Chapter 27

1457 Words
Isang oras pa lang ang lumilipas magmula nang magsimula ang maintenance. Napasulyap ako sa bintana at tiningnan ang labas habang natutulog naman ang mga kasama ko sa loob ng bahay ni Jin. Malakas ang ulan na may kasamang malalakas na kulog at kidlat na siyang gumuguhit pa sa sahig. Kapansin-pansin din ang malakas na ihip ng hangin na tumatangay ng mga kagamitan na nagkalat sa paligid. Ibig sabihin ay tila isang malakas na bagyo ang nasa labas. Akala ko ay puro ganoon lang ang mangyayari ngunit namangha ako nang makita ang maliliit na robot na animo’y mga gagambang tumatakbo sa sahig bitbit ang mga kahun-kahong bagay na hindi ko maunawaan kung ano. Nagkumpulan silang lahat sa gitna at unti-unting pinagpatung-patong ang mga kahon na iyon. Hindi ko naiwasang ilapat ang palad ko sa salamin ng bintana habang pinagmamasdan sila. Makalipas ang ilang sandali ay nagbago ang istrakturang naroon at naging isang fountain. Parang isang falling star ang pabagsak at ang rumaragasang tubig na kumikinang pa sa gabi ang nagmistulang buntot nito. Hindi pa natapos doon ang lahat nang tumakbo ito patungo sa direksyon ng Ager Sinistram. Mas marami sila kumpara sa mga una kong nakita ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi ko na nasundan ang mga sunod nilang ginawa. Nagpasya akong mahiga na maliit na espasyong nakalaan sa akin upang makapagpahinga na.   Kinaumagahan, nagising ako sa malakas na yugyog ni Jin sa akin.   “Jin, inaantok pa ‘ko.”   “Anong inaantok ka pa? Bumangon ka na riyan. Magsisimula na ang laban ni Jane at Hatake.” Sa narinig ko ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Ang laban nilang hindi sumagi sa isip kong itutuloy ng dalawa.   Kaagad kong inayos ang sarili ko bago patakbong lumabas ng bahay. Naiinis ako dahil hindi ko naalala ang laban nila. Halos wala na akong tulog dahil sa panunuod sa maintenance sa labas. Nakita ko ang ilang pagbabago sa paligid ngunit hindi ko muna pinansin iyon. Kasunod ko lang si Jin habang tinutungo namin ang patungo sa Battle Arena. Naroon si Jane sa gitna at ganoon din si Hatake.   “Tsk! Mukhang may player na namang mamamaalam.”   “Nakakalungkot naman ang magiging laban na ito.”   “Si Hatake ‘yon ‘di ba? Ngunit sino naman ‘yong kalaban niya?”   “Mukhang mahina naman ang isang ‘yan.”   “Alam na sino ang mananalo.”   Naisuntok ko ang aking kamao sa pader sa aking tabi dahil sa labis na inis. Eto na naman. Wala na naman akong magawa kung hindi manood ng isang mapanganib na laban. Wala man lang sa Legendary Rankings si Jane. Paano siya mananalo sa labang ito?   “Sana lang ay hindi maulit ang nangyari kay Unknown,” malungkot na sabi ni Jin.   Sana nga. Iyon din ang paulit-ulit kong ipinagdarasal.   Sa pagsisimula ng kanilang laban, kagaya ng una ay nagkaroon ng barrier ang field upang maiwasang mapinsala ang ibang player na hindi kalahok sa isang PVP match.   Nakatayo lang ang dalawa habang tila pinakikiramdaman ang bawat isa. Kapansin-pansin ang pagiging kalmado ni Jane at ganoon din ang kumpyansa ni Hatake na mananalo siya.   Sa isang mabilis na paggalaw ay sumugod si Hatake bitbit ang malaki niyang espada na gumuguhit pa sa sahig. Kita pa ang naging bitak na dulot nito sa sahig dahil sa bigat at laki nito. Kaagad nitong hinampas ang espada sa kinaroroonan ni Jane na nagdulot ng malakas na pagsabog.   “Jane!” Hindi naiwasan ni Jin ang mapasigaw dahil sa labis na kaba ngunit laking gulat namin nang hindi man lang napinsalaan si Jane sa pag-atakeng iyon.   Kaagad na lumundag si Hatake paatras dahil sa labis na pagkagulat. “Pinapahanga mo ‘ko, Jane.”   “Hindi ako tatanga rito at maghihintay lang ng isang pag-atake. Ako naman ang susugod,” sabi ni Jane.   “The Forbidden!” Idinipa ni Jane ang magkabilang kamay at unti-unting nagliwanag ang buong katawan nito. Ang suot nitong mahabang bistida ay unti-unting naging maikling palda at tube na lang. Sa nakita ng mga manunuod na naroon ay napuno ng malakas na hiyawan ang buong lugar. Maging si Jin at Noob ay halos lumuwa ang mata sa kaseksihang taglay ni Jane. Kitang-kita kasi ang makinis nitong balat at ang malusog nitong dibdib. Sino ba namang lalake ang hindi mapapanganga at maghuhumiyaw kapag ganoon ang makikita? Aminin ko man o hindi, hindi ko naiwasang pamulahan ng pisngi dahil sa itsura nito ngayon. Kung sa suot ni Jane noon ay mukha itong anghel, ngayon naman ay tila isa itong dyosang nagkatawang tao.   “Ang seksi mo, Jane!”   “Jane, akin ka na lang!”   “Itataya ko ang buhay ko para sa ‘yo, Jane!   Sa kabilang banda ay hindi ko rin naiwasang mainis sa mga naririnig ko dahilan para makagat ko ang pang-ibabang labi ko.   “Paulanan ko kaya ng Flame Shot ‘tong mga ‘to,” sabi ko pa. Napansin ko pa ang dahan-dahang paglingon ng dalawang katabi ko sa akin. “Ano? Gusto n’yo rin?”   “Grant, ang ganda ni Jane kasi,” paliwanag ni Jin.   Muli kong itinuon ang atensyon ko sa dalawang magkalaban.   “Isang sacred ritual. Magaling!” Tumawa si Hatake ng malakas na siyang nagpatahimik sa lahat ng hiyawan sa buong lugar. “Akala mo ba ay matatalo ako ng isang shamang wala namang lakas? Isang sacred ritual na tatagal lamang ng tatlumpung minuto. Pinapatawa mo ba ako, Jane?” Muli itong sumugod at walang ginawa si Jane kung hindi ang umilag.   Lumipas ang ilang minute na panay ilag lang ang ginagawa ni Jane, habang patuloy naman sa pag-atake si Hatake.   “Hanggang kailan ka iilag? Ano na? Nasaan na ang pinagmamalaki mong ikaw naman ang aatake?” pagyayabang ni Hatake nang bigla siyang mapatigil sa paggalaw. “A-anong nangyayari?”   “Ang galling. Isang spell binding circle.” Napalingon kami sa sinabi ni Noob. “Minsan ko lang nakita ang skill na ‘yan, isa ‘yan sa deadliest skill ng Shaman na nagkukulong sa katunggali nito sa isang circle gamit ang talisman. Isang teknik bilang panimula ng walang katapusang pag-atake.”   Kung ganoon, hindi puro pag-ilag lang ang ginagawa ni Jane. Ibig sabihin, naghahanda pala ito ng isang pag-atake. Pinagmasdan kong maigi ang susunod na gagawin ni Jane, at hindi ko ito maaaring palampasin. Maaari kayang manalo siya sa labang ito?   Pinagdikit ni Jane ang kaniyang dalawang kamay na animo’y nagdadasal bago nagpakawala ng isang skill.   “Judgement!” Mabilis na gumapang sa sahig na nagkorteng bituin habang si Hatake ay nananatiling nakatayo sa gitna nito. Kaagad na tumama rito ang liwanag na iyon na hindi nito nagawang Ilagan. Mabilis nitong nabawasan ang buhay ni Hatake ng kalahati na siyang naging dahilan para mapaluhod ito.   Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso habang nag-aalala sa magiging resulta ng labang iyon. Ngunit sa kabilang banda ay naroon din ang pananabik na mapanood ang mga susunod na pag-atakeng gagawin ng dalawang magkatunggali.   “Heaven’s Punishment!” Tila mga bulalakaw ang mabibilis na bumulusok pababa na siyang tumama sa kinaroroonan ni Hatake. Nagkaroon itong muli ng matinding epekto kay Hatake ngunit kagaya ng inaasahan, ang malakas na legendary player ay hinding-hindi matatalo ng isang normal player lang.   “Doomsday!” Mahina lang ang pagkakasabi ni Hatake noon ngunit lumikha ng malaking epekto kay Jane. Mabilis na naglaho ang spell binding circle na siyang nagkukulong kay Hatake. “Hindi kita mapapatawad! Huwag mo kong ipahiya!” Kagaya ng nangyari sa laban ni Unknown, mabilis ang naging pangyayari. Isang malaking pagsabog ang siyang nangyari na lumikha ng makapal na usok sa buong paligid.   Binalot ng bulung-bulungan ang buong paligid habang ang ibang naroon at nananatiling nag-aabang sa susunod na mangyayari. Unti-unting naglaho ang makapal na usok at ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang makita ang itsura nila Jane at Hatake. Nakaupo si Jane sa sahig habang punit-punit ang ilang parte ng kaniyang damit. Unti-unti na ring naglalaho ang epekto ng sacred ritual kung kaya bumabalik na sa dati ang mahaba nitong damit. May mga galos na rin siya sa buong katawan at kita ang kakapiranggot na lang nito na buhay. Ubos na rin ang mana nito na siyang lalong nagpapahingal dito. Samantalang nakatayo naman si Hatake sa harap niya habang nakatutok ang malaking espada nito.   “Paalam!” Kaagad nitong inangat ang mabigat nitong espada at mabilis na iwinasiwas sa kinauupuan ni Jane.   Kagaya ng laban ni Unknown, tila tumigil ang aking paghinga maging ang pagtibok ng aking puso dahil sa nasaksihan ko, ngunit hindi ko aakalaing mag darating upang magligtas sa babaeng hindi ko man lang magawang protektahan.   “R-Ryzen?”   At tumilapon ang sandatang hawak ni Hatake palayo sa kaniyang kinaroroonan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD