"Okay lang, Livius. Ang mahalaga nakarating ka..." My voice was a little softer than the usual. Ngunit napawi ang malaking ngiti ko nang mapansin ang titig ni Sage. His stare was blank but very much intimidating. Dahil doon ay mas napaaga ang pagkalas ko kay Livius.
Jonas faked a cough. My face heated when he looked at me in a malicious manner.
"You did great, Kaia." Jonas smirked.
"Uh, thanks..." kabado kong utas, hindi alam kung saan ibabaling ang tingin.
"Mabuti naman at nakarating kayo," ani Mama. "Pero sigurado akong napagod kayo sa biyahe. Doon tayo sa bahay at ipaghahanda ko kayo ng makakain."
"Okay po ako diyan, Tita!" ani Jonas.
"Sige po. Pero huwag na po kayong maghanda, Nay. May mga dala po kaming pagkain," si Livius sabay ngisi. He's used at addressing her that way. Itinuring na kasi niyang pamilya si Mama.
Sa harap ng bahay nakaparada ang sasakyan nila Livius. Hindi na nagulat pa ang mga kapitbahay namin dahil madalas naman nilang makita si Livius. Iyon nga lang, minsan ay hindi natin mapipigilan ang pagkalat ng mga chismis. Marami kasing nagsasabi na boyfriend ko daw si Livius pero hindi lang ako umaamin.
But then again, it's just rumors and all. Hindi ko na kailangan pang patulan iyon. Bahala na ang mga tao kung anong isipin nila. Why would I bother explaining when the truth for them is what they want to believe?
"Hayop rin sila sa kaguwapuhan, ano?" bulong ni Brenda sa akin nang papasok na kami sa bahay.
"Brenda," I warned her again. He only giggled and scrutinized those men with her malicious eyes. Tiningnan ko siya ng masama.
Marami ang dalang pagkain nila. Tingin ko'y mula iyon sa mamahaling restaurant. May mga groceries din, marami. I already told him once to stop bringing groceries. Sobra sobra na kasi ang ginagawa niya para sa amin. I don't want him to feel responsible for our lives.
Pero likas talagang matigas ang ulo ni Livius at hindi nakikinig. Kung anong gusto niyang gawin ay ginagawa niya talaga at hindi siya magpapaawat.
Katulad na lang sa ginawa niya ngayon. Sabi ko pa na huwag bumisita kapag malapit ang exams. Kaso nang mabalitaan na sasabak ako sa isang contest ay hindi na nagpapigil. I don't know how he made those guys come with him. Jonas seems like traveling and exploring things. Kaya siguro sumama siya. But Sage? He's the type who would rather finish his thesis than watch a cheap singing contest. Lalo na sa ganitong klase ng lugar.
The way he moves, it was screaming in preciseness. Para bang kalkulado niya ang bawat galaw. Madalas rin siyang tahimik at seryoso na para bang ayaw sa maiingay. He's indeed, a man with class and power.
"Brenda, tulungan mo akong ayusin ang hapag," utos ni Mama.
Tumulong na rin ako. Ganoon din sina Livius kahit sinabihan sila ni Mama na huwag na. Nagsalo kami sa hapag. With Livius around, the house got noisier than the usual.
Nakikisali rin naman sa usapan si Sage kahit paano. I also caught him smirking once. That's it. Ni hindi man lang siya ngumiti ng buo o tumawa kahit isang beses. It was like it's a sin to laugh even just for a while.
Si Brenda naman ay sinabayan ang kadaldalan ni Livius. They're both really talkative. Medyo nailang nga lang ako dahil ako ang topic. Nang mapatingin ako sa masayang mukha ni Mama ay napangiti na rin ako. Her smiles are enough prize for me. More than enough.
"You hit the high notes very well. Dapat ikaw ang nanalo, e," ani Livius sabay tingin sa akin.
"Tama siya, Kaia! Mas magaling ka naman doon!" segunda pa ni Brenda.
I chuckled. "Ano ba kayo? Maging masaya na lang tayo sa resulta. The first placer was good. Siguro talagang hindi lang iyon para sa akin. Marami pang opportunities na dadating."
"Tama," sang-ayon ni Mama.
"Exams na ninyo next week, Livius. Sa sunod na buwan ka na bumisita ulit," sabi ko. Inunahan ko na siya ngayong nandito pa si Mama sa harap namin.
"Ano naman ngayon kung exams? As if I can't handle that."
"Hambog natin, ah?" halakhak ni Jonas.
Sinulyapan ko si Sage. Marahan akong napalunok nang maabutan siyang nakatingin sa akin. He didn't give me any expression but a blank one. Kabado kong iniwas ang tingin. My eyes shifted on my plate to avoid his stare.
"Nga pala, may nadala kaming mga inumin, Nay. Inuman muna kami mamaya bago umuwi," si Liivus.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Basta huwag lang kayong uminom ng marami. Baka malasing kayo at mauwi pa sa disgrasya."
Jonas laughed. Sage raised his eyebrow a bit. Si Livius naman ay ngumisi. They looked not bothered at all. Kumunot ang noo ko sa kanila.
"Ano?" tanong ko.
"We have high alcohol tolerance, Kaia. Don't underestimate us," ani Livius.
I bit my lower lip subtly. Uminom ako ng tubig. Kung sabagay, they are the typical city boys.
"Alam ko naman iyan. Ang akin lang, huwag kayong sumobra."
"Okay, Ma'am!" Livius gave me a salute and chuckled.
Kami ni Brenda ang naglinis sa hapag pagkatapos. Si Mama naman ay iginiya sila Livius sa patio para sa inuman.
Hindi na rin nagtagal si Brenda at nagpaalam na matapos akong tulungan sa paglilinis sa hapag. Nang bumalik si Mama ay sinabi niyang siya na ang maghuhugas ng mga pinggan. Sabi ko ako na. But she insisted that she'll do it. Inutusan niya akong dalhin ang mga baso roon kina Livius kaya hindi na ako nakaapila pa.
Bitbit ang mga baso, naabutan ko si Sage sa harap ng isang bilugang lamesa sa aming patio. But he was alone. My steps became slower than how it should be. Bakit siya lang mag-isa? Sila Jonas at Livius, nasaan?
"Uh, heto ang mga baso..." I said, my voice was a bit shaky. Inilapag ko na ang mga dala sa lamesa. Halos mahulog ko ang isa nang tumingin sa akin si Sage. I gulped.
"Nasaan nga pala sina Livius?" kaswal kong tanong.
"Jonas is in the comfort room. Livius is there," turo niya sa isang direksiyon. There I found Livius talking with someone over the phone. Napatango ako at muling tiningnan si Sage.
"Nga pala, huwag kayong masyadong magpagabi. Apat na oras pa ang biyahe niyo pabalik ng Maynila," mahinahong sabi ko.
Nag-angat siya ng tingin. Half of his face was emphasized by the light, the other half was dark. That made him more intimidating for me. Sa tuwing kaharap ko siya ay hindi ko mapigilang mailang. He's hardness is too much for me to take. There was calmess in his eyes but at the same time, I can sense havoc in those.
He tilted his head a little, maybe to have a better view of my face.
"Can we stay for the night, then?"
Bahagyang umawang ang bibig ko, hindi inasahan ang tanong niya.
It seemed an innocent question but the way he uttered the words, it was a bit sensual. O baka naman sa isip ko lang iyon?
"Ah, baka hindi kayo komportable dito sa amin. Isa pa, isang kuwarto lang ang bakante. It can't accomodate the three of you. Nakakahiya sa inyo."
"Kung ganoon, dito kami matutulog."
Kumunot ang noo ko. Hindi ba niya ako naintindihan?
"We'll stay, Kaia. One room is enough for us," dugtong pa niya.