Kenzou's POV
I know that my brother wanted to kill me. I know that he is hate me a lot dahil inagaw ko sa kaniya si Alicia. I like Alicia so much kahit noong una ko pa lang siyang nakita ito sa park. Her face and body are very beautiful at ngayon lang akong nakakita ng babaeng katulad niya. Nang araw ring iyon, for the first time in my life kumabog ang dibdib ko and my world stops turning. Sinundan ko siya kung saan ito nagwo-work at napag-alaman kong isa siyang singer sa club. Kinausap ko ang boss niya at eksakto ay magsasara na ang club na pinapasukan niya. Si Letty ang sumunod kong kinausap at ang sabi ko kung gusto niyang maging maid sa mansion namin. Pumayag naman siya at isinama niya ang main pakay ko kaya ipinasok ko sila sa mansion namin. Ayokong malaman ni daddy ang mga plano ko at ayokong malaman din niya na nagkakagusto ako sa isang maid lamang.
Actually, I have a fiance her name is Nami Okada. She is very rich at siya ang may-ari ng Okada's Hotel na matatagpuan dito sa Fukushima, Japan. Napakalaki ng kaniyang hotel at lagi kami roon. In short, she is very successful pagdating sa career niya. Alam niya rin ang mga illegal na ginagawa ko pero tanggap niya ako. But my heart is not belonged to her. Hindi ko alam kung bakit, pero never ko siyang minahal kahit ilang taon ko na siyang fiance. Sa tuwing nakikita ko si Alicia sa mansion, lagi akong nahihiya sa kaniya at kapag ngumingiti siya ay lalong gumaganda ang mukha niya. Minsan sinusungitan ko siya para hindi mahalata na mayroon akong pagtingin ko sa kaniya. Until dumating na nga ang kapatid kong si Juri. Hindi ko akalaing mag-iibigan sila dahil bata pa ang kapatid ko at nasa senior high pa lamang. Labis ang galit ko sa kanilang dalawa at para makuha ko si Alicia, ginawa ko ang hindi niya kagustuhan. Ginahasa ko siya upang maangkin at maging akin lamang ang dapat sa akin. Isa pa inaalala ko ang kapatid ko dahil nabalitaan ko na hindi na raw siya papasok ng college at magsasama na lang silang dalawa. Ayokong masira ang future niya at isa siyang napakatalinong bata para masira ang kapalaran niya bilang miyembro sa aming pinangangalagaang pamilya.
"No, hindi kayo puwedeng magsama!" pagalit na wika ko kay Juri.
"Naze dame desu ka?! (Bakit hindi?!)"
"You are too young and you need to go in college."
Nang sasagot pa sana siya, tinalikuran ko na siya. Pero bigla niya akong sinigawan.
"Kahit pumasok ako at mag-aral, wala ring saysay dahil hindi ako magiging Oyabun kagaya mo at wala na rin akong pakinabang sa pamilya natin!"
Bata pa nga siya kung mag-isip dahil nasa 18 years old pa lang siya at si Alicia naman ay 23 years old at ako naman ay 24 years old na.
Nilingunan ko ito. "Oo, hindi na kahit kailan Juri. Pero heto lang ba ang pangarap mo ang maging isang Oyabun ng pamilya? o ang pag-aasawa ng maaga sa isang hamak na maid lang? Isa pa, adult na si Alicia at hindi siya ang nararapat sa iyo. Tingnan mo nga, bata ka pa kung mag-isip at papaano mo iibigin si Alicia na isang bata pa kung sumagot sa aking harapan ay parang hindi nag-iisip!"
Tumingin siya nang napakasama sa akin. "Tsk. Nagseselos ka ba sa amin ni Alicia o naiinsulto ka na ako ang pinili niya? Alam kong gusto mo siya at nakikita ko kung paano mo siya tingnan! Ako ang pinili niya kaya huwag mo na siyang insultuhin pa sa aking harapan at sa akin lang siya kuya Kenzou! Kahit bata pa ako, kaya kong makipagsabayan sa kaniya. Wala sa edad ang pagmamahalan naming dalawa at alam kong nagseselos ka lang!"
Kinuwelyuhan ko siya at saka ko ito nasuntok. "Huwag mo akong pagsabihan ng ganyan dahil ikaw ang iniisip ko. Ayokong mabigo ang pagtingin ni daddy sa iyo at alam kong alam mo na sa ating apat na magkakapatid ikaw ang pinapaburan at paborito. Ikaw ang ipinagmamalaki niya kahit muntik na akong mamatay sa encounter noon sa loob ng casino, ikaw pa rin ang inisip at ipinagtanggol ko dahil ayokong umiyak siya sa pagkawala mo. Ang position ko ay walang kuwenta at ako lang ang props ni daddy sa mga ginagawa nating illegal. Anino lang ako sa likuran niya, kaya tutal ikaw ang paborito niya gawin mo ang parte mo para matuwa naman siya sa'yo. Huwag mo kaming biguin Juri at hindi masisira ang buhay mo dahil sa isang babae lang! Bata ka pa, kaya tumigil ka na!"
Alam kong nababaliw na siya dahil kay Alicia at para tumigil na siya sa kabaliwan niya, dapat ko nang isagawa ang gusto ko at plano ko para paghiwalayin sila. Ayokong masira ang plano namin para sa kaniya at kailangan niya pang magsanay bilang maging kapalit ko balang-araw kung hindi man ako magkakaanak. Ginahasa ko si Alicia at napag-alaman kong may nangyayari sa kanila dahil hindi na siya birhen nang makuha ko ito. Sana mapatawad ako ni Juri pero heto lang ang paraan para magsumikap siya sa kaniyang buhay at maging mahusay na assassin. Alam ni daddy ang plano ko at may parte roon na gusto ko talaga si Alicia. Nang matikman ko ang pangangatawan ni Alicia, lalong tumindi ang pagnanasa ko sa kaniya. Binalak ko siyang buntisin dahil gusto ko na ring magkaanak. Ilang buwan lang ang nakakalipas at nabuntis nga siya. Alam kong sa akin ang bata dahil lagi ko itong binabantayan at hindi ko na rin siyang pinayagang lumapit pa ito kay Juri. Galit na galit sa akin si Juri at sinabihan ko si daddy tungkol sa plano ko.
"You are a great older brother, Kenzou. Alam kong iniisip mo ang organization at kapatid mo. Alam kong magagalit siya sa iyo at sabihan mo si Neji na pumunta sila sa France para roon siya mag-aral. Sanayin pa siya lalo sa martial arts dahil baka ang mga kalaban natin ay nasa paligid lang ng mga bansang madalas nating puntahan," seryosong saad ni daddy sa akin.
Natupad nga ang plano namin pero ang puso ni Alicia ang hindi ko makuha. Nang ikinasal kami ay lagi siyang umiiyak dahil iniisip nito ang paglayo ni Juri.
"Tumigil ka na sa pag-iyak mo! Mas pinili ni Juri ang layuan ka! Sa akin ka na magmula ngayon Alicia at wala ka nang magagawa dahil you carrying my child inside your womb!" pagalit na wika ko sa kaniya.
"H-Hindi niya po ako iniwan..." humihikbing saad niya sa akin.
Hinila ko ang braso niya at pinisil ko ang mukha niya. "Stop! Stop! Huwag mo siyang babanggitin sa harapan ko! Tumigil ka na! May buhay ang kapatid ko at isipin mo na lang na ginawa niya ito para sa atin! Marami pa siyang pangarap kaya tumigil ka na!"
Nagwala ako sa mismong honeymoon namin at hindi ko maiwasan ang umiyak sa harapan niya. "Alicia, please... please.... ako na ang nakikiusap sa iyo. Can you please love me? Please? Kahit kaunti lang..."
Niyakap niya ako at umiyak siya sa harapan ko. "M-Master K-Kenzou, bigyan mo po ako ng tamang oras para mahalin ka. Nakikiusap po ako sa iyo, tulungan mo akong makalimutan ang kapatid mo..."
Minahal ko si Alicia at ibinigay ko ang lahat sa kaniya. Gusto kong makalimutan niya ang nakakabata kong kapatid at higitan pa ang pagmamahal na ibinigay nito sa kaniya. Napapansin ko naman na minamahal na niya rin ako. Lumipas na pala ang anim na taon at nagkaroon nga kami ng anak na sina Kaeya at Miya. Si Kaeya ay napakatalino kong anak at kahit masakit man sa loob ko, kailangan ko siyang turuan at ihanda para maging kapalit ko balang-araw. I'll forced and trained him how to kill at tinuruan ko rin siya ng mga taktika sa martial arts sa edad na 8 years old. Tinibay ko rin ang sikmura, tuhod at katawan niya. Medyo natakot ako dahil baka hindi niya kayanin ang ginawang pagsubok ko at ni daddy sa kaniya. Sa tuwing pinapalo siya ng baseball bat, nasasaktan ako pero kailangan niyang masanay ng sakit sa katawan. Ganoon din kasi ang pagsubok na ginawa ni daddy sa amin at minsan ay hindi kami pinakain ng tatlong araw. Puro tubig lang at nagsanay kami sa bundok ng Taikyoku. Kung paano ring gumamit ng mga weapon at strategy sa pakikipaglaban. At the young age din, nagkaroon na kami ng simbolo sa katawan. Ang tattoo na itinato ko rin kay Kaeya, ang simbolo ng aming pamilya. Lagi namang nagkakasakit si Alicia at ayoko siyang mawala sa buhay ko. Lihim ko siyang ipina-check-up sa private doctor namin. Mayroon daw siyang cancer sa matres. Kailangan nang tanggalin iyon para hindi kumalat ang sakit niya.
"H-Honey, ano raw ang sakit ko?" kinakabahang tanong niya sa akin.
"Nothing, pero bukas na bukas din ay ipapatanggal na natin ang matres mo," mahinahong tugon sa kaniya habang ang pangangatawan ko ay hindi maiwasan ang manginig.
Ayoko siyang ma-stress sa kakaisip at kung sinabi ko iyon na may cancer siya baka lalo pa siyang mamatay sa sakit niya. Kaya ang best na choice ko ay magsisinungaling na lang ako.
"E-Enough na ang two kids sa'tin at wala tayong choice kung hindi ipatanggal ang womb mo. Don't worry, hindi naman makakaapekto sa katawan mo iyan. Sana matanggap mo ito, Alicia. T-Tutal may dalawang anak na tayo, kasi sa family natin hanggang dalawa lang ang puwede. A-Ayokong kapag nabalitaan ni daddy na nabuntis ka ulit, baka ipapatanggal lang niya. Kaya best choice ko, ipatanggal na lang para hindi ka na mahirapan pa."
"P-Pero hindi ba't apat kayong magkakapatid?"
"Sa new rules ng pamilya kaya hanggang dalawa na lang."
Alam kong naguluhan siya sa isinaad ko pero mas mabuti na ito. At saka darating na rin ang kapatid ko, alam kong hindi maiiwasan ang hindi nila pagkikita. Magmula nang dumating na rin ang kapatid ko mansion, lagi na rin akong nagagalit sa asawa ko. Hindi ko siya pinapalabas sa kuwarto kaya ikinulong ko siya. Habang nasa mision ako, natakot ako dahil naroon din pala ang kapatid ko sa mansion at baka maagaw niya ito sa akin. Alam kong hindi mapipigilan ang emotion nila sa isa't isa kaya kinailangan kong madaliin ang mission na iniatang ni daddy sa akin. Kilala ko ang kapatid ko, sa isang pitik lang ng kamay niya makakagawa siya ng paraan para maagaw niya ang babaeng pinangarap ko. Nang makauwi ako sa mansion, umalis na si Juri at pumunta siya sa bundok ng Taikyoku.
End of POV