Chapter 1: Oyabun

1268 Words
"He is totally freak!" saad ng isang teacher na pinag-uusapan nila si Kaeya. Sa ngayon ay nasa bansang Japan si Kaeya at nag-aaral siya sa pinakapribadong paaralan sa Japan. Tahimik lang siya at walang masyadong kaibigan. Sa ngayon ay nasa primary 2 pa lang ito. Ang inaakala ng teacher ay hindi nakakaintindi ng salitang Ingles si Kaeya. Nilapitan ni Kaeya ang kaniyang teacher at saka niya ito binulungan. "Naze kodomo? (Bakit anak?)" pagkukunwaring tanong ng kanilang guro sa English sa malambing na pananalita. "You will die, tonight," bulong ni Kaeya sa kaniyang guro. "Huh? Anata wa watashi no koto ga wakari masu ne? (Naintindihan mo ako?)" pagtatakang tanong ng guro sa kaniya at naging seryoso ang mukha nito sa harapan ni Kaeya. "Sorry, Miss Kagayo, I am not idiot here. I understand you!" Nagbiro ang kaniyang guro dahil alam nitong bata lang ang kausap niya. "You're going to kill me? how do you do that?" May kinuha si Kaeya sa kaniyang bulsa at tinasak niya ang ballpen sa tiyan ni Miss Kagayo. Nabigla ang guro niya at halos matumba siya sa sakit. Umagos ang dugo niya sa kaniyang damit. "Like this, Miss Kagayo. Don't underestimate me. If you think I'm only a child, yes I am a child. But this child is know how to kill you," bulong nito sa kaniyang guro. Nagulat ang kaniyang guro at nagsigawan naman ang mga estudyante sa paaralan.Tumatawag naman ng tulong ang iba niyang guro. Hindi sila makapaniwala na magagawa ng isang batang paslit ang manakit. Umalarma ang lahat habang patuloy silang humihingi nang saklolo. Hindi nila malapitan ang batang si Kaeya. "Tasukete! (Help!)," sigaw ng kaniyang ibang guro. "If you think I'm a freak, yes, you are right! I am totally freak!" sarkastiko nitong bulong muli kay Miss Kagayo. "Y-You a-are an e-evil k-kid..." nahihirapang saad ng kaniyang guro. Bigla siyang pabiglang hinila ng principal upang makalayo siya kay Miss Kagayo. Nagkunwaring umiiyak ang bata at binitiwan nito ang hawak niyang ballpen na may dugo ng guro na si Miss Kagayo. "Gomen nasai! Gomen nasai! (Sorry! Sorrry!) ahhhhhhh," pagkukunwaring iyak nito sa harapan ng mga guro at principal. Nang makalayo na sila kasama niya ang principal bigla itong tumingin sa kaniyang guro. Ngumiti rin siya nang may pang-iinsulto. "Die!" buka ng bibig ni Kaeya at labis na natakot ang guro sa kaniya. Napaluha ang guro at naisip niyang dapat pala ay kinikilala nito ang kaniyang mga estudyante. Ipinatawag ang magulang niya at ang nakausap nila ang kaniyang daddy na si Kenzou Kozouki. Binayaran nito ang pagkaka-hospital ng guro. "Anata no kodomo wa sensei o kizutsuketa tame ni tsuihou sa remashita, (Expelled na ang anak mo sa paaralan namin dahil sa pananakit sa kaniyang guro)" seryosong wika ng punong-guro sa daddy niya. Inalapag ng daddy ni Kaeya ang brief case at naglalaman ito ng 10 million yen. "Wakari mashita ga musuko o gakkou kara okuridasu koto wa dekimasen (sige na nga, naiintindihan ko pero alam kong hindi mo mapapaalis ang anak ko sa school ninyo,)" wika ni Kenzou sa Principal. "Dore kurai no okane ga arimasu ka! (Ang daming pera nito!)" pagkamangha ng principal sa laman ng brief case. Pumayag ang guro nilang hindi na papaalisin si Kaeya sa school nila. Pero alam ng ama niya ang ugali ng bata at sa murang edad nito ay parang binata na kung mag-isip. Alam din ng daddy niya kung gaano siya katalino at hindi laruan ang mga pinaglalaruan niya. Nakarating na sila sa mansion at sinalubong sila ng kanilang mga maid. "Okaeri nasai (maligayang pagbabalik), Master Kaeya and Master Kenzou," saad ng mga maid. Sinalubong naman din sila ni Alicia na mommy ni Kaeya at asawa naman ni Kenzou. Nagpahinga si Kaeya upang magsanay ng gun shooter ng kaniyang lolong si Obito. Seryosong bata si Kaeya at ikinatatakot ng mommy nito ang pagiging agresibo ng batang si Kaeya. "Baby, huwag muna kayong maglaro ng gun shooter ng lolo mo ngayon," malambing na turan ni Alicia Mendez sa kaniyang anak. "No, mommy, ang sabi ni lolo ay magsasanay raw kami," saad ni Kaeya sa kaniya. Nagbihis si Kaeya at sa kaniyang likuran ay nakikita ng kaniyang mommy ang simbulo ng kanilang pamilya. Ang Dragon at Moon na tattoo sa likuran ni Kaeya ay ang simbulo na siya ang susunod na magiging "Oyabun o Head family" ng Yakuza. Gustong itakas ni Alicia ang kaniyang anak dahil nakasakripisyo na ang buhay nito sa magiging susunod niyang kapalaran at nakasanayan ng pamilyang "Kozouki". Pati na rin ang buhay ng pagiging criminal ay dadalhin nito hanggang sa kaniyang pagtanda. Minsan ay isinasama siya ng kaniyang daddy sa casino, pasugalan, nakawan sa bangko at pagpatay ng kalaban nilang organisasyon. Hindi niya makakailang doon nanggagaling ang yaman ng pamilya nila. Pero kahit na ganoon hindi sila sangkot sa droga. Dumating ang kaniyang kaarawan at ang regalo ng kaniyang lolo ay ang barril. Pinakamahal at pinakamataas ng uri ng barril ang ineregalo sa kaniya. "Always remember this Kaeya. A life without no changes can't be called life. You can call it, experience," wika ni Kenzou sa kaniya. Ngumiti lang si Kaeya sa kaniya. "I know Oji-chan." Sa ngayon ay 8 years old na si Kaeya at nakatakda na ang kaniyang kapalaran bilang magiging kapalit ng kaniyang daddy Kenzou. Ang kaniyang daddy ay ang pinakamataas na rank sa kanilang pamilya, ang pagiging "Oyabun o family head" ng kanilang organisasyon. Isa siyang numero unong kriminal subalit magpa-hanggang ngayon ay hindi siya kayang tugisin. Marami siyang konektado sa gobyerno ng Japan kaya't hindi siya kayang hulihin. Marami na rin itong pinatay na pulis at mga taong nais kumalaban sa kaniya. Subalit nanatiling malinis ang kaniyang mga nagagawang crimen. Ngunit isang araw ay nagulat ito dahil ang sinasakyan na Yatte ng kaniyang asawa ay sumabog. Namatay ang asawa niya sa kaniyang sinasakyang yatte at habang nakaburol ang asawa nito, biglang dumating ang kapatid ng kaniyang asawa na si Juri Kozouki. Inamin nito kay Alicia na siya ang pumatay sa kaniyang kapatid dahil gusto niyang maagaw ang posisyon nito. "Hai, watashi wa watashi no kyoudai o koroshi mashita anata wa shiawase desu ka? (oo, ako ang pumatay sa kapatid ko masaya na kayo?)," sarkastiko nitong wika ni Juri sa kanila. Sinampal ni Alicia ang kapatid ng kaniyang asawa at bigla siyang niyakap ng kaniyang itinuring na kapatid. "I'll already killed your husband because I love you. Other than that, I like his place and I should be the Oyabun in this family! I don't want to be a servant anymore!" Biglang tumayo si Kaeya na may hawak na barril. Tinutukan niya ng barril ang kaniyang tiyo. Pero biglang sumabat ang kaniyang ina. "Huwag anak, tama na!" umiiyak na wika ng kaniyang mommy. "No, mom, pinatay niya si daddy. Kailangan niya ring mamatay!" wika ni Kaeya sa kaniyang mommy. "Hindi anak, huwag mong hahayaang madumihan ang kamay mo. Please, anak.." Sinipa ni Juri ang kaniyang pamangkin at namilipit sa sakit ng kaniyang sikmura ang bata. "No, stop it Juri! He is only a child!" "That child is bastard! I will not let him taking away my position!" Napaiyak si Kaeya sa kaniyang mommy at kahit ano pa man ang pagka-matured ni Kaeya ay labis pa rin itong nasasaktan sa pagkamatay ng kaniyang daddy. "DADDY! DADDY! DADDY!" sunod-sunod na pagtawag nito sa pangalan ng kaniyang daddy Kenzou. Biglang dumating ang lolo niya at pinaalis nito ang kaniyang anak. Magmula noong araw na iyon hindi na masyadong kumibo si Kaeya. Nanghina na ito at nawala na ang lakas ng kaniyang loob. Natatakot na siya sa barril at napagdesisyunan ng kaniyang ina na umuwi muna sila sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD