Chapter 30

1045 Words
“Soul Switch!”   Unti-unting nagbago ang aking pananamit. Ang malambot na tela na nakasanayan kong suotin ay unti-unting naging isang matigas na baluti na siyang kakayaning sumalo ng malalakas na pag-atake. Ang staff na hawak ko ay nagbago rin ng anyo at naging isang mistulang gauntlet na pumalibot sa aking kanang kamay samantalang ang orb naman nito ay siyang pumaibabaw sa gitna ng mismong gauntlet habang patuloy sa pagliliyab.   “Isang sacred ritual…” bulalas ni Jin.   “Simulan na natin, Jin!”   Sa hudyat na ‘yon ay kaagad akong sumugod palapit sa Inferno at sinuntok ito sa parte ng kaniyang dibdib gamit ang isang fire elemental skill na magagamit lamang kapag naka soul switch.   “Fire Explosion!”   Kaagad na sumabog ang parteng tinamaan ng pag-atake ko at nagbigay ng pinsala sa Inferno. Halos ¼ ng buhay nito ang nawala. Mukhang ininda din nito ang pag-atakeng iyon na siyang nagpahakbang dito paatras.   Ngunit kagaya ng sabi-sabi ng iba, mabilis na naghilom ang sugat nito at bumalik lang ang halos sa kalahati ng HP na nabawas dito. Ang natatanging depensa ng Inferno na mahirap tibagin. Ngunit hindi na masama dahil kahit paano ay may nabawas pa rin naman sa buhay nito. Kung ipagpapatuloy namin ang ganoon ay tiyak na magagawa naming talunin ang isang ito. Kung magkaganoon, ang Nirvana na lang ang siyang poproblemahin namin. "Susubukan ko ulit. Jin, pakawalan mo ang skill mo kasabay ng sa 'kin," sabi ko sa kaniya at muli lang siyang tumango sa akin. Kaaagad akong sumugod muli sa kaniyang harapan gamit muli ang isang malakas na suntok ay na pinakawalan ko kasabay ng aking skill. "Fire Explosion!" Humarap ako kay Jin, "ngayon na, Jin." "Heaven's Arrow!" Tila umuulan ng mga bituin nang pakawalan ni Jin ang kaniyang malakas na skill. Sinong mag-aakalang ganoon kagandang pagmasdan ang skill na 'yon? Tila mga shooting Star na siyang tutupad sa kahit na anong kahilingan. Sakto ang combination ng aming pag-atake. Mahigit sa kalahati ang nagawa naming ibawas sa HP ng Inferno kung kaya napangiti pa kami sa isa't isa ngunit ganoon na lang ang aming pagkagulat nang biglang sumigaw ang Inferno at mabilis na umatake patungo sa direksyon ni Jin. Gamit ang hawak nitong sandata ay walang pagdadalawang isip na tinuhog ng Inferno si Jin. Ganoon na lang ang naging pagkabigla ni Jin nang tumusok sa kaniyang tagiliran ang matutulis na dulo ng sandata nito. "Jin!" Hindi na nagawang iwasan ni Jin ang pag-atake ng kalaban na siyang nagbigay sa kaniya ng matinding pinsala. Halos 30% na lang ng buhay niya ang natira at alam kong isang beses pa siyang tamaan ng pag-atake nito ay tiyak na katapusan niya na. Sa sandaling iyon ay alam kong kinakailangan na naming maging maingat. Hindi pa kami dapat magsaya dahil tiyak na marami pang sorpresa ang naghihintay sa aming dalawa. Kaagad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Jin at mabilis naman siyang nakakuha ng high grade healing potion na agaran niya ring ininom. "A-ayos lang ako, Grant. Huwag kang mag-alala," sabi niya. Ngunit dahil sa patuloy na pagdurugo ng kaniyang sugat ay walang tigil naman sa pagbaba ang buhay niya. "Nagbi-bleed ka," nag-aalalang sabi ko. Alam kong kita niya 'yon sa itsura ko. Sinong hindi mag-aalala? Hindi ko kakayanin kung isang kaibigan na naman ang kailangang mawala sa aking harapan. Hindi ako maaaring magpadalus-dalos. Kailangan kong protektahan si Jin sa abot ng makakaya ko. Hindi na nakapagtataka nang muling maghilom ang sugat ng Inferno. Hindi pa rin humuhupa ang rage mode nito. Tiyak na mahihirapan kami lalo pa at sugatan si Jin. "Kaya ko pang lumaban, Jin. Sabi mo nga hindi ba? Hindi tayo mamamatay rito nang hindi lumalaban kaya kakayanin ko kahit na anong mangyari." Kita ko ang determinasyon sa kaniyang mga mata na magpatuloy. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siya sa kaniyang nais. "Don't worry, Jin. Hindi ko na hahayaang magalusan ka pang muli ng Inferno na 'yan." Ngumiti ako at ganoon din siya. Kumbaga, bahala na. Kahit anong mangyari hindi namin iiwan ang isa't isa. Muli kong hinarap ang Inferno at tinitingnan ang bawat anggulo nito. Malabong walang kahinaan ang isang 'to at iyon ang kailangan naming malaman. Napansin ko na magkatabi lang ang Inferno at Nirvana. Kung aatake ako ay sabay silang mapipinsalaan maaaring mas mapabilis ang labang ito. Hindi na ako nagdalawang isip at kaagad na sumugod sa direksyon ng dalawa. Nagpakawala ako ng isang AOE (Area of Effect) skill na siyang maaaring tumama sa kanilang dalawa ng sabay. "Magma Eruption!" Sinuntok ko nang malakas ang sahig na kanilang kinatatayuan na siyang sumabog at nagbuga ng lava na animo'y nagmula sa bulkan. Bumawas ito ng 10% sa buhay ng Inferno at 30% naman sa Nirvana. Kita ko naman ang dahan-dahang karagdagang bawas sa buhay ng mga ito dahil sa bleeding na dulot ng init ng Lava na bumalot sa katawan ng dalawang elite monster. Napansin ko rin na hindi gumamit ng heal ang Nirvana. Mukhang ngayon ko na naiintindihan ang lahat. Hindi namin basta basta matatalo ang Inferno at Nirvana kung isa-isa namin itong lalabanan. Kailangan ay sabay namin silang mabigyan ng damage nang sa ganoon ay hindi magawa ng Nirvana na i-heal ang Inferno. "Jin, may naisip ako." "Sige lang, Grant. Gagawin ko ang lahat para makalabas na tayo sa lugar na 'to." Sabay kaming pumusisyon at kasabay ng muling pagsigaw ng Inferno ay tumakbo kaming dalawa ni Jin sa magkabilang direksyon. "Smattering!" "Refuel!" Ang skill ni Jin na nagbibigay ng additional 10% Critical Damage sa kalaban. Hinarap ko ang Inferno at saka pinaulanan ito ng magkakasunod na suntok. Nagliliyab ang suot kong gauntlet dahil habang tila walang katapusang tumatama sa iba't ibang parte ng katawan ng Inferno. "Hundred Fire Punch!" Sa pagkakataong iyon ay umatake rin si Jin kasabay ng pinakawalan kong pag-atake na nagdulot naman ng heavy damage sa Nirvana. "Arrow Shot!" Ang skill na direktang tumatama sa weak spot ng kalaban nito. Tama nga ang conclusion ko. Hindi makakagamit ng heal skill ang Nirvana sa Inferno kung may damage na papasok sa katawan nito kaya naman ipinagpatuloy namin ang pag-atake hanggang sa hindi namin inaasahan ang rage mode ng Nirvana. Ang itsura nito na animo'y isang dambuhalang shield ay unti-unting nagbago at naging matibay na baluti ng Inferno bagay na hindi namin napaghandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD