Chapter 36

1188 Words
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan si Ryzen sa aking harapan. Nakayuko ito habang pumapatak ang dugo sa sahig. Nanginginig ako at nanlalaki ang aking mga mata habang pinagmamasdan itong naghahabol sa paghinga. Ang HP nito ay halos 500 na lang ang natira. Unti-unti itong napaluhod sa kinatatayuan nito at tuluyang bumagsak ang katawan sa sahig.   “Ryzen!” Niyugyog ko ito nang makailang ulit ngunit hindi ito sumasagot. Nawalan ito ng malay. Nilibot ko ng aking paningin ang buong lugar at wala na rin ang bakas ng Tzeentch. Isang notice din ang kaagad na lumabas sa aking screen.   Ryzen killed Tzeentch.   Ibig sabihin ay nagawa niyang patayin ang Tzeentch. Ngunit paano? Halos hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari dahil unti-unti na kaming nilamon ng liwanag dulot ng pag-atake ng Tzeentch. Bigla ko namang naalala si Jane. Kaagad ko siyang nilingon at 50% ng kaniyang buhay ang nawala. May malay naman siya ngunit lalapitan ko pa lang sana siya nang bigla itong tumakbo palapit sa amin at gumamit ng healing skill.   “Cure!”   Niyugyog niya si Ryzen at kitang-kita ko ang labis-labis na pag-aalala niya para dito.   “Ryzen, gumising ka!” Sinuntok niya pa ito sa dibdib ngunit hindi pa rin ito nagigising. Nanatili lang na nakayuko si Jane habang patuloy sa pagsuntok sa dibdib nito. Unti-unting bumagsak ang mga luha nito na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Bakit ako nasasaktan?   Bakit mo siya iniiyakan? Bakit mo iniiyakan ang isang taong kagaya niya? Pinatay niya si Unknown. Dapat nga ay mamatay na rin siya.   Bigla akong napatigil nang unti-unting gumalaw ang braso ni Ryzen at niyakap si Jane. Napasubsob naman si Jane sa dibdib nito at doon tuluyang umiyak. Habang pinagmamasdan ko kung gaano nakahinga nang maluwag si Jane ay mas lalo akong nasaktan. Bakit siya nasasaktan nang ganoon dahil sa isang kagaya ni Ryzen na walang kwenta? Ngunit napatigil ako sa isiping iyon. Halos wala na rin akong pinag-iba kay Ryzen sa mga iniisip kong iyon. Pero masisisi niya ba ako? Kahit na kailangan ay hindi ko kayang kalimutan kung paano niya pinaslang ang isang batang itinuring ko nang nakababatang kapatid ko nang dahil lang sa kapangyarihan. Sa ngayon ay utang ko sa kaniya ang buhay ko pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na siya sisingilin sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa akin.   “I’m sorry for making you worry, Jane. Hindi na mauulit.”   +++   “Tara na kasi sa Endless Dungeon,” pangungulit ni Ryzen kahit paulit-ulit nang sinasabi ni Jane na hindi kami tutuloy.   “Sinabi ko nang hindi na muna ‘di ba?” pagsusungit niya kay Ryzen. Lihim akong natawa. Akala ko ako lang ang sinusungitan niya ngunit pati rin pala si Ryzen.   “Pero hindi ba nagpapasama ka?”   “Paano mo pa ako sasamahan sa lagay mong ‘yan? Ano bang tingin mo sa sarili mo, imortal?” panenermon niya pa.   Nakikinig lang ako sa kanila kahit sa loob-loob ko ay iritang-irita na ako. Kailangan ba talaga magkulitan sila habang kasama nila ako?   “Kaya ko pa naman,” sabi nito.   “Kaya mo pa talaga?” Sinundot naman ni Jane ang tagiliran ni Ryzen na may galos dahil sa labanan nila ng Tzeentch. Kaagad naman itong napangiwi dahil doon. “Iyan ba ang kaya pa?”   “Jane, tara na kasi.”   “Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang mawalan ka ng malay? Akala ko mamamatay ka na. Akala ko mawawala ka na sa akin!”   Natigilan si Ryzen at ganoon din ako. Talagang galit si Jane. Ngunit mas nasorpresa ako nang yakapin ni Ryzen si Jane.   “Salamat, Jane. Pero ayos na talaga ako. Wala kang dapat ipag-alala pa. Sige bukas na lang tayo tumuloy sa run natin pero pwede bang samahan mo muna ako sa bahay. Gusto ko ikaw ang unang makikita ko paggising ko.”   “Hindi pwede!” Hindi na ako nakatiis at sumagot. Seryoso ba siyang isasama niya si Jane sa bahay niya? Mamaya ano pa ang gawin niya kay Jane. “Hindi ako pumpayag.”   “Sige pumapayag ako.”   “T-teka, Jane. Talagang sasama ka sa isang ‘yan?” pagmamaktol ko. Talaga bang balewala na sa kaniya ang opinyon ko?   “Ano namang masama kung sumama ako sa kaniya? Single naman ako.”   Nakakagigil.   “Ah basta hindi ka sasama sa kaniya,” sabi ko at hinawakan siya sa braso. Ngunit nang hilahin ko siya ay hinila din siya ni Ryzen sa kabilang kamay.   “At sino namang may sabing pwede mo siyang isama. Nagdesisyon na si Jane at gusto niyang sumama sa akin.”   “Sinasamantala mo naman ang kahinaan niya ngayon,” singhal ko.   “Pwede ba, Grant. Huwag kasing masyadong madumi ang utak mo. Wala akong balak gawin na kahit na ano kay Jane. Hindi ba at dapat nga ako pa ang maglayo sa kaniya sa inyo, dahil nag-iisa lang siyang babae sa maliit na bahay ni Jin?”   Nagsimula nang dumami ang mga tao sa paligid. Lahat ay naghihintay ng mga susunod naming sasabihin habang ang iba naman ay nag-aabang ng susunod na mangyayari na animo’y nanunuod ng isang shooting sa pelikula.   “At ikaw naman, alam mo kasing masosolo mo si Jane. Sinong maniniwalang wala kang gagawin sa kaniya.” Muli kong hinila si Jane ngunit ayaw talagang bitiwan ni Ryzen ang isang kamay niya. “Tara na, Jane.”   “Hindi siya sasama sa ‘yo. Huwag kang mapilit.”   “Sasama siya sa akin kahit na ayaw niya pa.”   “Ganyan ka ba talagang tumrato ng isang babae?” Bigla akong natigilan sa sinabi nito. “Hindi mo ba nakikitang ayaw niyang sumama sa ‘yo?” Lumingon ako sa kanila at tama ito. Naroon si Jane sa tabi niya habang ako nagpupumilit na isama siya sa akin. “Hindi mo siya pag-aari para pasunurin mo sa lahat ng gusto mo, Grant.” Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi nito. Tama naman ito sa lahat ng sinabi nito. Sino baa ko para pangunahan ang desisyon ni Jane. Wala naman kaming relasyon at ang tanging dahilan kaya ako naglalaro ay para sa kapakanan ni Hannah. Ano ba ang dahilan ng ipinagmamaktol ko? Bakit ba ganito na lang ako kung maapektuhan kapag si Jane na ang pinag-uusapan? Dahan-dahan kong binitawan ang kaniyang kamay at hinayaan siyang sumama sa lalakeng mas gusto niyang makasama sa mga susunod na araw ng kaniyang buhay.   Nagsimula akong ihakbang ang aking mga paa at tumalikod na. Paalis na sana ako nang marinig kong magsalita si Jane.   “Ryzen, bukas na lang kita sasamahan sa inyo. May kailangan pala kaming pag-usapan ni Grant.”   “Sige, Jane. Update mo na lang ako sa guild ha?” Tinapik pa nito ang ulo ni Jane at isang halik sa noo ang iniwan nito sa huli bago naglakad paalis.   “Grant.” Humarap siya sa akin bago nagsalita. “May sasabihin lang sana ko.”   Unti-unting bumilis ang pagtibok ng puso ko kasabay ng pagpatak ng ulan mula sa kalangitan.   “Sasama na ako kay Ryzen.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD