Chapter 28

1287 Words
Eto ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng inggit kay Ryzen. Kailan baa ko magiging mas malakas sa kaniya? Kailan ba darating ang pagkakataon na ako naman ang siyang magliligtas sa mga taong mahalaga sa buhay ko? Gaano ba siya kalakas at nagawa niyang wasakin ang barrier na nagkukulong sa dalawang manlalaro sa loob ng battle arena? Mabilis kaming tumakbo ni Jin patungo sa kanila at doon pinagmasdan nang malapitan ang nangyayari. Kasabay ng pagpasok namin sa stage ng battle arena ay lumabas ang isang notice sa aming screen.   The battle between Hatake and Jane is a draw.   “R-Ryzen…”   “Jane, ayos ka lang ba?” Lumuhod si Ryzen sa harap ni Jane at hinaplos ang pisngi nito. Halos mapatulala naman si Hatake habang pinagmamasdan ang dalawa. Wala yata siyang ideya na magkakilala ang dalawa at mukhang wala rin siyang ideya na nagugustuhan ni Ryzen si Jane.   Tumango na lang si Jane bilang pagsang-ayon. Dahan-dahan itong inalalayan ni Ryzen na makatayo ngunit kahit anong gawin ni Jane ay ramdam niya ang pagkirot sa kaniyang binti dulo ng pinsalang natamo sa laban nila ni Hatake.   “Tsk! Paano na lang kung hindi ako dumating?” Hindi na hinintay ni Ryzen ang sasabihin ni Jane at kaagad na binuhat ang huli. Halos hindi naman makapaniwala si Hatake habang pinagmamasdan ang nangyayari. Ang cute na mukha nito ay hindi na kapansin-pansin dahil tila isa na itong demonyong handing pumaslang nang walang awa.   “Anong ibig sabihin nito?” tanong nito.   Himbis na sagutin si Hatake ay mabilis lang nitong tinalikuran ang huli at nagsimulang ihakbang ang mga paa upang ilayo si Jane sa battle arena.   “Sandali,” pagpigil ni Hatake sa dalawa, “kinakausap pa kita, Ryzen. Huwag mo ‘kong talikuran!”   Hindi naman nagdalawang isip si Ryzen at kaagad na hinarap ito. Mabilis nitong itinutok ang espada nito sa babaeng labis ang pagtatangi sa kaniya.   “Sa oras na saktan mo ulit si Jane, ako mismo ang tatapos sa ‘yo.”   “Kaya mo ba? Magagawa mo nga ba akong paslangin?” Nakagat ni Hatake ang pang-ibabang labi upang itago ang sakit.   “Bakit hindi natin subukan ngayon?” sabi ni Ryzen.   Biglang umugong ang malakas na sigawan sa buong arena habang pinagmamasdan ng lahat ang mga nangyayari.   Hindi na rin ako nakatiis at namagitan na sa diskusyong hindi naman kinakailangan umabot sa ganoong paraan.   “Ryzen, babae pa rin si Hatake,” sabi ko.   Kung gaano kalamig ang ekspresyon sa mukha niya ay ganoon din kalamig ang klase ng mga binibitawan nitong salita. Sapat lang upang labis na masaktan si Hatake.   “Hindi ako magdadalawang isip na ilugar siya sa dapat niyang kalagyan kung hindi niya magagawang itigil ang kahibangan niya,” sabi nito.   “Ryzen, sumosobra ka na yata.” Akmang lalapitan ni Jin si Ryzen ngunit pinigilan ko ito.   Napayuko na lang si Hatake habang pinakikinggan kung paano siya isuka ng lalakeng nagugustuhan niya.   “Muntik nang paslangin ng babaeng ‘yan si Jane, at gusto n’yo matuwa ako? Magpasalamat pa nga siya at iniisip ko pa ring babae siya, dahil kung hindi, malamang kanina pa siya walang buhay sa larong ito at sa totoong mundo.”   “Grabe ka magsalita, hindi ba at nagawa mo ngang—” Kaagad kong pinigilan si Jin sa dapat na sasabihin niya.   “Hindi ko kasalanan kung sadyang mahina kayo at hinayaan n’yo lang na mangyari ang lahat ng ‘yon.”   Sa kabilang banda ay may punto ito. Tama siya. Noong mga panahong iyon ay mahina pa kami at pinanuod lang namin na mamatay si Unknown sa aming harapan. Wala man lang kaming ginawa. Ngunit siya, nagawa niyang protektahan si Jane habang kami nila Jin ay nanunuod lang sa nangyayari. Sa huli, wala pa rin kaming ginawa, hinayaan lang namin na umabot sa isang PVP battle ang lahat.   “Ryzen, please. Tama na,” pakiusap ni Jane. Doon lang tumahimik si Ryzen at tuluyang tumalikod bago naglakad palabas ng battle arena.   Napalingon naman kami nina Jin at Noob kay Hatake dahil sa nangyari. Gustuhin man namin na magalit sa kaniya dahil alam naming noong oras na ‘yon ay handa na siyang tuluyan si Jane ngunit hindi namin magawa lalo pa at daig pa niya ngayon ang namatayan sa sakit na dulot ng pagkabigo.   “Tara na, Hatake.”   “Grant, si Jane, gusto niya rin ba si Ryzen?”   Hindi ako sumagot. Sa aming lahat, ako ang mas nakakaalam ng tunay na nararamdaman ni Jane ngunit mas pinili kong manahimik na lang.   “Hatake, hanggang ngayon ba ay si Ryzen pa rin ang iniisip mo? Nakita mo naman hindi ba? Malinaw pa sa sikat ng araw na wala kang pag-asa sa kaniya,” panenermon ni Jin kay Hatake.   “Kung kaya lang turuan ang pusong magmahal ng iba,” tugon nito. Tama siya. Kung maaari lang sanang baguhin ang nararamdaman, sana lahat ay masaya. Napatingin ako sa direksyon palabas ng battle arena habang pinagmamasdan ang dalawa palayo sa amin.   Sa kabilang banda, hinihiling ko na sana ako na lang si Ryzen.   +++   “Cure!”   Muling bumunton-hininga si Jane habang ginagamot ang kaniyang sarili. Hindi niya lubos maisip na ganoon kagrabe ang pinsalang matatamo niya sa laban nil ani Hatake. Hirap na hirap siyang maglakad at ikilos man lang ang kaniyang katawan.   “Cure!”   Lalo pa siyang naiinis dahil parang hindi umeepekto ang healing spell niya sa kaniyang sarili. May maidagdag man sa HP niya ay halos 10% lang. Dagdag pa sa isipin niya ang pananahimik ni Ryzen. Mula kasi nang dalhin siya nito sa bahay ni Jin ay hindi na ito kumikibo. Hindi naman niya matukoy ang nasa isip nito dahilan para lalo siyang mabalisa.   “Nagtatampo kaya siya sa akin?” Hindi niya naiwasang itanong sa kaniyang sarili. “O baka galit siya sa akin?”   “Ryzen…”   Hindi siya nito sinagot bagkus ay kinuha nito ang Mana Potion sa bag at kaagad na ginamit sa kaniya. Mabilis naman na bumalik ang kaniyang lakas na animo’y nagdahilan lang. Ngunit kahit ganoon ay ramdam pa rin niya ang p*******t ng kaniyang binti. Tingin niya ay iyon marahil ang dahilan kung bakit mabagal ang pagtaas ng kaniyang HP.   “Galit ka ba?” tanong niya rito at nagulat pa siya nang sagutin siya nito.   “Oo.”   Natigilan siya. Hindi niya akalain na sasagutin siya nito ng direkta.   “Sorry, hindi ko naisip ang posibilidad na maaari niya akong paslangin.” Ngumiti pa siya habang pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri.   “Ganito pala ang pakiramdam ng takot. Takot na mawala sa ‘yo ang isang taong naging mahalaga sa buhay mo. Ni minsan hindi ko naisip nag anito pala ang naramdaman niya nang araw na ‘yon,” sabi ni Ryzen bagay na hindi naman maunawaan ni Jane lalo pa at hindi niya malaman kung siya ang tinutukoy nitong niya.   “Hindi na mauulit.”   Nabigla na lang siya nang bigla siyang hatakin ni Ryzen at ikulong sa mga bisig nito.   “Pwede ka namang bumawi sa akin,” sabi nito. Kahit paano ay nabuhayan siya dahil hindi naman pala ganoon kagrabe ang tampo nito sa kaniya.   “Sige. Paano ba?” nakangiting tanong niya. Ipinikit niya pa ang kaniyang mga mata dahil sa tuwa ngunit kaagad din siyang napamulat nang mariin nang maramdaman ang paglapat ng labi nito sa labi niya habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa isang kamay niya. Hindi niya alam ngunit para siyang naestatwa nang sandaling iyon. Natigilan siya dahil sa labis na pagkabigla lalo na nang lumayo ito sa kaniya at si Grant ang siyang unang nabungaran ng kaniyang mga mata.   “G-Grant…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD