Chapter 6

1533 Words
Pagkatapos naming mananghalian, inaya ako ni Livius na mamasyal. Gusto rin sana niyang isama si Mama kaso hindi namin napilit kaya kaming tatlo na lang ang lumabas. Sinabi na lang ni Livius na dadalhan niya ng pasalubong si Mama. Good she didn't argue about it. "Anong gusto mong palabas?" tanong ni Livius nang pumasok kami sa sinehan ng isang mall. "Kahit ano." "Wala namang kahit ano na palabas, Kaia. You choose." "Pumili muna kayo riyan. Bibili lang ako ng popcorns at drinks," ani Carson na nakataas ang isang sulok ng labi. Hindi ko alam kung nanunuya ba o ano. I sighed and glanced at the screen. "Iyong action na lang." Kunot noo akong tiningnan ni Livius. "Sure ka ba? Ayaw mo ba sa romantic movie?" Not that I don't like it. Pakiramdam ko kasi hindi iyon ang dapat kong panoorin lalo na't kasama ko siya. I will feel awkward, that's for sure. At hindi ba, kadalasan, ang mga nanonood ng romantic movie sa sinehan ay iyong mga nagdi-date? This is not a date, so... "Mas gusto ko ang action." "Hmm." He smiled and nodded. Bumili na siya ng tatlong ticket. Sakto namang pagkatapos niya roon ay nakabili na si Carson ng popcorns. "I think I shouldn't be here, you know. I look like a f*****g third wheel," bulong ni Carson kay Livius. Mahina iyon pero dahil malapit lang ako ay narinig ko pa rin. I don't know if Carson did it on purpose or my hearing skill is just excellent. "Tumahimik ka nga," saway ni Livius sabay sulyap sa akin. Normal lang ang naging ekspresyon ko. I acted as if I didn't hear anything. Sa loob ng sinehan, pinagitnaan ako ni Livius at Carson. Tig-iisa kami ng regular size na popcorn. May drinks na rin. I was silent while watching. Actually, wala naman akong genre na paborito. Kahit anong genre, basta maganda ang story line, nagugustuhan ko. The genre isn't a big factor. Sa kalagitnaan ng palabas ay may tumawag kay Carson. Nagpaalam muna siya na sasagutin niya iyon sandali. "Tumawag si Mama," sabi niya pagbalik. Napatingin kaming dalawa ni Livius sa kanya. "Ano'ng sabi?" ani Livius. "May inutos. Urgent daw. Puwede ko naman siguro kayong iwan, 'di ba?" Naitigil ko ang pagnguya ng popcorn. "Kung urgent, okay lang. Baka magalit pa si Tita sa akin kapag nalamang tayo ang magkasama tapos pinigilan kita," ani Livius. "Okay lang ba, Kaia?" tanong ni Carson. Hindi ako agad nakasagot. "Kaia?" "O-Oo! S'yempre, okay lang..." I smiled. Why wouldn't it be okay? Pero kung aalis si Carson, ibig sabihin... maiiwan kaming dalawa ni Livius! "Alright. Mauna na ako," Carson said and stood up. Sumulyap ako sa pag-alis niya bago itinuon ulit ang atensiyon sa pinapanood. Ngunit ilang minuto ang lumipas ay napagtanto kong nawala ako sa focus. Hindi ko nanaintindihan ang takbo ng palabas. Or maybe I was too preoccupied of something else. I admit, I found the situation uncomfortable. Sumulyap ako kay Livius. He's eyes were on the screen, looking so attentive on what he's watching. Mas manipis ang buhok niya kumpara noong huli kaming magkita. He looked hard and intimidating sometimes. Kapag seryoso siya at hindi ngumingiti kagaya nito. But most of the time, he's smiling. Kaya naman hindi ko makita sa kanya ang kagaspangan na nakikita ko kay Sage. I was courted by boys. That's part of growing up. But I didn't admire anyone of them. Kahit konting pagtingin, hindi ko pa nabibigay sa ibang lalaki. At first, I thought maybe my mind wasn't able to respond to those kind of feelings. Dahil nga, nasa goal ang mga mata at puso ko. I thought my mind was too busy on my ambition to think of those things. Ngunit ang totoo, hindi iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala akong magustuhan sa mga nanligaw sa akin o sa mga lalaki doon sa eskwelahan na nakakasalamuha ko. It was my feelings for Livius. I know he can't see me the way I see him. He has a larger world than mine. Paano niya ako magugustuhan kung marami namang nagkakandarapa sa kanya na mas higit sa akin? Isa pa, hindi naman ako ganoon kasigurado sa nararamdaman ko sa kanya. I am inexperienced. Wala akong mapagkukumparahan. Besides, I don't dream to be his lover. That's too much. "Nag-enjoy ka sa movie?" tanong ni Livius paglabas namin sa sinehan. "Oo. Maganda..." sabi ko. But the truth is, I didn't understand the movie that much. "Let's shop!" He smiled. Iginiya niya ako sa isang boutique doon sa mall. Sinabi ko sa kanyang huwag na akong bilhan at si Mama na lang. But this man is just too hardheaded for me to control. "Livius, ang rami na nito..." saway ko sa kanya nang mapansin kong halos lahat ng tingin niyang bagay sa akin ay binibili niya. I don't need much clothing. At saka ang mahal mahal ng mga pinili niya. Kapag nakita ito ng mga kapitbahay namin pag-uwi ay lalo lang nilang iisipin na boyfriend ko si Livius at piniperahan. Sanay na akong naririnig iyon. Pero ayaw ko rin namang palalalain. My intentions are clear. Hindi ko kinakaibigan si Livius para sa pera. Ayokong may nag-iisip ng ganoon. "Don't make a fuss about it, Kaia. Minsan lang naman 'to." He smiled and handed me another dress. "Try this one. Bagay sa 'yo." "Livius. Tama na. Marami ka-" "Assist her to the dressing room, please," ani Livius sa isang staff doon. Katulad ng mga nauna, wala rin akong nagawa. Buti na lang pagkatapos niyon ay kay Mama naman ang mga pinili namin. "Masyadong magaganda at mamahalin ang mga pinili mo. Saan ko gagamitin ang mga iyon?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa kotse. Napagod ako sa pag-iikot sa mall. Livius was so energetic. Hindi ko mapantayan. "Sa mga contests mo." "Pero ang rami niyon," sabay sulyap sa backseat. Napuno ng paperbags ang upuan. "Kaia. Just accept it, please. Hindi naman ito palagi. Isipin mo na lang 'to as birthday gift," aniya at pinaandar na ang kotse. "Pero malayo pa ang birthday ko." "E 'di advance birthday gift." Napailing ako. "Anyway, thank you. Pero sa susunod, hindi na kita hahayang bilhan ako ng ganyan karaming damit. I don't need too much, Livius. Sayang lang kung hindi magagamit." "Fine. Ikaw na ang masusunod. Happy?" I smiled. "Satisfied." "Kumain muna tayo. Alam kong pinagod kita. You should eat to gain your energy back." Kalaunan, tumigil na ang sasakyan. I suppressed a smile when I went out of the car and saw the pizza house in front of me. Talagang alam niya ang gusto ko. He smiled proudly when he noticed the satisfaction etched on my face. "I am great, I know." He smirked. Umiling ako. Sabay kaming naglakad papasok. I felt his hand at the small back of my waist when he guided me to the entrance. The pizza house wasn't that big. Ilang lamesa lang ang naroon sa loob. There were only a few people. Nang dumako ang mga mata ko sa counter ay saglit akong natigilan. Nagtama ang paningin namin ni Sage. He's wearing a black shirt and jeans. He looked intense and somewhat ragged. "Sage!" gulat na tawag ni Livius sa kanya. He guided me towards the counter. Nasa baywang ko pa rin ang kamay niya. Ngunit bago pa man kami makalapit kay Sage, may isang babae ng naunang lumapit sa kanya. The girl was on her red dress and heels. Sopistikada ito. She held Sage's arm and smiled to him. He looked at her. Hindi ko nakita ang mukha niya. But it seemed that he told her something. Ngumiti lalo ang babae. Napasinghap ako nang tumigil kami ni Livius sa mismong harap nila. "Tania!" Tania? Ibig sabihin, kilala rin ni Livius ang babae? "So ito pala ang special business na sinabi mo, Sage?" patuyang tanong ni Livius. Tumingin sa kanya si Sage. Then his eyes went on me. Ngunit mabilis lamang iyon. Eleganteng tumawa ang babae. She then glanced at me. Tumaas ang isang kilay niya na para bang hindi nagustuhan ang nakita. Disgust was written on her well maked up face. Hindi ko siya pinakitaan ng kahit anong ekspresyon. Right. I can't please everyone. "Must be one of Livius' flings. Am I right, Liv?" she asked. Hindi ko nagustuhan ang tono niya. It was as if she's looking down on me so much. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Sage. "She's not, Tania." Natikom ko ang nakaawang na bibig. "Tama si Sage, Tania. Kaia is a good friend of mine," ani Livius sabay sulyap sa akin. He looked a bit worried. Maybe he thought I'm so sensitive to those things. Nakaka offend naman talaga iyon. I can't blame her. Livius' world is way far from mine. Hindi ko na dapat pang ipagtaka na ganoon ang inisip ni Tania. Iginiya ako ni Livius sa isang mesa. He went to the counter after. Sumulyap ako sa gawi nila Sage. Ngayon ay naglalakad na sila patungo sa isang mesa. She was holding his arm as they walk towards it. They look like a perfect couple. A sophisticated woman beside a man like him. Bagay nga sila. Iniwas ko ang tingin at pinanood na lamang si Livius.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD