"What did you say?" Ibinaba ni Sage ang tasa sa mesa at mariin akong tiningnan na para bang hindi makapaniwala sa narinig. I felt like my cheeks are burning. Realizing how I said it, I noticed how scandalous it sounded. "I mean, puwede namang doon ka sa kuwarto ko matulog. Tatabi na lang muna ako kay Mama..." I bit the insides of my lower lip subtly. Nawala ang kunot sa noo niya, naliwanagan na ngayon. Pero parang hindi naman siya sang-ayon sa sinabi ko. "Sounds good. Pero ayokong agawan ka ng hihigaan. Medyo nawala na ang antok ko dahil sa kape. I'll just drive." "Sure ka ba? Puwede naman talaga ako sa kuwarto ni Mama. Masyado kasi kitang naabala ngayong gabi. Nakakahiya naman kung paaalisin lang kita ng ganoon... But if you insist, sige. Mag-ingat ka na lang sa pagdadrive..." Kung

