Chapter 7

1262 Words
"Here's your favorite hawaiian pizza, ma'am." Livius smiled. "Salamat." Ngumiti ako, itinuon ang atensiyon sa kaharap. May babaeng naglapag ng drinks sa lamesa namin. I unconsciously glanced at Sage's table. Ilang segundong nagtagal ang mga mata ko roon. Tania was talking while smiling at him. But I didn't see him smile even a bit. He wasn't even responding at all. O baka naman nakikinig siya ng husto sa babae. She must be special, then? "Magdala rin tayo kay Mama nito," sabi ko nang ibinalik ang tingin kay Livius. We started eating. "Yup. May pinahanda na ako roon." "Thank you." "You're always welcome, Kaia." Nauna kaming umalis ni Livius. Hindi na sila nag-usap pa ni Sage. Senyas lang ang ginawad ni Livius para sabihing mauuna kaming umalis. I only looked at Sage. He looked at me, too. But it was only quick. I heard Tania called his name. Ako naman ay tumalikod na nang igiya ni Livius sa pintuan ng pizza house. "So, nagdate nga kayo?" usisa ni Brenda kinagabihan matapos niyang sumalo sa hapunan namin ni Mama. "Hindi nga iyon date." She rolled her eyes. "Kayong dalawa lang so matatawag na date 'yon! Ano ka ba naman!" "Dapat talaga kaming tatlo ni Carson ang magkasama. Kaso tinawagan siya ng Mama niya kaya napaaga ang pag-uwi. Ang nangyari ay hindi planado kaya hindi matatawag na date," paliwanag ko habang nagliligpit ng kalat sa kuwarto. "Pero kinilig ka, 'no?" Napaisip ako roon. I was happy, I admit. Nag-enjoy ako na magkasama kami ni Livius. I was slightly nervous, though. Sinundot ni Brenda ang tagiliran ko. "Uy, kinilig si Kaia!" halakhak niya. I glared at her. She just continued laughing. "Tumigil ka nga. Baka marinig ka pa ni Mama riyan!" "Sobrang saya ba? S'yempre crush mo 'yon kaya kilig na kilig ka siguro, 'no?" "Please. Tumigil ka na, Bren. Masaya ako sa nangyari, oo. Umamin na ako. Kaya tumigil ka na," sabay iling. Ayokong umabot pa ito kay Mama. My feelings for Livius is just infatuation. I liked him, alright. I never liked anyone else the way I liked Livius. Ni hindi nga ako naa-attract sa iba. But that's it. Hanggang doon lang iyon. I won't hope for us. I know my limitations. I know my place. Kaya alam kong hindi ko dapat ipagpipilitan ang mga ganyang bagay. "Magtatrabaho po ako sa bakasyon, Ma." Febuary pa lang ay napagdesisyunan ko ng magtrabaho sa summer. Matapos ang final exams ay doon ko pa lang sinabi kay Mama ang plano. I know she doesn't want me to work. Pero ayaw ko rin naman siyang mahirapan. Gusto kong mag-ipon para sa susunod na school year. Hindi ko puwedeng iasa kay Mama ang lahat ng gastusin. "Pero puwede namang tumulong ka na lang sa akin sa karenderia. Hindi mo na kailangang–" "Ma..." Bumuntong hininga ako. "Andiyan si Brenda para tumulong sa inyo. Sa coffee shop lang naman po ako malapit sa eskwelahan namin magtatrabaho. Kina Rose iyon, kaya wala kayong dapat ipag-alala." She looked at me worriedly. The small wrinkles on her face are visible. Dulot iyon ng pagbabanat ng buto para sa aming dalawa. It was hard for the both of us. Ngayon, gusto ko namang makatulong kahit paano. I hope she'll understand it. "Sigurado ka na na ba riyan?" "Opo." Kalaunan, pinayagan rin ako ni Mama. I was determined to try working for the first time. Besides, I know I can handle it. Hindi naman ganoon kabigat ang pagiging isang waitress sa coffee shop. Pero pagkatapos niyon ay si Livius naman ang pumigil sa akin. "You shouldn't work, Kaia. Kaya ko naman kayong suportahan ni Nanay. I can even support your studies if you just let me–" "Livius!" I stopped him. "Hindi dapat ganyan. Hindi kami dapat dumepende sa 'yo. College student ka lang rin. Hindi ka dapat gumagastos ng higit sa kailangan mo. Lalo na kung para sa amin." "But Kaia..." "No, Livius. Ano ba ang tingin mo sa akin? Isang bata na hindi kayang magtrabaho?" "That's not it." "Hayaan mo na lang ako, okay? Pumayag na si Mama. Malapit lang ang coffee shop na papasukan ko sa eskwelahan. Wala kang dapat ipag-alala." "I'm only concerned. That kind of job doesn't suit you." "Of course your perspective is different from mine. Lumaki kang mayaman kaya hindi mo maintindihan–" "I understand it, alright. I'm sorry for insisting. Naisip ko lang mas mabuti kung sa bahay ka lang at tumulong kay Nanay sa karenderia. But you're a big girl now, I forgot about it." Bumuntong hininga siya. "Huwag mo gawing big deal 'to, Livius. I should experience this. I should get through this. Hindi puwedeng wala man lang akong gawin para tumulong. At lalong hindi kami dapat dumepende ni Mama sa 'yo." "Fine, fine. Naiintindihan ko." "Mabuti kung ganoon." "But you shouldn't exhaust yourself too much. Get that?" aniya. Tumango ako. He smiled and pat my head. Inakay niya ako pabalik sa loob ng bahay. He was alone when he visited this time. Kung bakit ay hindi na lang ako nagtanong pa. Maybe he's friends were busy on their personal affairs. "How's the finals?" tanong ni Livius. "A bit hard. Pero okay lang," sabi ko kahit halos lumabas ang utak ko sa pagsagot noong exams. Accountacy is really hard. Iyan ang opinyon ko. Pero wala naman talagang course na madali. Every course needs hardwork ang perseverance. "Gagraduate na ako sa susunod na school year. I want you and Nanay to be on my graduation." Napaisip ako roon. He wants us to attend that big achievement of his life. Hindi ko siya kayang biguin. "Kung iyon ang gusto mo, pupunta kami." Sa mga unang araw ko sa coffee shop, nanibago pa ako. Pero kalaunan nama'y nakapag-adjust rin. Si Rose ay madalas ding gumagawi roon kaya tuwing natatapos na ang shift ko ay nakakapag-usap kami. Friendly din ang mga co-workers ko roon. So it wasn't hard to cope up with them. Isa pa, marunong naman akong makisama. "Ano, may progress na ba sa relasyon niyo ng loverboy mo?" usisa ni Rose isang araw. I wasn't too busy. Konti lang kasi ang customers nang araw na iyon kaya nakapag-usap kami saglit ni Rose. "Wala, at wala akong plano." "Weh? Talaga ba?" She chuckled. "Wala. Hanggang sa pagkakaibigan lang kami. Hindi puwedeng lumagpas doon." "Ba't naman hindi puwede? May jowa na ba 'yon?" Umiling ako. "E, bakit hindi puwede?" "Dahil nga hindi niya ako magugustuhan, Rose. Tingnan mo nga ako. I'm a no one for him. Hindi kami bagay." "Dahil lang sa estado ng buhay, ganyan na agad ang iniisip mo? Ang bitter mo naman masyado, Kaia!" "Because that's the truth." Hindi nangyayari sa totoong buhay ang mga ganyan. Reality is way too far from fairytales. It is flawed and not perfect. Hoping for something that is beyond your limitation will just hurt you. It might even wreck you. "Ewan ko sa 'yo, Kaia." Nagpaalam na ako na babalik na sa trabaho. I stood up and went to the newly arrived customer. Kinuha ko ang order nito at bumalik sa counter. Pagbalik ko, dala ko na ang cappuccino niya. Paglapag ko ng tray sa lamesa niya ay kasabay ng pagbukas ng glass door ng coffee shop. Nag-angat ako ng tingin. Nagulat ako nang magsalubong ang tingin namin ni Sage. Bahagyang umawang ang bibig ko. Iniwas niya ang paningin at naglakad sa isang mesa. Doon pa lamang ako natauhan. He's on casual clothes. Dark t-shirt and jeans. But it didn't made him look less appealing. In fact, with this ragged look of him, it suits his manliness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD