Bago pa patayin ni Juri ang kaniyang kapatid na si Kenzou, matindi namang pagsasanay ang naranasan ni Kaeya sa kaniyang ama. Hindi lang pagsasanay sa mga barril at iba't-ibang sandata ang itinuturo niya maging ang kasanayan sa kaisipan at katawan. Nasa walong taong gulang na si Kaeya at ang kaniyang unang pagsubok ay ang pangpalakasan.
"Suntukin mo ako Kaeya! Dapat wala kang awa!" pagalit na wika ni master Kenzou sa kaniyang anak.
Ginawa ni Kaeya ang kaniyang makakaya para matamaan nito ang kaniyang ama. Subalit patuloy na nakakaiwas ang kaniyang ama sa mga suntok nito. Nasuntok ang bata at natalinapon siya sa lupa. Nanunuod lang ang kaniyang lolo Obito sa pagsasanay ng dalawa.
"Akiramete imasu ka? (sumusuko ka na ba?)"
Unting-unting tumatayo si Kaeya at nilalabanan nito ang pananakit ng kaniyang katawan.
"Watashi wa akiramezu, sono kotoba o shirimasen! (Hindi ako susuko at hindi ko alam ang salitang yan!)" pagalit at nahihirapang wika ni Kaeya.
Nakikita ng kaniyang ama na determinado ang kaniyang anak at lalo pang pinaghusayan ni Kaeya ang kaniyang pagiging magaling sa martial arts. Naging bihasa siya rito subalit gaganapin na nila ang pinakamatinding pagsubok na kaniyang haharapin.
"H-Huwag mo nang pahirapan si Kaeya master Kenzou. Nakikiusap po ako!" umiiyak na wika ni Alicia habang papunta ang mag-ama sa bundok ng Taikyoku na kung saan nakatago ang hide-out ng mga Kozouki.
"Papaano siyang magiging kapalit ko kung hindi ko siya sasanayin. Kung mamamatay man siya sa araw na ito, siya mismo ang pumatay sa sarili niya!"
Umalis na sila at nang makarating sila sa hide-out, nakita mismo ni Kaeya ang napakalaking building sa itaas ng bundok. Maraming silang ka-brother at bawat isa ay nagsasanay na parang bang sila ay isang militar. Nakita rin nito ang kaniyang pinsan na si Hakken at nagsasanay ito sa paghawak ng barril. Biglang hinablot ni Kaeya ang barril at ipinaputok niya ito sa mga manikin at lahat sila ay natumba. Nagulat ang lahat dahil sa murang edad niya ay kabisado na nito ang paghawak kahit isang kamay lang. Halata talaga na nagsanay siya sa mansion. Alam ng daddy niya na napakatalino rin nito at nagmana siya sa kaniya. Nanunuod din ang kaniyang tiyo Juri sa kanila subalit nanatili lang ito nakatayo sa gilid ng pader. Humawak din ito ng samurai at kinalaban niya ang isang ka-brother nila.
"Push-ups 1-100!" utos ng kaniyang daddy sa kaniya.
Ginawa nito ni Kaeya at nagawa niya rin ito nang napakahusay. Ang huling pagsubok niya ay kung papaanong paraan siya makakatuntong sa kabilang daanan at ang inaapakan niyang plywood ay sa ilalim nito ay maraming nakatarak na pako. Wala siyang sapin sa paa at isang maling galaw lang ay matutusok ang paa niya sa mga matutulis na pako. Dahan-dahan siyang naglakad at ang kaniyang mabigat na timbang ay ginawa niya itong napakagaan.
"Kaeya, huwag mong ilagay ang bigat mo sa mga paa mo. Kaya mo 'to!" saad nito sa kaniyang sarili habang naglalakad siya sa itaas ng plywood.
Nagtagumpay ito at pinatakbo siya at pinatalon sa itaas ng plywood. Samantala si Hakken ay muntik nang hindi pumasa sa pagsubok at tinulungan siya ni Kaeya. Mabuti na lamang at hindi nahalata ng kaniyang daddy na tinulungan niyang mandaya si Hakken. Ang pinakahuling pagsubok ay ang pag-assemble ng mga barril at pag-aralan ang mga matataas na uri ng barril.
"Pisutoru o kumitateyou! (Assemble mo ang pistol!)" utos ng kaniyang daddy.
Paunahan sila ng kaniyang kalabang guwardiya at nauna si Kaeya. Itinutok nito ang pistol na hawak niya sa kaniyang kalaban.
"Yamete, Kaeya-chan. Tatakai wa owatta! (Tama na, Kaeya, tapos na ang laban! )."
Si Kaeya ay hindi niya naranasang maglaro sa kagaya niyang mga bata. Subalit ngayong araw na ito, isasama na siya ng kaniyang ama sa isang napakalaking transaction. May kukunin silang mga brilyante at hawak ito ng kaniyang mga kalaban na Brodley Peterson at isa itong British nationals.
"Heto ang huli mong pagsubok anak, patunayan mo sa akin ang iyong talino. Talunin mo si Brodley sa isang laro at sanayin mo nang dayain siya," mahinahong saad ng kaniyang daddy.
"No need dad, hindi ko kailangang mandaya para ipanalo ko ang larong gusto niya. Mananalo ako."
"Talagang nagmana ka nang katapangan sa'kin pero patunayan mo sa akin na mapagtatagumpayan mo 'tong pagsubok na ibibigay ko sa'yo!"
Nang makarating sila sa mansion ng mga Peterson, nagulat ang boss nila dahil isang bata lang ang dumating.
"A kid? What a fvck!" saad ni Brodley kay Kaeya.
"Do you want to play a game, with me?" seryosong wika ni Kaeya.
"Like what? What do you want? a barbie, a car toys...." at saka tumawa si Brodley sa harapan niya.
"I want the play of an adult like you. If you win, I'll give all my wealth on you. I mean the wealth of Kozouki's Family. If I win, give me your life and your brilliant at your back."
Tumawa lang nang napakalakas sa isinaad ng bata.
"Are you sure? I am not joking, if I win I will kill your dad and mom!"
Huminga nang napakalalim si Kaeya. "Wohh. Deal!"
"It is only a kid, nothing to worry about. Kozouki's wealth is mine!" bulong ni Brodley sa kaniyang sarili.
"Then let's have a duel...." seryosong saad ni Kaeya kay Brodley.
"Okay, I want a playing chess. Do you know how to play it?"
"I don't think so. I guess this is my first time to playing that game."
Nagsimula na ang laban at hindi alam ni Kaeya ang gagawin. Isinaad na ni Brodley ang larong kanilang gagawin. Bawat laro ay may patakaran at bawat tira ay may patakaran.
"The chess game is most likely a trap, remember that kid."
"Sorry this is my first time I've played this game, then why are you shaking? You can make use of flaws to break through?"
Nahalata kasi ni Kaeya na pinagpapawisan nang malamig si Brodley. Nakikita niya na natatalo na niya ang kaniyang kalaban.
"Stop it! I know you are lied to me! This game is not your first time!"
Ngumiti ng pagkasartiko si Kaeya at tila lalo pa niyang iniinis ang kalaban nito.
"Shouldn't you pay more attention to the duel, Brodley? Who the best hands wins?"
Tila nagpa-panic na ang kaniyang kalaban dahil alam na niyang natatalo na ito kay Kaeya.
"Hey, is it okay if we consider my victory game?" saad muli nito.
"S-Stop it kid! This game isn't over yet!"
At saka itinira ni Brodley ang reynang pyesa nito. Natalo ni Kaeya si Brodley dahil nagawa niyang i-trap ang hari nito sa pamamagitan din ng kaniyang pyesang hari. Umabot lamang ng isang minuto ang kanilang laro.
"Now, shall we start the punishment game?" pang-iinsultong saad ni Kaeya sa kaniya.
Biglang tinutukan ni Brodley ng pistol si Kaeya at mabilis niyang kinuha ang kaniyang kunai blade (dagger). Biglang nanginig si Kaeya dahil hindi pa siya nakapatay ng tao sapagkat nakatutok na ang kaniyang kunai blade sa leeg ni Brodley.
"Yes you are win, kill me kid! Son of Kenzou Kozouki!"
Biglang sinuntok ni Brodley si Kaeya at rumisponde naman ang kaniyang amang si Kenzou. Kaagaran niyang nabaril sa kamay si Brodley para mabitawan nito ang pistol nitong hawak. Natulala si Kaeya dahil nakakita siya ng dugo. Labis na nasaktan si Brodley dahil nabaril ang kaniyang kamay. Sinabunutan naman ni Kenzou si Brodley at sinigawan niya ang batang si Kaeya.
"Now, kill him!" utos ng kaniyang daddy.
Nanginginig ang bata dahil nakikita nito ang sarkastiko nitong mukha at pagtawa ni Brodley.
"You can't do it because you are only a kid!" pang-iinsulto ni Brodley sa kaniya.
"You are a great assassin Kaeya at gusto mo bang patayin nito ang kapatid mong si Miya at ang mommy mo?! Gawin mo na!"
Hinawakan naman ng mga ka-brother ni Kenzou si Brodley at lumapit naman si Kenzou sa kaniyang anak. Sinampal niya ito at dumugo ang labi ng bata.
"Sa mga kalaban dapat mawala ang pakiramdam mo. Hindi pupuwedeng malambot ang puso mo! I said, kill him!" saad nito sa anak habang nakakuwelyo ito sa kaniya.
Kinuha nito ang kaniyang kunai blade dahil nagdilim na ang paningin ng bata. Mabilis niyang nagilitan ang leeg ni Brodley at saka ito namatay.
"Good Kaeya, this is your first time. Kaya magce-celebrate tayo sa mansion."
Natalsikan ng dugo ang mukha ng bata at saka ito tumawa nang tumawa.
"Tingnan mo dad, umaagos ang blood niya. Ang sarap pagmasdan!"
Hindi pa siya nakuntento at kinuha nito ang pistol at tinadtad niya putok ng barril ang matandang si Brodley.
"Enough Kaeya. Uwi na tayo." At saka nito kinuha ang brilyante.
Bawat dinadaanan ni Kaeya ay mga malalamig na bangkay ng kanilang mga kalaban. Nagulat si Alicia at nalaman niya na ngayong araw ay nakapatay si Kaeya.