Chapter 2

1151 Words
Pagkapindot na pagkapindot ko sa start button ay napasigaw ako nang pakiramdam ko ay tila nahuhulog ako sa lawak ng kalawakan. Tanaw na tanaw ko ang ganda ng mga bituin. Sinubukan kong hubarin ang shades na suot ko ngunit tila may lock function ito na hindi ko na mahubad sa pagkakasuot. Ang ear pods naman na suot ko ay naging hikaw sa tenga ko. Patuloy lang ako sa pagbulusok pababa hanggang sa dahan-dahang lumapat ang aking mga paa sa sahig. Doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Ngunit hindi ko akalaing sa paglapat ng mga paa ko ay kasabay ko rin pala ang taong babago sa lahat ng nakatakdang mangyari.   Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman kong muli ang kakaibang bilis ng t***k ng puso ko nang magtama ang aming mga mata.   “Anong tinitingin-tingin mo?” Nasungitan niya naman ako nang wala sa oras.   “New player ka rin?” tanong ko habang pilit pinapakalma ang sarili.   “Oo,” matipid na tugon niya.   “Ako rin.” Ngumiti ako ngunit hindi niya ako pinansin bagkus ay inirapan pa ako.   “Hindi ko naman tinatanong.”   Humakbang siya paabante at mukhang aalis na ngunit bigla rin siyang tumigil kalaunan.   “Paano ba ‘to? Ayaw mawala. Nakakainis!” Narinig kong Singhal niya kaya lumapit na ako. Tila nahinuha ko naman kaagad kung ano ang ikinaiinis niya. Kaagad kong hinawakan ang braso niya at pinindot ang skip button sa smart watch n suot niya. Mabilisan niya ring hinaltak ang braso niya na animo’y may nakahahawa akong sakit dahil sa pagkakahawak ko sa kaniya.   “Hey! I am just trying to be nice okay?”   “Well, I don’t. “   That moment ay bigla na lang may lumabas na higanteng butiki sa harapan namin. Doon ko lang napansin na wala na pala ang shades na kanina lang ay suot naming. Tila naging isa itong contact lense sa aming mga mata at nagfa-flash lang doon ang information ng mga bagay kapag natitigan naming. Kaagad ding lumabas rito kung anong klaseng halimaw ang ngayon ay nasa harapan naming.   Rank 9 Elite Monster Lvl 19 Salamander HP 100,000   An Elite monster? Kahit paano ay may ideya na rin ako sa paglalaro ng ganitong game since mahilig talaga ako maglaro ng online rpg games, lately na lang talaga natigil mula nang maaksidente si Hannah. Kung isa itong elite monster, marahil ay isa rin itong boss monster. Kung ganoon ay hindi man lang namin magagalusan ito kung sakali. Ngunit huli na nang makita kong tusukin ito ng babaeng katabi ko ng stick na hawak niya bilang pansamantalang sandata. Napuno kaagad ng kaba ang dibdib ko sa takot na paano na ang hiling ko kung ganoon kabilis lang rin akong mawawala sa larong ito.   Ngunit tila nilukuban ng swerte ang babaeng ito nang biglang bumagsak ang Salamander sa harapan namin na wala nang buhay.   “Nakakainis! Sayang oras ko.” Napalingon kami sa lalakeng dahilan ng pagkamatay ng Salamander. Isa itong lvl 80 player base sa nakasulat katabi ng in game name nito. Nakabaluti ito na kulay ginto at sa isang iglap ay bigla ring nawala. Hindi ko man lang din napansin nabasa ang in game nito dahil sa ibang titik iyon isinulat.   Kaagad naman ding nalipat ang atensyon ko sa pagiging tahimik nang babaeng nasa tabi ko kaya tinanong ko na ito.   “Anong problema?”   Nakatingin ito sa sahig at kaagad dinampot ang bagay na nasa kaniyang paanan at nang humarap ito sa akin, hindi ko akalaing isang matamis na ngiti niya lang ang tuluyang babago sa larong aking sinimulan.   Lumapit ako sa kaniya upang tingnan ang hawak niya. Pagtingin ko rito ay nagulat naman ako sa information na lumabas mula rito.   Ancient Gem Rare item Description: An ancient stone used to craft rare weapons and gears. 1,087,000 ᶬ   “Ang swerte mo!” nasabi ko na lang dahil sa labis na pagkamangha. Blessing na rin pala na sinundot niya ang Salamander at swerte rin na may ibang player ang pumatay doon. Dahil doon sa kaniya pa napunta ang rare item na hawak niya ngayon.   “Oo nga,” sabi niya. Sa unang pagkakataon ay hindi niya ako sinimangutan. Doon ko lang din siya mas natitigan ng malapitan. Mahaba ang kaniyang mga pilikmata, na bumagay sa mahaba niyang buhok. May katamtamang tangos rin ang kaniyang ilong at saktong nipis ng labi. Medyo singkit din ang kaniyang mga mata at ang saktong nunal sa kaniyang sintido naman ang tumugma rito. Napansin ko na lang ang biglang pag-iiba ng awra niya nang bigla kumunot ang kaniyang noo. Doon ko lang napagtanto na ang tagal na pala ng pagkakatitig ko sa kaniya kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin at napahawak na lang sa aking batok.   “Pinagnanasahan mo ba ako?”   Napatingin ako kaagad sa kaniya dahil sa tanong na iyon? Seryoso ba siya? Pinagnanasahan ko raw siya?   “Look, hindi ko alam kung saan nanggaling ang iniisip mong ‘yan dahil unang-una sa lahat, may girlfriend na ako, at pangalawa, hindi ka naman kagandahan o kaseksihan para pagnasahan,” sagot ko.   Napansin ko naman ang pagtingin niya sa buong katawan niya at sabay pinagkrus ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga dibdib. Hindi ko man gustong mapansin pero napansin ko ang laki ng kaniyang dibdib dahil sa ginawa niyang iyon kaya kaagad na pinamulahan ang mukha ko.   “Sinasabi ko na nga ba. Pinagnanasahan mo ko!”   “T-teka hoy! Anong pinagnanasahan ka riyan?”   “E bakit nagba-blush ka? Kinikilig ka? May gusto ka sa akin no?”   Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niyang iyon. Grabe ang lakas ng fighting spirit niya para isipin niya kaagad na may gusto ako sa kaniya.   “Alam mo, ayoko na sanang sabihin sa’yo ‘to pero walang-wala ka sa istura pa lang ng girlfriend ko. Idagdag na rin natin na mabait ‘yon at hindi masungit na kagaya mon a akala mo galit sa mundo. Pinaglihi ka ba ng nanay mo sa sama ng loob?”   Sa sinabi kong iyon ay bigla siyang natahimik at nag-switch ang awra niya. Ngayon kasi ay bigla na lang siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin. Kaagad ko naman siyang sinundan at doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala siya. That moment, pakiramdam ko ay ang sama-sama ko. Masyado ata akong naging hard sa kaniya. Pero masisisi niya ba ako?   “Hey!” Hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Kasalukuyan siyang nakayuko at walang imik. Tanging ang mga luha lang sa kaniyang mga mata ang nagsasabi na may mali nga talaga akong nasabi sa kaniya. “Sorry kung may nasabi man ako na hindi mo nagustuhan.”   Bigla naman siyang nag-angat ng ulo at sinuntok ako sa mukha.   “Sorry mo mukha mo! Bwisit ka! I hate you, bwisit!”   Natulala na lang ako habang sapo ang aking pisngi at tinitingnan siyang maglakad papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD