Sa pagkakataong iyon ay nakarating kami sa mas mataas na floor ng endless dungeon. Kahit paano ay narating namin ang floor 60. Iyon nga lang, after noon ay halos hindi na ako kinakausap ni Jin. Kunsabagay, mula pa nang paslangin ko ang lahat ng nais humadlang sa daraanan ko ay naging kakaiba na ang pakikitungo sa akin ni Jin. Parang hindi ko na siya kilala. Talaga bang tinalikuran niya na ako bilang kaibigan niya? “Jin…” Tinawag ko ang pangalan niya matapos naming makarating sa tapat ng bahay niya. “Kung kailangan mo ng tulong, just leave me a message, pupunta ako kaagad dito.” “Salamat, Grant.” Iyon lang ang sinabi niya at diretso nang pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Hindi ko naiwasang sundan ng tingin ang kaniyang likuran habang pakiramdam ko ay unti-unti na siyang lumalayo sa

