Alicia's POV
Namatay na nga ang aking asawa at inamin ni Juri ang kaniyang mga kasalanan. Tulala ang aking anak na si Kaeya at hindi na rin ito pumapasok ng school. Lagi kaming nag-aalala ng kaniyang lolo sa kaniya. Hindi namin makilala ang bangkay ng asawa ko dahil tila naging abo ito dahil sa pagkakasabog ng Yatteng sinasakyan niya.
"Kaeya-chan, mago o koe ni dashite (magsalita ka naman apo ko,)," wika ng kaniyang lolo.
Tila ang kaniyang kaluluwa ay nawala sa kaniyang katawan. Parang buhay siya pero wala ang kaniyang katinuan. Galit na galit ako kay master Juri at siya pala ang taksil sa aming angkan.
"Dalhin mo muna siya sa Pilipinas, Alicia. Ang kaniyang napatay na si Nobunaga ay ipaghihiganti siya ng kaniyang mga anak at tiyak na hinahanap na siya ngayon. Tiyak din na alam na nila kung nasaan na si Kaeya," pagbabanta ni master Obito sa akin.
"Kaeya---" tanging nasagot ko habang walang tigil ako sa pagluha.
May ipinatayo rin mansion sa Pilipinas ang mga Kozouki. Itong mansiong ito ay ang minanang bahay ni master Obito mula sa kaniyang ina na ipinagawa naman ng kaniyang ama. Umuwi kami rito sa Pilipinas at sadyang napakalaki ng mansion nila. Marami ring maid ang naninilbihan dito kahit ang nakatira lang rito ang kaniyang kapatid na si Haruka Kozouki- Valencia. Namatay na ang asawa ni Mrs. Haruka at kasama nito ang kaniyang anak na si Hinata. Kilala ko si Hinata at isa siyang pinakamagaling na babaeng assassin pero matagal na itong tiwalag sa grupo. May anak na rin ito na si Calia Etsuko. Sing edad lang niya si Kaeya at nabigla siya nang makita niya ang kaniyang pinsan.
"Kaeya-san?" tawag nito sa anak ko.
Pero tumingin lang si Kaeya kay Calia habang nakasakay siya sa kaniyang wheel chair.
"Alicia, tumawag ang aking kapatid at dito na pala kayo titira. Sana ay hindi kayo magsawa sa aming tahanan," nakangiting wika ng matanda sa akin.
Niyakap ni Hinata ang aking anak at saka ito umiyak nang umiyak.
"Gomen nasai, Kaeya-chan. Okuyami. Nobunaga yashiki de deawa na kattara yurushite. Yurushite! (Sorry Kaeya, condolence. Patawarin mo ako kung wala ako nang magkainkwentro sa mansion ng mga Nobunaga. Patawarin mo kami!)" umiiyak na saad niya.
Alam ni Hinata kahit bata pa ang anak ko, mas hinigitan niya ang galing nito sa pakikipaglaban. Ilang araw kaming namalagi sa mansion at umuwi muna sa Japan sina Calia at Hinata para kausapin si Master Obito. Babalik na raw pala si Hinata sa organization at ipaghihiganti raw nito ang asawa ko. Papatayin niya raw si Master Juri. Kahit pinsan niya raw ito, isa pa rin siyang taksil sa pamilyang Kozouki. Pero may isang batang babae na laging kinakausap ang aking anak kahit nasa labas siya ng garden. Napakagandang bata at napag-alaman kong siya pala ang anak ng maid dito sa mansion namin.
"Siya po ang anak ko, Mistress Alicia. Hindi ko man siya kadugo, pero siya ang yaman ko," nakangiting wika ni Jenica sa akin.
"Kaninong anak siya?" pagtatakang tanong ko.
"H-Hindi ko po kilala dahil napulot ko lang po siya sa harapan ng simbahan noon. Napakagandang bata pero itinapon lang siya ng kaniyang mga magulang. Mukha siyang prinsesa sa mga Disney Princesses," nakangiting wika niya sa akin.
Nakikita ko sa bata na parang may ibang lahi siya. Ang kaniyang tuwid, mahaba at maitim niyang buhok, napakaputing balat na parang hindi nasisinagan ng araw at ang kulay ng kaniyang mga mata ay mala-kulay dilaw. Napakaganda niya. Lagi siyang nakikipaglaro sa anak ko kahit hindi siya nagsasalita. Napag-alaman kong Cetrine ang kaniyang pangalan. Lagi niyang tinutulak ang wheel chair ni Kaeya at lagi niya rin kasama ang anak kong babae na si Miya.
"Cetrine, anak, gusto mo bang mag-aral?" tanong ko sa kaniya.
"O-Opo!" tugon niya sa akin.
"Ilang taon ka na?"
"9 years old po!"
"Ah, sing-edad mo lang pala si Kaeya at gusto kong maging kaklasi mo siya. I-e-enrol ko kayo ngayong pasukan," nakangiting saad ko sa kaniya.
"Naku, maraming salamat po. Mistress Alicia!"
Pina-enrol ko ang aking anak at si Cetrine sa pribadong paaralan dito sa Maynila. Kaya in-enrol ko silang dalawa upang may magbantay kay Kaeya na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Ipinasok ko na sila at namamangha naman ang mga batang babae sa hitsura ni Kaeya kahit nakasakay ito ng wheelchair niya.
"Sayang, mukha siyang prinsepe pero pilay naman yata," wika ng isang batang babae.
Itinutulak naman ni Manong Edgar ang wheel chair ni Kaeya dahil siya ang itinalagang battler ng anak ko rito sa Pilipinas.
"Good morning class, may mga new classmates kayo. Sina Kaeya Kozouki at Cetrine Estanislao," saad ng kanilang guro sa kanila.
"Ang guwapo naman po ni Kaeya bakit naka-wheel chair po siya?" pagtatakang tanong ng mga batang babae.
"M-May sakit kasi siya," saad ng kanilang guro.
Si Cetrine ang pinagmamasdan din nila dahil sa kulay ng kaniyang balat at kulay ng kaniyang mga mata.
"Hi, Cetrine, naka-contact lens ka ba?" tanong ng kaniyang kaklasi.
"H-Hindi, ganito talaga ang kulay ng mata ko," saad niya at namula ang kaniyang mukha.
Iniwan ko na sila sa school at alam kong mapapabuti sila roon. Isa pa kailangan kong protektahan si Kaeya dahil siya ang tinutugis ng mga Nobunaga Family.
End of POV
Hinahanap ng mga Nobunaga Family si Kaeya dahil siya ang batang pumatay sa kanilang ama.
"Are you sure? T-This kid is a culprit?" tanong ng anak ni Nobunaga sa kaniyang assassin habang tinititigan nito ang larawan.
"Sou desu, Nobunaga-shi ga nakunatta no wa kare ga han'nin deshita. Kare wa totemo kiken nanode, sono kodomo o kashou hyouka shinaide kudasai (opo, siya ang salarin kung bakit namatay si Master Nobunaga. Huwag niyo pong mamaliitin ang batang iyan dahil sobrang mapanganib siya)" seryosong wika ng kaniyang assassin.
Binasag ni Kannon ang baso at binabalak niyang tugisin ang batang si Kaeya. Pero kahit anong pilit niyang isipin, hindi siya makapaniwalang magagawa ng siyam na taong gulang ang pumatay. Ipinakita ng assassin ang footage ng CCTV kung sa paanong paraan makipaglaban ang bata. Nanginig ito at nakita niyang dinilaan ni Kaeya ang kaniyang kunai. Nakapatay ang bata ng isang daang guwardiya na nakapalibot sa kanilang mansion. Halos siya lahat ang pumaslang sa kanilang mga assassin.
"T-This k-kid is a t-totally freak! Find him and kill him right now!" gigil na gigil saad ni Kannon sa kaniya at kinuyom nito ang kaniyang kamao.
Hindi nito alam ang kaniyang hinahanap ay nasa Pilipinas na. Isang normal na bata ngunit hindi nagsasalita at walang kaalam-alam sa mga nangyayari. May pagkakataong nakakita ito ng kulay pulang ketsup na natapon ng kaniyang kaklasi. Halos magwala ito sa loob ng room nila.
"IE....IE.. IE...AHHHH! (hindi... hindi...)" patuloy na pagwawala niya habang nakaupo siya sa kaniyang wheel chair.
Niyakap ni Cetrine si Kaeya at pinapakalma niya ito.
"M-Master Kaeya. Ayos lang po iyan. Ayos lang... Huwag kang mag-alala, narito lang po ako," mahinahong wika ni Cetrine sa kaniya habang hinahagod nito ang likuran ni Kaeya.
Nanginginig si Kaeya habang kayakap niya si Cetrine. Nagulat ang teacher niya na tila may narararamdamang trauma ang bata kaya siya nagkaganyan. Nasa ibaba naman ng building ang kaniyang battler at nalulungkot siya dahil naging tulala ang kaniyang master.
"K-Kore wa shinde iru (patay na siya)," bulong ni Kaeya kay Cetrine pero hindi niya ito maintindihan.
Patuloy ang panginginig ni Kaeya at alam ng kaniyang guro na dapat wala nang nagdadala ng ketsup sa kaniyang mga studyante upang maiwasan ang insidenteng nangyari ngayong araw.