Alicia's POV
Kaeya is my one and only son. He is my life together with my husband, Kenzou Kozouki. Napunta ako rito sa Japan dahil sa aking ama na si Alfredo Mendez upang hanapin ko siya at dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Ang mama ko naman ay isang Americana na si Halley Taylor pero maaga siyang kinuha ni Lord. Nagtrabaho ako bilang entertainer dito sa Japan. Noong una akong nakarating dito sadyang natakot ako dahil hindi ito ang nakasanayan ko. Sa edad na 21 years old nagsumikap ako para makaahon sa hirap at umaasa akong mahahanap ko si papa na hindi na nakauwi, limang taon na ang nakakaraan. Wala na kaming naging balita sa kaniya at hindi na rin niya naabutan ang libing at burol ni mama. Isang araw habang nasa Akihabara ako, nakita ko na si papa at may kasama siyang ibang babae. May pamilya na pala siya rito sa Japan at ang napangasawa niya ay isang haponesa. Pinuntahan ko siya at umiyak ako sa harapan niya at ang sinabi niya sa akin ay huwag na raw akong magpapakita sa kaniya.
"Alicia, huwag kang mag-eskandalo rito. Heto ang pera, umalis ka na at may ibang pamilya na ako," pagalit niyang bulong sa akin.
Hindi ko tinanggap ang pera niya at itinulak kong papalayo ang papa ko sa'kin. Isa siyang taksil at labis ang galit ko sa kaniya. Habang naglalakad ako, umupo ako sa upuan ng parke at umiyak. May nakita akong lalaki na mukhang prinsepe ang hitsura. Matangkad, makinis at maputi, parang god of persian ang pangangatawan, guwapo, nakakatunaw at parang nasa kaniya na ang lahat na pinapangarap ng isang kababaihan. Mukhang mayaman dahil nakasandal siya sa kaniyang napakagararang sasakyan habang naninigarilyo ito. Namula ako dahil siya rin pala ang tinitingnan ng mga babae sa likuran ko.
"Hansamu (pogi)..." pakilig na wika ng isang babae sa'king likuran.
Tumayo ako at nagsimula nang maglakad dahil kailangan ko nang pumunta sa boarding house ko. Kinabukasan ay nagsara ang pinapasukan kong trabaho at inalok naman ako ng kaibigan kong mamasukan bilang kasambahay sa isang masion. Pumayag ako at namasukan nga kaming bilang kasambahay sa masion ng mga "Kozouki Family". Napakalaki ng mansion at talagang napakayaman ng pamilya nila.
"Sana ganito rin tayo kayaman sa Pilipinas!" manghang wika ni Letty sa akin.
Napansin ko ang lalaking nakita ko sa park at siya pala ang anak ng amo namin. Napakatikas nito at sadyang napakaguwapo. Tiningnan niya ako at binati ko siya pero hindi niya ako inimikan. Pinupuri naman ako ng ibang kasambahay dahil maganda raw ako. Halos puro Filipina ang kasambahay nila at ang iba ay Haponesa. Napakarami naming kasambahay na naglilinis sa kanilang napakalaking mansion. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa limangpu kami at napakarami ring security guards dito. Mas marami naman sila at nasa isang daang sila. Napapansin kong napakalapit ni Mr. Obito Kozouki sa mga Filipina at napag-alaman ko nga na ang kaniyang ina ay isang Filipina. Kaya pala napakahusay niyang mag-tagalog at ang kaniyang asawa ngayon ay isang Italiana. Napakabait nila pero ang anak nila na si Kenzou Kozouki ay napakasarkastiko ng pag-uugali. Marami siyang dinadalang mga babae sa kuwarto niya at minsan ay may party sila sa swimming pool area o kaya sa garden. Hindi ko alam kung bakit nagagawa nila akong pag-inggitan, eh, mga magaganda at mayayaman naman sila. Siyanga pala, dalawang taon pa lang ako rito sa Japan at medyo bihasa na ako sa pagsasalita ng Nihonggo. Isang araw ay dumating ang kaniyang kapatid na mala-adonis ang mukha at pangangatawan, parang silang kambal. Siya ay si Juri Kozouki. Pero mas matanda pala ng limang taon si sir Kenzou kaysa kay sir Juri at nasa senior high school pa lang ito.
"Kore ga uragiri mono desu (narito pala ang taksil)," seryosong saad ni sir Kenzou sa kaniyang kapatid.
Umupo ito sa sofa at ipinaghanda namin ng meryenda si sir Juri. "Watashi ga kuru toki anata wa shiawase dewa arimasen ka? (Hindi ka ba masaya sa pagdating ko?)"
Tiningnan ako ni sir Juri. "Maraming salamat."
Hindi ko akalaing marunong din pala siyang mag-tagalog. Tinitigan niya ako nang may pagnanasa at saka ako napatingin ng ibang dereksyon.
"Napakaganda pala ng maid natin, Ane-ki (kuya)."
Iniwan niya kami at bigla siyang nagpakilala sa akin. Hindi ko akalaing parang mas mabait pa siya kumpara kay sir Kenzou. Naging malapit kami ni sir Juri at lagi na siyang nasa mansion. Lagi namang nagagalit sa akin si sir Kenzou at minsan ay sinisigawan niya ako.
"Paghanda mo kami ng meryenda ng girlfriend ko, dalian mo!" sigaw nito sa'kin.
Minsan ay umiiyak ako at napapansin ni Letty iyon.
"Tiisin mo lang Alicia, ganyan lang talaga ang mga amo natin."
Ipinaghanda ko sila ng juice at meryenda. Nakita ko silang naghahalikan pero wala naman akong pakialam sa kanila ng girlfriend ni sir Kenzou. Pero hindi ko maintindihan kung bakit napakasungit sa akin ni sir Kenzou. Pinuntahan naman ako ni sir Juri at kinausap niya ako.
"Uy, bakit ka umiiyak?" pag-aalalang tanong niya sa akin.
"H-Hindi naman po ako umiiyak sir Juri. Napuwing lang po ako."
"Naku, umiiyak ka siguro dahil pinagalitan ka na naman ni Ane-ki. Hayaan mo iyon, ganoon lang at masungit talaga siya. "
Mabuti pa sir Juri at naiintindihan niya ako. Palagi rin kaming nag-uusap at unti-unti namang nahuhulog ang puso ko sa kaniya.
"Mahal kita---" minsang saad niya sa'kin.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at alam kong hindi naman ako nararapat sa kaniya. Hindi ko alam ang isasagot ko habang pinapanood niya akong naghuhugas ng plato.
"Paliligayahin kita, Alicia. Pananatilihin ko ang ngiti sa mga labi mo. Ibibigay ko ang lahat mahalin mo lang ako," saad niya habang niyakap niya ako mula sa aking likuran.
Iniharap niya ako at tumulo ang luha mula sa mga mata ko.
"P-Pero po sir...." naputol na pagsasalita ko dahil bigla niya akong hinalikan.
"Please.. nagmamakaawa ako sa'yo Alicia. Ako na lang mahalin mo. Huwag ang kuya o iba pa man. Alam ko ang iniisip mong bata pa ako at nasa 18 years old pa lang ako. Alam ko rin ang iniisip mong mayaman kami at hindi ka nararapat sa akin pero mahal kita. Masisisi ko ba ang sarili kong mahalin ka? Seryoso ako, Alicia. Please, stay with me."
Hindi ko siya masagot dahil apat na taon din ang agwat ng tanda ko sa kaniya. Ayoko ring masira ang future niya nang dahil sa akin. Pero paano ko ba madadaya ang sarili ko? Mahal ko sir Juri pero bata pa siya. Hindi ko nasagot ang pagtatapat niya sa'kin dahil natatakot din ako kung ano ang sasabihin ni sir Obito sa isang tulad ko.
End of POV