Chapter 29

1505 Words
“Mukhang okay ka naman na,” sabi ko. Hindi ko alam kung tama bang nakakaramdam ako ng sakit sa nakita ko. Am I jealous or just disappointed? Ano man ang dahilan alam kong mas makabubuti kung tuluyang siyang mahuhulog kay Ryzen. Sa ganoong paraan, hindi na naman kailangan pang magkasakitan.   “Sandali lang, Grant.”   Palabas na sana kami no’n nang pigilan kami ni Ryzen.   “May kailangan ka ba?” tanong ko.   “Bilisan mong magpalakas. Naiinip na ‘ko.”   Ano pa nga bang inaasahan sa isang mayabang na tulad niya? Kunsabagay, malakas naman talaga siya at sa lagay ko ngayon ay wala akong panama sa kaniya.   Minabuti kong ‘wag na lang sumagot at tuluyang lumabas ng bahay.   “Nakakainis talaga ang kayabangan ng isang ‘yon. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang nagustuhan ni Jane do’n,” sabi ni Jin.   Gustuhin ko mang matawa sa huling sinabi ni Jin ay hindi ko magawa lalo pa at sa aktang iyon ko sila nadatnan. Marahil nga, posibleng nahuhulog na rin siya kay Ryzen.   “Mayroon daw bagong event.” Napalingon kami ni Jin kay Noob dahil sa sinabi nito. Mukhang tama nga siya, bagong event ang dahilan ng maintenance break.   “Anong event naman ‘yan?” tanong ni JIn.   “Endless Dundeon daw. Pero hindi ako sigurado kung bagong event nga ba talaga, pero tingin ko mapapasama siya sa bagong run natin sa weeklies,” paliwanag nito.   “Saan mo naman narinig ‘yang bata ka?” Pinagkrus pa ni Jin ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. Mukhang hindi pa ito kumbinsido sa sinasabi ni Noob.   “Narinig ko lang kanina na pinag-uusapan ng dalawang player na napadaan.”   “Mabuti pa ay puntahan na lang natin para makasigurado,” sabi ko.   Kaagad naman kaming nagtungo sa Ager Sinistram at doon ay natagpuan namin ang isang panibagong portal na magdadala sa amin sa panibagong lugar.   Tiningnan namin ang isa’t isa bago tumango sa bawat isa. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng portal at sa isang iglap lang ay napadpad kami sa isang malawak na kakahuyan. Napansin naming walang kahit anong monsters doon, at isang mataas na tore lang ang natatanaw mula sa aming kinatatayuan. Hindi na kami nagdalawang isip at kaagad na tinungo ang naturang tore at doon kami namangha sa taas nito. Parang wala itong hangganan. Halos hindi rin matanaw ang tuktok nito dahil halos umabot na ang kalahati nito sa kalangitan.   “Ang Endless Dungeon…” Nakanganga pa si Jin habang pinagmamasdan ang itaas nito na abot lang ng kaniyang paningin.   “Ang taas.” Manghang-mangha naman ang itsura ni Noob sa nakikita.   Sino ba namang hindi mamamangha sa mga bagong pakulo ng developer ng larong ito? Ngunit ang tanong, anong monster kaya ang naghihintay sa amin sa loob ng Endless Dungeon?   “Tara na,” yaya ko sa dalawa. “Hindi natin malalaman ang nasa loob niyan kung tititigan lang natin dito sa labas.”   Tumango naman ang dalawa kung kaya minabuti kong itulak na ang tarangkahan papasok sa loob ng Endless Dungeon.   Pagpasok pa lang namin ay kapansin-pansin na ang nagkalat na mga monsters sa paligid. Isa na sa mga ito ang Blattodea. Parang mga ipis lang na malilikot gumalaw at kung kinakailangan ay lumilipad sa kung saan-saang direksyon nito nais.   Matapos naming ma-clear ang lahat ng monsters sa unang floor ay kusang bumukas ang panibagong pintuan paakyat sa ikalawang palapag. Kagaya ng sa mga nauna ay hindi naman ganoon kahairap ang mga nakalaban naming monsters. Tanging mga normal monsters lamang ito na nag-iiwan ng ilang mga drop na maaari naming maibenta o magamit upang mapalakas ang aming mga character. Ngunit pagtapak namin sa floor 50 ay doon na namin naramdaman ang kakaibang awrang bumabalot sa lugar. Pansin ko rin na habang tumataas ang floor ay mas pahirap na ng pahirap ang monsters na nakakasagupa namin dahilan marahil kung bakit ganoon na ang bigat na nararamdaman namin sa lugar na ‘yon.   Halos balot ng makapal na usok ang lugar at maging ang paligid ay binalot na rin ng lamig at doon unti-unting lumabas ang pinakamapakanganib na elite monster, ang tinatawag ng karamihan na twin monster.   Rank 3 Elite Monster Level 50 Inferno HP: 1,000,000   Rank 3 Elite Monster Level 51 Nirvana HP: 1,000,000   “T-teka, Grant…” nauutal na panimula ni Jin, “mabuti pa siguro bumalik na lang tayo. Maaari naman natin itong balikan bukas o sa mga susunod na araw hindi ba?”   Tama siya. Lalo na at kilala ang dalawang elite monster bilang terrible monsters. Halos karamihan ng player na sumubok na paslangin ito ay hindi nagtatagumpay. Ang ending, para lang silang naghukay ng sarili nilang libingan.   “Master Grant, natatakot ako,” sabi naman ni Noob at kita ko pa ang panginginig ng buong katawan nito.   Kaagad kong kinuha ang teleport crystal sa aking bag upang makalabas na sa lugar na iyon ngunit tila na-trap kami sa loob ng dungeon.   “Ayaw gumana, Master Grant.” Halos nangingilid na ang luha sa mata ni Noob dahil sa takot. Maging ako man ay natatakot din para sa kaligtasan naming tatlo pero mukhang wala kaming pagpipilian kung hindi tapusin ang floor na ito bago kami makalabas ng dungeon.   Clear first the monsters before leaving the dungeon.   Kumpirmadong tama nga ang hinala ko. Wala kaming kawala. Kailangan naming tapusin ang labang ito bago makalabas sa naturang dungeon.   “Noob, magtago ka na muna sa ligtas na lugar. Kami na ni Jin ang bahala sa dalawang ‘to,” sabi ko.   “Pero, Grant, hindi natin kakayanin ang dalawang ‘yan.” Hindi man ipahalata ni Jin ang takot niya sa naturang elite monsters, hindi niya magagawang ipagkaila iyon base sa mga lumalabas na salita mula sa kaniyang bibig. “Zero damage ang kahit anong magical attacks sa Inferno at Nirvana. Physical attack man ang profession ko, ngunit hindi sapat ang damage ko para bumawas sa dalawang ‘yan.”   Natigilan akong bigla sa sinabi niya. Noong una ay punung-puno ako ng pag-asang kakayanin naming matalo ang Inferno at Nirvana kung magtutulungan lang kaming dalawa pero base sa sinabi ni Jin, paano nga namin magagawang talunin ang kalabang hindi man lang mapipinsalaan ng magical attacks?   Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana sa floor 40 pa lang ay lumabas na kami.   “As if naman na may pagpipilian tayo? Hindi rin naman tayo makalabas hindi ba? Anong gusto mong gawin natin? Titigan ang dalawang ‘yan at hayaan lang silang kainin tayo ng buhay?” Alam kong wala kaming laban sa dalawang elite monster ngunit kailangan naming subukan. Kailangan naming kayanin upang mabuhay at makalabas sa toreng ito.   “Kung nandito lang sana si Jane,” sabi ni Jin.   Bigla kong naalala ang teknik na ginamit ni Jane sa laban nila ni Hatake. Tama. Kaming mga Elementalist ay mayroon ding ganoong kakayahan. Nakuha ko na rin ang skill na iyon ngunit hindi ko pa nagawang gamitin man lang kahit na isang beses. Wala akong ideya kung paano ito gagamitin at kung paano ito lalaruin sa paraan ng isang Elementalist. Pero sa kabilang banda, maaari ko itong subukan ngayon. Walang mawawala kung susubukan ko. Hindi ako tutunganga lang dito at maghihintay sa wala. "Humanda ka, Jin. Basta tumira ka lang nang tumira ng pinakamalakas mong skill. Kakayanin natin 'to. Kailangan nating kayanin para makalabas tayo sa lugar na ito." Nakita ko naman na tila nabuhayan si Jin sa sinabi ko. Tumango ito at naghanda habang si Noob naman ay nakahanap na ng mapwepwestuhan na hindi siya mapapansin ng kalaban. Malawak ang buong palapag at tanging mga poste lang ang siyang mapagtataguan namin. Kailangan lang namin talasan ang aming pakiramdam at maging mapagmatyag upang magawa naming matalo ang dalawang elite monsters na ito. Ang Inferno ay may wangis ng kagaya ng sa isang demonyo. May mahaba itong buntot, malaking katawan at mahaba at matulis na sungay na handang tumuhog ng kahit sinong bibiktimahin nito. Mabalahibo rin ang binti at dibdib nito samantalanag kulay pula naman ang kulay ng balat. May hawak din itong parang dambuhang tinidor na malamang ay ginagamit nitong isang sandata. "Grant, anong pinaplano mong gawin?" tanong ni Jin. Ngumiti ako sa kaniya bago mabilis na nag-cast ng aking panimulang skill. "Smattering!" Ang smattering skill ang skill na magbibigay ng karagdagang lakas sa elemental skills ko. Ang magical at physical attack ay magiging doble kumpara sa karaniwan. "Water Barrier!" Sakto ang water barrier skill para sa karagdagang depensa na siyang kakailanganin ko upang makatagal sa labang ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago ko sinimulang bigkasin ang sacred ritual skill na siyang magko-convert ng magical attacks ko to physical attacks. Gaya ng forbidden skill, alam kong tatlumpung minuto lang ang mayroon ako upang magamit ito kaya bawat minuto ay mahalaga. Wala kaming dapat sayanging oras. Pinosisyon ko ang staff na hawak ko sa aking harapan kasabay ng pagbigkas ng skill na siyang magliligtas sa amin sa labang ito. "Soul Switch!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD