Chapter 26

1414 Words
“Uy! Nakabalik na pala kayo,” sabi ni Jin pagkapasok pa lang namin sa loob ng bahay nito.   Kaagad namang tumayo si Hatake at ipinulupot ang braso niya sa braso ko. “Grant, bukas samahan mo naman ako sa quest ko.”   Napasulyap ako kay Jane at salubong ang kilay nito. Dire-diretso itong naglakad papasok na animo’y walang ibang nakikita. Hindi man ito tumingin sa direksyon namin ay tiyak kong hindi ito natutuwa sa nangyayari.   “Ah… E…” Hihilahin ko sana ang braso ko mula sa pagkakakapit niya nang lalo niya iyong higpitan at yakapin. Naramdaman ko pa ang dibdib niyang nakadikit sa aking balat dahilan para lalo akong mailang.   “Sige na, Grant. Please…”   “Pero kasi…”   Doon lang natigil si Hatake sa pangungulit nang isang notice ang lumabas mula sa aming screen.   There will be a short maintenance break for approximately 2 hours. You are all advised to stay indoors for your safety.   “Ngayon lang ata maintenance na hindi tayo makakauwi,” sabi ni Jin.   “Oo nga e. Pero curious din ako kung ano ba ang itsura ng loob ng game during maintenance.” Napaisip din ako sa sinabi ni Hatake. Ano nga ba ang itsura ng game during maintenance? Eto ang unang beses na mananatili kami sa loob ng RTS habang nagkakaroon ng maintenance. Base sa notice, we should stay indoors for our safety. Ibig bang sabihin ganoon kamapanganib ang system maintenance kung lalabas kami ng bahay?   Isang notice ang muling lumabas sa aming screen.   Maintenance will start at precisely 1 A.M. and end at 3 A.M.                                                              “Malapit na palang magsimula ang system maintenance. Pero para saan kaya ang gagawin nilang maintenance?” tanong ni Jin.   “Baka magkakaroon ng new event,” hula ni Noob.   “New event?” Napakunot ang noo ni Hatake. Marahil iniisip niya kung anong event ang susunod. Kahit sino naman sa amin ay walang ideya lalo pa at biglaan ang lahat ng nangyayari sa amin dito sa loob ng game.   “Kadalasan naman sa mga RPG games ganoon hindi ba? Alam n’yo na. Ako kasi fan talaga ako ng RPG games, iyon nga lang hindi ko akalain na ang lalaruin ko ngayon ang magbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Bukod sa itinaya ko ang buhay ko sa paglalaro ng game na ‘to, wala naman akong kahit na anong kahilingan. Gusto ko lang talaga takasan ang mundo na puro na lang gulo.” Hindi ko lubos maisip na ganoon pala kalalim mag-isip si Noob. Kung titingnan ang personalidad niya, hindi mo talaga iisiping ganoon siya. Base sa first impression ko sa kaniya ay parang ako siya noong baguhan pa lang ako rito. Takot masaktan, takot na lumaban, takot sa lahat, dahil na rin siguro ayokong mabalewala lahat ng pinaghihirapan ko rito lalo pa at nakasalalay sa paglalaro ko ang kaligtasan ni Hannah.   “Hatake, curious lang ako, ano ba ang dahilan ng paglalaro mo ng RTS?” tanong ni Jin. Natahimik naman kaming lahat habang naghihintay ng isasagot niya.   “Ang totoo niyan, naglalaro kasi ng RTS ang lalakeng gustung-gusto ko.” Nakita namin ang pamumula ng pisngi nito na lalong nagpatingkad sa kakyutan niya.   Napalingon naman si Noob at Jin sa akin kaya napailing pa ako. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nakita ko si Hatake kaya malabong ako ang tinutukoy nito.   “Teka, sino ba ‘yang lalakeng nagugustuhan mo?” Hindi na ako nagdalawang isip at itinanong iyon kaagad sa kaniya. Mabuti na ‘yong malinaw.   Saglit itong tumahimik at niyakap ang braso ko.   “Si Ryzen.”   Sabay-sabay kaming napanganga dahil sa pagkabigla. Ngunit mas nagulat kaming dalawa ni Jin lalo pa at mukhang hindi pa alam ni Hatake kung anong klaseng tao ang lalakeng nagugustuhan niya.   “Ah si Ryzen, ‘yong mamaw na nakipaglaban kay Unknown. Masama naman ugali no’n. Pinatay ni—” Napalingon kaming dalawa ni Jin kay Noob at sabay naming tinakpan ang bibig nito. Base kasi sa unang mga salitang sinabi nito nasiguro kaagad namin na naroon ito sa battle arena sa laban ni Unknown at Ryzen. Malamang ay alam na rin nito na si Ryzen ang dahilan ng pagkamatay ni Unknown bagay na ayaw naming malaman ni Jane, at ngayon maging ni Hatake.   “May sinasabi ka ba, Noob?” pagtataka ni Hatake.   “Ah ibig niyang sabihin, si Ryzen ‘yong mamaw na player na pumatay sa Raziel. Hindi ba, Noob?” Pinandilatan pa namin siya ng mata upang manahimik na lang siya at mukhang naintindihan naman niya ang nais naming iparating.   “Ah oo. Napakalakas talaga ni Ryzen ko.” Isinandal pa ni Hatake ang kaniyang ulo sa braso ko na siyang lalo kong ikinaiilang lalo pa at kanina pa kapansin-pansin ang masasamang tingin ni Jane sa akin na hindi ko maiwasan. Makailang beses kong sinubukang tanggalin ang braso ko mula sa pagkakayakap niya ay mukhang wala siyang balak na bitawan ito.   “Pero bakit kay Grant ka habol ng habol?”   Natigilan ito. Nawala ang kilig na kanina lang ay nag-uumapaw sa kaniya at sumilay ang isang mapanlinlang na mga ngiti sa labi.   “Dahil interesado si Ryzen kay Grant. Gusto kong malaman kung bakit at malalaman ko lang ang sagot sa pamamagitan ng isang PVP battle.”   Bigla kaming natigilan. Iyon pala ang totoong dahilan kaya ito dumidikit sa akin. Marahil ay inaalam nito kung saang aspeto ako malakas at kung ano naman ang kahinaan ko. Pero bakit pa? Ano bang laban ko sa isang Rank 3 player? Napakalaki ng agwat naming dalawa. Sa lakas pa lang niya tiyak kong ganoon kadali niya lang akong matatalo. Ngunit ang mas ikinabahala ko ay ang kaligtasan ko. Paano kung paslangin niya rin ako kagaya ng ginawa ni Ryzen kay Unknown? Kung ganoon ay wala nga silang pinagkaiba.   “Teka, Hatake. Kailangan pa ba ‘yon? Kita naman ang agwat ng kakayahan ninyong dalawa hindi ba? Paano naman mananalo si Grant sa ‘yo?” sabi ni Jin. Malamang ay naiisip din niya ang posibilidad na naiisip ko.   “Kailangan ‘yon. Iyon lang din kasi ang paraan para mapansin ako ni Ryzen. Lagi niya na lang kasi akong sinusungitan.” Bigla namang lumungkot ang mukha nito at in an instant muli na namang determinado ang itsura nito. “Pero inaasahan kong hindi mo ako tatalikuran sa laban natin, Grant.”   Mukhang wala na akong pagpipilian. Kailangan kong tanggapin ang hamon niya upang matahimik na rin siya at nang sa ganoon ay hindi niya na ako kulitin.   “Tinatanggap ko,” sabi ko.   “Talaga ba, Grant?” Tila nagningning naman ang mat anito dahil sa sinabi ko. Mukhang wala nang atrasan ‘to pero akala ko lang pala ‘yon nang biglang magsalita si Jane.   “Ayoko!” Napalingon kaming lahat sa kaniya. “Hindi ako pumapayag sa isang PVP battle sa pagitan n’yo ni Grant.”   “Teka nga, ano ka? Manager ni Grant?” Natigilan kami nila Jin habang pinagmamasdan ang dalawa.   “Kailangan bam aging manager ako ni Grant para tumutol ako?” tugon ni Jane.   “E kung hindi ka manager, ano ka? Girlfriend?”   “Paano kung sabihin kong oo, may problema ka ba roon?” Pinagkrus pa ni Jane ang kaniyang braso sa harap ng kaniyang dibdib upang ipakita na desidido siya sa pagtutol.   Kaagad naman akong siniko ni Jin dahil sa sinabi ni Jane.   “Kailan pa? Kaya ba nawala kayo kagabi? Hindi mo man lang sinasabi ha…” panunukso nito.   “Walang ganoon, Jin,” pagtanggi ko kasi wala naman talaga.   “Umamin na nga siya, tatanggi ka pa ba?” patuloy na pang-aalaska ni Jin. Bigla kaming napalingong muli sa dalawang babaeng nag-uusap dahil sa patuloy nilang pagtatalo.   “Tinatanggap ko!”   “Then, good. All are set. After maintenance magsisimula ang laban nating dalawa.”   Teka… Hindi ‘to pwede. Isang mapanganib na laban ang PVP battle at hindi ako makapapayag na si Jane naman ang malalagay sa panganib nang dahil sa akin. Hindi ko ito matatanggap.   “Teka, hindi ako pumapayag.”   “Nakapagdesisyon na ang girlfriend mo, wala ka nang magagawa,” sabi ni Hatake. “Tingnan nga natin kung ano ang laban ng isang Shaman sa isang kagaya kong Rank 3 player.” Ngumiti pa ito at niyakap ako. Nabigla pa ako nang dampian nito nang halik ang aking pisngi na siyang ipinagngitngit lalo ng itsura ni Jane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD