Chapter 31

1044 Words
“Ang Nirvana, sumanib sa Inferno? Hindi ako makapaniwala.”   Maging ako man ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Masasabi kong espesyal talaga silang ginawa ng developer ng larong ito. Sa lahat ng monsters, hindi maitatangging sila ang isa sa pinakamalakas. Ngunit sa kabilang banda, bakit kaya hindi sila humanay sa tunay na malalakas na monsters, ang Legendary Boss Monsters? Bakit kaya nasa Rank 3 lamang sila sa listahan ng elite monsters at hindi man lang napunta sa unang rank?   “Grant, sa likod mo!” Kasabay ng pagsigaw ni Jin ay ang pagtama ng sandata ng Inferno sa aking likuran. Dahil doon ay nagtamo ako ng matinding pinsala na bumawas sa buhay ko sa kalahati. Nagkaroon din ako ng bleeding effect na siyang labis kong ininda. Kaagad namang lumapit sa akin si Jin habang hawak-hawak ang kaniyang tagiliran. “Grant, ayos ka lang ba?”   “A-ayos lang ako.” Pinagmasdan ko si Jin at kapansin-pansin na halos nauubos na ang HP niya. “Jin, may HP potion ka pa ba?”   Kumamot ito ng ulo bago sumagot, “wala na nga e. Naubos ko na sa kakainom.” Hindi ko naiwasang mag-alala dahil hindi tumitigil ang bleeding niya. Kapag nagpatuloy iyon, baka hindi niya na kayanin. Inabutan ko siya ng HP potion na mayroon ako at kaagad niya naman iyong ininom. “Salamat, Grant. Pero paano ka?”   “Don’t worry about me. Marami pa naman akong buhay. Kakayanin natin ‘to kahit na anong mangyari. Ilalabas ko kayong dalawa ni Noob sa lugar na ‘to kahit ikasawi ko pa.”   “Grant… salamat.”   “Mamaya ka na magpasalamat kapag nagawa na nating makaligtas sa isang ito.” Totoo naman ang sinabi ko. Balewala ang pagpapasalamat niya kung pare-parehas lang din kaming mamamatay sa lugar na ito. Kung tutuusin, ako ang dapat na sisihin sa nangyayari sa amin ngayon. Kung hindi ko sila niyaya na subukang pasukin ang dungeon na ito, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Dinamay ko pa sila. Naging masyado akong kumpyansa sa aking sarili at hindi ko man lang inisip ang magiging kalagayan nilang dalawa. Kaya kung may dapat mang managot sa lahat ng ito, walang iba kung hindi ako lang.   Muli akong naghanda para sa isang pag-atake. Sa pagkakataong ito, hindi na kami dapat magpatumpik-tumpik pa. Habang tumatagal ay mas lumiliit ang tsansa naming manalo lalo pa at patapos na rin ang bisa ng sacred ritual. Sampung minute na lang ang meron ako. Kaya hindi na ako dapat tumunganga pa.   Mabilis akong tumakbo patungo sa kinatatayuan ng pinag-isang Inferno at Nirvana at muling nagpakawala ng skill.   “Fire Explosion!”   May mga elemental skills pa akong maaaring magamit subalit kagaya ng itinuro sa akin ni Unknown noon, fire ang pinaka-main element ng lahat ng skill. Dahil doon ay hindi ko naiwasang balikan ang mga karagdagang turo niya bago siya tuluyang nawala.   “Kuya Grant,”   “Hhmm…”   “Bago ko pala makalimutang sabihin. Lagi mong tatandaan, kung hindi ka sigurado sa kung anong element ang isang monster na makakaharap mo, mas mainam na fire element ang lagi mong gagamitin dahil ang fire ang pinakamakapangyarihang elemento sa lahat,” sabi niya. “Kung isang dark monster ang makakaharap mo balang araw, fire pa rin ang pinakamabisang panlaban mo sa kaniya.”   “Gano’n pala ‘yon.” Namamangha pa ako habang ipinapaliwanag niya sa akin ang lahat.   “Masasabi kong handa ka na sa lahat, naituro ko na sa ‘yo ang lahat ng nais mong malaman. Proud na proud akong ikaw ang kuya ko.” Ngumiti ito na may halong lungkot sa kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan ang dahilan ng lungkot na iyon. Hindi sumagi sa isip ko na iyon na pala ang huling beses na makakausap at makakasama ko siya dahil kinabukasan ay kukunin na pala siya ng tadhana.   Hindi masasayang ang lahat ng itinuro mo sa akin, Unknown. Patutunayan kong nararapat lang na ipagmalaki mo ako. Bigla kong naalala ang isang skill na hindi ko pa nagagamit. Kapalit ng 30% ng aking buhay ay maaari kong doblehin ang damage ko sa kalaban. Kasabay noon ay ang combination skill ng Fire Explosion at Magma Eruption. Sa pag-atakeng iyon ay malaki ang tsansang mapatumba ko ang Inferno at Nirvana nang sabay.   “Susubukan ko,”   “Anong binabalak mo, Grant?” Hindi naiwasang itanong ni Jin. Tama, maaari ko ring magamit ang lakas ni Jin sa mas ikapapanalo ng laban namin.   “Jin, kailangan ko ang tulong mo. Sa hudyat ko, pakawalan mo ang pinakamalakas mong skill.”   “Makakaasa ka, Grant.”   “Maghanda ka na dahil lalabas na tayo sa lugar na ito.”   Pinakiramdaman ko ang paggalaw ng lupa. Dinamada ko ang ihip ng hangin habang dumadaloy ang pawis sa aking balat kasabay ng nag-aalab kong pagnanasang talunin ang dalawang elite monster.   “Vulcan Territory!”   Kasabay ng pagbigkas ko sa skill ay isang magical circle ang bumalot sa buong area at kasunod noon ay ang perfect combination skill na maaring gamitin kasabay ng Vulcan Territory.   “Ngayon na, Jin!” Tumango siya at pinakawalan namin ng sabay-sabay ang skill na tatapos sa labang ito at maglalabas sa amin pabalik kina Jane.   “Rain of Arrows!”   “Fire Explosion!   “Magma Eruption!”   +++   “Grant! Jin!” Mabilis na lumapit sa amin si Noob at inalalayan kaming dalawa. “Malubha ang sugat ninyo. Kailangan na nating bumalik sa Winston.”   “Ang buhay mo, Grant.” Kitang-kita ang labis na pag-aalala sa mga mata ni Jin at ganoon din kay Noob. Halos 1,000 na lang kasi ang natitira sa buhay ko at pabawas pa ito ng pabawas dahil sa bleeding. Nakakaramdaman na rin ako ng panghihin at panlalabo ng aking paningin dulot ng labis na pagod at natamong pinsala ng aking katawan.   “Kailangan nating bumalik kaagad upang madala natin siya kay Jane,” sabi ni Noob.   “Eto. May home teleport crystal ako na maaaring magdala sa atin direkta sa bahay. Maaaring nandoon lang si Jane.”   “Home Teleport!” Itinaas niya ang kaniyang kamay sa kalangitan at doon lang ako nakahinga ng maluwag nang unti-unting nagliliwanag ang paligid habang pinagmamasdan kong maglaho sa aking paningin ang Inferno at Nirvana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD