He looked down at me, frustrated and obviously mad. Iniwas ko ang tingin, hindi alam ang sasabihin. After almost a week of not seeing each other, ito pa talaga ang nangyari sa muling pagkikita namin. "Ayaw ko lang naman mag-alala si Mama. Just don't make this a big deal. Hindi naman malala ang nangya–" "Hihintayin mo pang may mangyaring mas malala riyan, kung ganoon?" I looked at him. His dark eyes pierced through me. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa 'kin. Then I realized it's the first time he held me like this. "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Sage. I mean, ayaw kong lumaki pa ito." There was a moment of silence between us. Kapagkuwan ay naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa braso ko. My lips parted. His thumb softly brushed the bruised part of my arm

