Chapter 32

1501 Words
“Grant!” Patakbong lumapit sa amin si Jane at kaagad naman akong bumagsak sa kaniyang balikat. Mabilis niya akong inupo sa kaniyang tabi at ganoon din si Jin. Si Noob naman ay nakatingin lang sa amin habang puno ng pag-aalala.   “Cure!”   Katulad ng inaasahan ay hindi na siya nagdalawang-isip pa at gumamit ng skill upang i-heal kami. Mabuti na lang din at umabot kami sa oras dahil kung hindi ay baka wala na kami ngayon sa larong ito.   “S-si Jin, unahin mo na si Jin,” sabi ko. Ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko. Alam kong konti na lang at tuluyan nang mauubos ang natitirang HP ko. Wala na rin akong Healing Potion. Ngunit higit na mas mahalaga pa rin sa akin ang buhay ng isang kaibigan kaysa sa sarili kong buhay.   “Kahit gusto kong maunang gumaling, hindi kita pagbibigyan. Dalawang hinga mo na lang mawawala ka na sa mundong ito.” Tumawa pa si Jin dahilan para biglang kumirot ang kaniyang tagiliran. “Aray!”   Sinunod naman ni Jane si Jin at ako ang inuna. Unti-unting naglaho ang makapal na baluting bumabalot sa aking katawan at bumalik sa normal ang aking kasuotan. Nawala na ang bisa ng sacred ritual. Noong una ang akala ko, ang bleeding na patuloy na bumabawas sa buhay ko ay mula sa sugat na natamo ko sa Nirvana ngunit mali ako. Isa pala ito sa epekto ng sacred ritual. Hindi lang pagbaba ng defense ang siyang side effects nito. Habang in effect ang sacred ritual ay magkakaroon ito ng bleeding sa taong nag-cast nito.   Unti-unti namang nadagdagan ang buhay HP ko hanggang sa tuluyan itong mapuno. Tumigil na rin ang bleeding nang tuluyang mawala ang epekto ng sacred ritual. Si Jin naman ang hinarap niya pagkatapos.   “Cure!”   Mabilis na napuno ang buhay ni Jin at bumalik na rin ang kaniyang lakas. Doon lang din nakahinga ng maluwag si Noob nang makitang bumuti na ang lagay naming dalawa.   +++   “Bakit ba kasi kayo sumasabak sa isang mapanganib na run?” Halos maging dragon ang itsura ni Jane na handang lamunin kami ng buo dahil sa labis na inis. “Ni hindi n’yo man lang ako sinama!”   “J-Jane, nagkayayaan lang naman.” Tatawa-tawa pa si Jinn ang sabihin ‘yon. Totoo naman. Halos biglaan lang din naman nang maisipan naming pasukin ang endless dungeon, or should I say, ako lang pala ang nakaisip at idinamay ko lang sila sa kalokohan mo.   “Iyon nga e. Nagkayayaan tapos hindi n’yo man lang ako sinama.” May halong pagtatampo sa boses niya ngunit dapat ba talagang magtampo siya? Kung tutuusin ay kasama si Ryzen nang mga oras na iyon. Malamang ay tuwang-tuwa siya lalo pa at may isang Top player ang naghahabol sa kaniya. Maaari naman siya do’n magpasama.   “Hindi ka na namin inabala lalo pa at mukhang busy ka naman kay Ryzen kanina.” Sa sinabi kong iyon ay natigilan silang lahat. Biglang tumahimik ang paligid at pakiramdam ko ay unti-unting nagiging awkward ang lahat. May sinabi ba akong kakaiba para maging ganoon ang reaksyon nila? “Mukhang nag-e-enjoy ka naman sa company niya. ‘Di hamak na mas malakas din siya kung ikukumpara sa amin.”   “Nagseselos ka ba?”   Tila nabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Naubo-ubo pa ako habang sina Jin ay tila naghihintay naman ng susunod kong sasabihin.   “A-ako? Nagseselos? Bakit naman ako magseselos?” tanong ko habang naiilang tungkol sa aming pinag-uusapan.   “Kung magsalita ka kasi, para kang nagseselos,” sabi niya.   “Hindi ako nagseselos. Pakialam ko ba kung anong relasyon ang namamagitan sa inyo. Kung si Ryzen ay naghahabol sa ‘yo, hinding-hindi ko gagawin ‘yon. Wala naman akong gusto sa ‘yo,” dire-diretsong sabi ko.   Kaso…. Tamang bang sinabi ko ‘yon? Nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mga mata ko. Kitang-kita ko kung gaano ko siya nasaktan. Nangingilid ang mga luha sa kaniyang mga mata habang pinipigilan itong bumagsak. Tumahimik din siya at hindi na muling umimik. Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay naging unfair ako sa feelings niya para sa akin. Hindi naman lingid sa akin na gusto niya ako pero kasi, bakit ba hindi ko matanggap ‘yong nakita ko. Kung paanong nakalapat ang labi ni Ryzen sa kaniya. Naiinis ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Bakit nga ba? Paulit-ulit lang na gumugulo sa isip ko ang mga tanong na ‘yon na hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang kasagutan. Nagseselos nga ba ako? Pero bakit? Tama bang makaramdam ako ng selos sa iba kung gayong alam kong naghihintay sa akin si Hannah? Higit kanino man, si Hannah pa rin ang pinakamahalaga sa buhay ko at hindin-hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Kahit kay Jane pa.   “J-Jane…”   “Lalabas na muna ako,” sabi niya.   “T-teka, Jane. Saan ka pupunta?” nauutal na tanong ni Jin.   “Pupuntahan ko si Ryzen!” pasigaw na sagot nito. Galit siya. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Salubong din ang kilay nito habang tila may masamang awra ang bumabalot sa katawan nito. Tuluyan itong lumabas at pabalibag na isinara ang pinto. Bumagsak pa nga ang frame na nakasabit sa dingding dahil sa lakas ng pagbagsak ng pinto sa hamba nito.   “Nakakatakot talaga si Jane,” sabi ni Jin.   “Oo nga. Akala ko katapusan ko na,” pagsang-ayon naman ni Noob.   “Pero, Grant. Talaga nga bang wala kang gusto kay Jane?” Seryoso si Jin sa tanong na iyon habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot. “Syempre, alam mo na. Maganda si Jane, matalino, punung-puno ng self-confidence. Kahit naman sino siguro magkakagusto sa kaniya sa oras na mas makilala nila ang tunay na siya. You know what I mean.”   “Oo nga, Master Grant. Sa totoo lang crush ko nga si Jane. Kung hindi lang masyadong malakas si Ryzen malamang niligawan ko na rin siya.”   Dahil sa tanong na iyon ay naisip ko na ring sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit ako naglalaro. Lalake sa lalakeng usapan. Matagal-tagal ko na rin naman silang nakakasama rito at panatag na rin ako sa kanila kahit paano.   “Ang totoo kasi kaya ako naglalaro ay dahil sa fiancée ko. She’s in a coma.”   “May fiancée ka na?” Gulat na gulat naman si Jin base sa reaksyon niya. Napatayo pa siya habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. “Ibig sabihin ay wala nang pag-asa ang Jane-Grant love team?”   “Ano bang pinagsasabi mo? Wala naman talaga sa umpisa pa lang.” Napaismid naman ako sa klase ng reaksyon niya. Parang bago siya ng bago lagi.   “Pero si Jane, parang may gusto siya sa ‘yo,” puna ni Noob. “Kita ko kasing iiyak na siya kanina dahil sa sinabi mo.”   Akala ko ako lang ang nakapansin. Masasabi kong observer talaga ang personality ni Noob. Maging ang feelings ni Jane para sa akin ay nahulaan niya ng tama. Ngunit sa kabilang banda, bigla ko na lang naisip, paano ko nga ba tuturuan ang isang kagaya niyang iba ang profession sa akin? Ni hindi ko man lang nga alam kung anong profession ba ang pinili niya.   “Maiba tayo, Noob. Ano bang profession mo?’ tanong ko.   “Hhmm… Oo nga, maski ako hindi ko rin alam kung ano ba ang profession mo,” sabi ni Jin.   “Gusto ko sana maging isang Cavalier kaso nag-aalangan ako.”   “Bakit naman?”   “Kasi inaalala ko kung sino ang tutulong sa akin para magpalakas. Alam n’yo ‘yon? Since, wala na si Master Pius wala nang ibang magga-guide sa akin sa mga bagay na kailangan kong malaman tungkol sa profession ko.”   Naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Noob. Kung tutuusin isa rin ‘yon sa iniisip ko. Sa akin siya ibinilin ni Pius. Paano ko siya matutulungan kung iba ang profession na tatahakin niya kaya naman gusto ko sana ay maging isang elementalist na lang siya. Ngunit sa kabilang banda, mukhang desidido siya na maging isang Cavalier, hindi ko naman siya maaaring pangunahan o pilitin sa isang profession na hindi naman siya masisiyahan.   “Noob,” hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat, “kung ano man ang magpapasaya sa ‘yo, sundin mo. Nandito lang ako at si Jin. Tutulungan ka namin sa abot nang makakaya namin kahit na anong mangyari dahil kaibigan ka namin. Hinding-hindi ka naman bibiguin.” Ngumiti ako sa kaniya at nakita kong unti-unting nagliwanag ang kaniyang mga mata. Sa wakas, may nagawa na rin akong alam kong magpapasaya sa iba.   “Count on us, Noob.” Nakangiti pa si Jin bilang dagdag pampalakas ng loob kay Noob.   “Salamat, Master Grant.” Naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi na hinding-hindi ko maipagkakaila na bunga ng kaniyang tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD