"Kaeya anak, tama na ang paghahanap kay Cetrine. Hindi na siya babalik!" pagalit na saad ni Alicia sa kaniyang anak.
"No, mom, magbabayad siya sa ginawa niya sa'kin!" pasigaw at pagalit na wika ni Kaeya sa kaniyang mommy.
Napaupo si Alicia sa sofa at naalala nito ang kaniyang nakaraan. Alam nitong hindi galing sa pagmamahal ang kaniyang anak at biktima siya ng panggagahasa ng kaniyang namatay na asawa na si Kenzou Kozouki. Alam niya rin na nagmana ang kaniyang anak sa pag-uugali ng kaniyang ama. Kitang-kita nito sa kaniyang harapan kung paano niyang nakitang pinagsamantalahan niya si Cetrine.
"Tanggapin mo na si Hakken ang minamahal niya. Tanggapin mo na siya talaga ang kasintahan niya. Bakit hindi mo matanggap iyon, anak?!"
"Kasintahan niya man ang pinsan ko, pero ako pa rin ang nakakuha sa kaniya mommy. Hindi siya makakatakas sa kamay ko. Kung makita ko man siya, taste my punishments on her. She deserves it!"
Umiyak nang umiyak si Alicia dahil sa pag-uugali ng kaniyang anak. Sa murang edad ni Kaeya siya na ang naging "Oyabun" ng kanilang pamilya.
"Hindi mo puwedeng gawin iyan anak. Hayaan mo na siya, you deserves someone better."
"No, mommy! Alam mo ang pag-uugali ko," kasabay nito ang pagdila ng kaniyang barril.