang ‘yan. Ibinuhos niya ang lahat ng yamang mayroon siya para lang makamit ng sandatang iyan ang max attributes na mayroon ‘yan ngayon. Sinong mag-aakalang ganoon kabilis mangyayari ang lahat. Kaya kung nasaan man si Unknown ngayon, tiyak kong masayang-masaya siyang inaalagaan mo ang iniwan niya sa ‘yo.”   Hindi ko napigilang maluha dahil sa lahat ng effort na ibinigay ni Unknown para lang palakasin ako. Isang batang gaya niya ang siyang humubog sa akin upang maging malakas at ipagmamalaki ko ‘yon habang buhay.   Bigla namang sumigaw si Jin na siyang ikinagulat namin ni Noob. Pinunasan ko kaagad ang mumunting luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.   “Nakalimutan ko, may guild quest pala kami ng 3. Hindi ko na kayo masasamahan kay Val. Diyan na kayo,” pagpapaalam niya bago tumakbo palayo at naiwan naman kaming dalawa ni Noob doon na tulala.   Umihip ang malakas na hangin na siyang dumampi sa aming mga balat.   “Guild quest?” Napatanong na lang ako sa sarili ko. Bigla kong naalalang may nag-aalok din pala sa aking sumali sa kanilang guild. Kapalit noon ay magkakaroon ako ng sarili kong espesyal na kwarto sa kanilang headquarters. Pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon.   “Ang galling. May guild na pala si Jin. Sana ako rin. Kaso napakahirap pumasok sa isang guild lalo pa at mahina pa ako,” sabi ni Noob. Kung tutuusin ay tama siya. Mahirap talagang makapasok sa isang guild. Sayang talaga kung hindi ko tatanggapin ang inaalok sa akin.   “Noob, may pupuntahan pala ako. Baka mamaya na lang ako pumunta kay Val.” Kumaway ako sa kaniya bago naglakad paalis.   Mula pala kahapon, hindi ko pa nakikita si Jane. Nasaan na kaya siya? Napatigil ako sa pag-iisip nang may makabangga ako.   “S-sorry.” Nang lingunin ko ito ay walang kabuhay-buhay itong nakatingin sa akin na siya namang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Galit ba siya? “J-Jane…”   Inirapan lang ako nito at umismid pagkatapos ay dire-diretsong naglakad sa kabilang direksyon. Mukhang galit nga ito. Marahil dahil iyon sa mga nasabi ko kahapon. Am I that too harsh on her? Nagsasabi lang naman ako nang totoo.   Kaagad akong nakarating sa tapat isang mataas na gate. Eto na marahil ang hinahanap ko. Mataas na gate at tila mansyon na bahay. Nakaukit sa gate nito ang isang pangalan.   “Aces…”   Ito na nga. Ang lugar kung saan hinubog ni Unknown ang kaniyang lakas at kakayahan. Sinong mag-aakalang ang guild na ‘to rin ang siyang magbibigay sa akin ng oportunidad na mas lumakas pa? Kaagad kong inihakbang ang aking mga paa palapit sa tarangkahan at kumatok mula roon. Bumukas naman iyon bilang pagtanggap sa akin. Nang makapasok sa loob ay hindi ko napigilang mamangha. Tila isang palasyo ang loob nito. May mga rebultong yari sa bato at mga armor na animo’y nagbabantay sa lugar. May nakalatag din na pulang carpet at malaking chandelier na nasa gitna ng kisame. Naroon din ang ilan sa mga kasapi. Hindi naiwasan ng mga ito ang tingnan ako nang makita ang presensya ko. Kahit naman sino siguro mapapatingin kung may bigla na lang papasok sa tahanan nila na bago sa kanilang paningin.   “Si Grant?”   “Si Grant ‘yan, hindi ba?”   “Anong ginagawa niya rito?”   “Sasali kaya siya sa atin?”   “Grant, kumusta?” Napalingon ako sa tumawag sa akin.   “Marcus…”   Kaagad siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. “Matagal na rin nang huli tayong nagkita.”   “Tumingin siya sa paligid at masayang ngumiti sa kanilang lahat.   “Guys, si Grant pala. I invited him dito sa Guild. I hope you’ll treat him nicely.”   Hindi pa man ako pumapayag sa alok niya ay sinabi niya na iyon kaagad sa lahat. Pero kunsabagay, kaya nga ako naparito ay para tanggapin ang alok niya lalo pa at gusto ko ring malaman kung anong klaseng guild ang humubog sa kakayahan ni Unknown.   “Masaya akong tinanggap mo ang alok ko,” masayang sabi niya, “mamaya ipapakilala kita sa guild leader namin.” Sakto naman pagkasabi niya noon ay ang pagdating ng isang Slayer na may makapal na baluti na halos katulad ng kay Hatake. May suot din itong maskara at helmet. “Speaking of the devil.”   Kaagad kaming lumapit sa kaniya at nang maghubad ito ng suot nitong maskara ay ganoon na lang ang pagkagulat ko.   “H-HATAKE???”   “G-Grant?” Namimilog ang mga mata nito na halatang nasorpresa sa muli naming pagkikita. “Anong ginagawa mo rito?”   “Boss, siya ‘yong sinasabi ko sa ‘yo na in-invite ko.”   Natigilan kaming dalawa ni Marcus lalo na ng lahat ng naroon nang bigla na lang itong yumakap sa akin nang mahigpit.   “Grant, na-miss kita!”   Hindi lang ito basta yumakap dahil kagaya ng nakasanayan nitong gawin, ang dibdib nito ay dikit na dikit sa braso ko habang ang ulo naman nito ay nakahilig sa balikat ko.   “Masaya akong magkakasama na tayo sa iisang guild.” Bigla itong sumeryoso ng mukha at hinarap ang ibang naroon. “Everyone, I would like you to welcome Grant, our new alas!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD