LEIGH "Ate, ano na? Naiihi na 'ko talaga," katok muli ni Lalaine mula sa labas. Para bang 'di na talaga siya makapaghintay pa. Inis siyang kumatok muli ng sunod sunod. Nataranta ako. Agad kong inayos ko ang sarili at pumuwesto sa likod ng pinto. Huminga ako ng malalim. Isang beses kong tinapunan ng nagbabantang tingin si Isaiah na iba na naman ang ngisi. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Tumalima naman siya at pumuwesto sa likuran ko upang hindi siya makita ni Lalaine. Nakahawak ang dalawang palad niya sa magkabilang baywang ko. Panay ang pisil niya. Nang tingnan ko siyang muli at lakihan ng mga mata para sawayin ay nginuso niya ang labi na parang nanghihingi ng halik. Inirapan ko siya at sininyasan na huwag maingay pero pinisil pa niya ang isang pisngi ng puwet ko. Kabad

