Habang nagbibihis si Kaeya, nakikita nito ang tattoo niya mula sa kaniyang likuran dahil nananalamin ito sa kanilang kuwarto. Namamaga pa rin ito dahil dalawang araw pa lang ang nakakalipas magmula nang lagyan siya ng kaniyang lolo Obito at daddy Kenzou. Marami rin siyang pasa sa katawan dahil sa matinding pagsasanay sa naging ikaunang mission nito. Hindi ito iniinda ni Kaeya dahil para sa kaniya ay mas magiging mahirap pa ang pagsubok na kakaharapin niya.
"Daijoubu desu ka? Onee-san? (ayos ka lang ba? kuya?)" pag-aalang tanong ni Miya sa kaniya habang yakap-yakap nito ang kaniyang manika.
Lumapit si Kaeya sa kaniyang kapatid at hinimas nito ang ulo niya.
"Watashi wa daijoubu desu Miya-chan (Ayos lang ako Miya)," sagot nito sa nakakabatang kapatid at kasabay nito ang pagngiti niya sa kaniyang labi.
Sa ngayon ay nasa limang taong gulang pa lang si Miya at nasa walong taong gulang naman si Kaeya. Mahal na mahal ni Kaeya ang nag-iisa niyang kapatid at handa niya raw ipagtanggol ito sa mga nananakit sa kaniya. Hindi ordinaryong tattoo ang nakaguhit sa kaniyang likuran kung hindi magiging sumpa nito sa habang panahon. Ipinatawag siya ng kaniyang lolo para isagawa ang kaniyang huling mission kasama nito ang kaniyang pinsan na sina Hakken at Mayura Kozouki.
"Nakawin ninyo ang arc gem at nasa mansion ito ni Nobunaga. Maraming nakabantay na assassin doon at susunod naman ang iyong tiyo Juri sa inyong dalawa. Maghanda na kayo," utos ng kaniyang ama na si Kenzou.
Niyakap nang napakahigpit ni Kenzou ang kaniyang panganay na anak na si Kaeya.
"Ki wo tsukete, Kaeya-kun (mag-iingat ka anak)," saad ni Kenzou sa kaniyang anak.
Biglang dumating si Alicia para pakiusapan ang kaniyang asawa at si Obito.
"H-Huwag ni'yo nang ipatuloy ang mission sa mga bata. Baka heto na ang huli kong pagyakap kay Kaeya. Hindi ko po kaya. Maawa po kayo sa tatlong bata!" umiiyak na saad ni Alicia sa kanila.
Walang magawa si Kenzou sa utos ng kaniyang ama.
"K-Kung kapalaran nila ang mabigo ngayong araw at mamatay, wala tayong magagawa Alicia," saad ni Kenzou sa kaniyang asawa.
Yumuko si Kaeya sa kanilang lahat para makiusap.
"P-Pakiusap po, kung heto na ang huli naming araw. Ipangako ninyo sanang huwag na huwag ni'yo nang isasakripisyo ang aking kapatid bilang kapalit ko balang-araw. Bata pa siya at isa siyang babae. Nakikiusap po ako---" naluluhang saad ni Kaeya sa kanila.
"Onee-san???" tawag ni Miya sa kaniyang kuya Kaeya.
"Anata wa itsumo watashi no Miya-chan o tsukemasu. Kuya Kaeya wa anata o totemo aishiteimasu! (Lagi kang mag-iingat kapatid ko. Mahal na mahal ka ni Kuya Kaeya!)" nakangiting tugon nito sa kapatid at saka niya ito niyakap.
Naghanda na sila at mabilis silang pumunta sa mansion ni Nobunaga. Lahat ng weapons ay idinala at ang kaniyang paboritong sandata ay ang baril at samurai pati na rin ang kaniyang kunai. Lihim din sumunod sa mission ang kaniyang daddy at tito Juri.
"Hakken, Mayura, sumunod kayo kapag napatay ko na ang mga guard," pabulong na wika ni Kaeya sa dalawa.
"Wakatta!" sagot ng dalawa.
Mabilis na pinatay ni Kaeya ang mga guwardiya at nabigla sila dahil biglang nag-alarm ang alarm na nakapalibot sa mansion.
"Haitta kata mo irasshaimasu! (May mga nakapasok!)" sigawan ng mga guard at hindi nila alam mga bata lang ang kanilang mga kalaban.
Paglingon ni Kaeya ay wala na ang kaniyang mga kasama. Hinanap niya ito sa mga nakatagong paligid at hindi niya ito makita. Napagtanto niyang isa itong ambush sa pagitan nilang tatlo. Nakapasok siya sa pinakatuktok ng mansion at sumilip siya sa bintana. Nakita nitong hinahabol sina Mayura at Hakken ng mga kalaban.
"Watashi wa nani o shimasu ka? Sorera o bakkuappu shimasu ka? Mata wa watashi wa mamoru beki desu ka? (ano ang gagawin ko? i-back up ko ba sila? o bantayan ko ba?)," kinakabahang wika ni Kaeya sa kaniyang sarili.
Nagulat siya dahil nahuli si Mayura ng mga kalaban. Hindi nito alam ang gagawin dahil tiyak papatayin din siya ng mga ito. Biglang tumalon si Hakken sa itaas ng gate at muntik na siyang mabaril. Biglang may tumapik kay Kaeya na isang magandang babae. Alam niyang isa itong Americana dahil sa kaniyang hitsura.
"Do you need help?" tanong ng babae sa kaniya.
"A-Angela---" gulat na tugon ni Kaeya sa babae.
"Don't worry kid, I am here to help you. My daughter is need me and I don't want to sacrifice her in this mission."
Si Angela ang siyang ina ni Mayura at asawa siya ni Jiro Kozouki. Isa rin siyang napakagaling na assassin at lubos naman ang pagtitiwala ng mga Kozouki sa kaniya.
"Listen to me, Kaeya, our targets are three guards."
Kinuha na ni Kaeya ang kaniyang kunai blade. Bigla naman tinapikan ni Juri ang kaniyang pamangkin.
"Tandaan mo ang ginawa mong training Kaeya, sa pagtalon ilagay mo ang lahat ng puwersa mo sa paa. Kung sa katawan, mapipilay ka. Dapat malinaw rin ang mga mata mo!" saad ni Juri sa kaniya.
Nagtataka si Kaeya kung sa papaanong paraan siya nakita ng mga ito.
"Don't worry, Angela, they will be eliminated!"
At saka na tumalon si Kaeya sa ikalawang palapag patungo sa kalaban. Tumalon ito sa mga bakal ng building patungo sa gate para gilitan niya ng leeg ang isang guwardiya. Hindi kasi sila napapansin ng tatlong guwardiya dapat tahimik lang sila sa pagkilos. Kinuha na rin ni Kaeya ang kaniyang samurai dahil nahalata na siya ng ibang guwardiya.
"He is not an ordinary kid---" sigaw ng guwardiya sa kaniyang mga kasamahan.
"Listen, don't try to touch that sword kid!" pagbabanta ng isa pang guwardiya.
Sumugod ang dalawang guwardiya kay Kaeya at sa dalawang segundo lang ay napatay niya ang mga ito.
"Come on, Angela, Kaeya is already knew how to kill those guard!" seryosong saad ni Juri at papunta na sila kung nasaan si Nobunaga.
"He is very good at killing...." nakangiting wika naman ni Angela.
Biglang napatigil si Angela sa pagtakbo dahil narinig nito ang boses ni Mayura.
"Mommyyyy!! " sigaw niya.
"M-Mayura???" nakatulalang wika ni Angela.
Dumungaw siya ng bintana dahil papatayin na siya ng isang guard ng mansion.
"No--- Mayura!!!" buong lakas sigaw ni Angela.
Samantala, si Kaeya ay patuloy lang siya sa pag-ubos sa mga guwardiya.
"A-A f-fitting end for someone like me, whose true nature in rotten.. ugh!" wika ng isang guwardiya habang nakasaksak ang samurai ni Kaeya sa kaniya.
"W-Who i-is this k-kid?" nanginginig na saad ng isa pang guwardiyang papatayin ni Kaeya.
Patakbo na sana ang isang guwardiya pero biglang ibinato ni Kaeya ang kunai niya at natamaan sa ulo ang guwardiya.
"How pathetic, running when facing the enemy," saad ni Kaeya sa kaniyang napatay.
"Though, who couldn't run in those circumtances?" sagot ni Angela habang akay-akay niya sina Hakken at Mayura.
"Nothing... at least you protected that two idiot---" pang-iinsulto nito kina Hakken at Mayura.
Biglang naglakad si Kaeya at bigla niyang itinarak muli ang kaniyang kunai sa guwardiyang sinugod siya. Natamaan ito sa kaniyang kaliwang mata. Napaupo ang guwardiya habang namimilipit siya sa sakit. Biglang lumapit si Kaeya sa matanda. Nagmamakaawa ang matandang guwardiya sa kaniya. Tinutukan niya ito ng kaniyang samurai.
"P-please... don't kill me, I have a daughter..." pagmamakaawa nito.
"Calm down, you'll be with her on the other side," pang-iinsulto niya habang nakangiti ito ng may pagkasartiko.
"E-Even my d-daughter....have you no m-mercy...u-ugh!!!"
"Mercy? What's that?"
At saka na niya pinatay ang matanda. Umalis si Kaeya na maraming dugo ang katawan at mukha. Hindi na niya mabilang ang dami ng kaniyang pinatay ngayong araw. Biglang natakot ang dalawang bata na sina Hakken at Mayura sa kaniya. Nakatingin lang si Juri sa kaniyang pamangkin habang papalayo ito sa kanila.
"Tulad ka nga ng iyong ama---" bulong sa sarili ni Juri.
Nakasalubong naman ni Kaeya si Nobunaga at tinawanan niya lang ito.
"Kodomo wa watashi o koroshimasu ka? (isang bata ang papatay sa akin?)" pagtawang saad ni Nobunaga sa kaniyang harapan.
Hindi na nagsalita si Kaeya dahil mabilisan lang niyang napatay si Nobunaga. Mabilis niya ipinasok ang kaniyang madugong samurai sa kaniyang kaha. Matagumpay na naisagawa nila ang mission at bago sila sumakay ng yatte, biglang sumabog ito. Napagtanto niya na nakasakay pala ang daddy nito sa yatteng iyon.
"DADDYYYY!!!" buong lakas na sigaw ni Kaeya at napaluhod ito sa lupa.
"T-This c-can't be--" gulat na saad ni Angela.
Natakot naman sina Hakken at Mayura at mahigpit nilang niyakap si Angela. Samantalang si Juri naman ay biglang naglaho sa kanilang paningin.