Chapter 3

1090 Words
I don't exactly remembered how it started. Basta naramdaman ko na lang. Sage is too much. He intimidates me in any move he makes. Ewan ko ba kung bakit. Pero hindi ko siya gusto. Doon ako sigurado. "O, ba't namumutla ka?" tanong ni Mama pagkabalik ko galing sa patio. "P-Po?" Medyo gulat sa sinabi niya. Tumigil siya sa paghuhugas ng pinggan at itinuon ang atensiyon sa akin. Napasandal ako sa fridge. "Masama ba ang pakiramdam mo? Dahil ba ito sa resulta ng contest?" "Naku, hindi po!" taranta kong sagot sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. My heart was beating loud. Sage just intimidated me so much. Iyon lang ang dahilan. "Okay lang talaga sa akin na hindi ako ang nanalo, Ma. Hindi iyon big deal sa akin. Isa pa, magaling naman talaga ang nakakuha ng first prize. Deserve niya 'yon." Kumunot ang noo niya at sinuri ako ng tingin. She's still have doubts. Ganoon ba kahalata ang pagiging apektado ko? "Nga po pala, uh... sabi ni Sage dito daw sila matutulog dahil mahaba pa ang biyahe at baka... makarami sila ng inom." "Pero isang kuwarto lang ang bakante." "Nasabi ko na iyan, Ma. Kaso sabi niya okay lang daw sa kanila. Sabi ko nga masyadong nakakahiya. Pero okay lang daw, e. Nahiya na rin akong mag-insist lalo na't medyo malayo ang naging biyahe nila patungo rito." "Wala ba silang klase bukas?" "Sabado, Ma. Wala." Bumuntong hininga si Mama. "Kung ganoon ikaw na ang tumapos nito para malinisan ko ang silid na gagamitin nila. May extra pa naman tayong mattress. Pero natanong mo na ba si Livius at saka si Jonas? Baka hindi sila komportable. Alam mo naman ang mga anak-mayaman, sanay sa ginhawa. At iba dito sa atin," sabi niya habang nagpupunas ng kamay. "Kakausapin ko pa po..." But I don't think I have to do that. Tingin ko'y nakapagdesisyon na si Sage. At sa pagkakakilala ko kay Jonas, hindi iyon aapila. Lalo na si Livius. Ilang beses na ring nakatulog si Livius dito sa amin. Siya ang gumagamit sa bakanteng silid. He didn't seemed to mind the hard mattress, though. Kaya walang problema sa kanya. Surely, he will find it fine. Ewan ko nga lang kay Sage kung bakit niya naisipang dito matulog. It's just... I can't picture him out sleeping on this kind of place. He doesn't fit here. Pagkatapos manghugas ng mga pinggan, kumuha ako ng isang pitsel na may tubig at nagtungo muli sa patio. Naroon na si Jonas at Livius pagdating ko, taliwas sa nadatnan ko kanina. Naabutan kong may sinasabi si Livius habang si Jonas naman ay tumatawa. Livius looked at me first. His smiles made my heart wild. Lumunok ako. Tinapunan ko ng tingin si Sage at Jonas. Pero saglit lang. "Tubig..." Inilapag ko ang pitsel sa mesa. "Thanks, Kaia," ani Jonas. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtitig si Sage. Ang mga daliri niya'y naglalaro sa basong hawak. Tumuwid ako sa pagtayo, pinalipat-lipat ko ang tingin kina Jonas at Livius. "Okay lang ba sa inyo na dito matulog? Kasi... isang kuwarto lang ang bakante. Baka hindi kayo maging kom–" "Walang problema sa amin iyan, Kaia!" putol sa akin ni Livius. "No prob," ani Jonas. Sumulyap ako kay Sage. He was staring at the glass of liquor he's holding. Nang bigla siyang mag-angat ng tingin sa akin ay mabilis kong dinirekta kay Livius ang atensiyon. "Maiwan ko na kayo. Tutulungan ko si Mama sa paghahanda sa kuwarto." Hindi iyon ang naging huling pagsama ni Sage sa pagdalaw sa amin. Sa katunayan, parati na siyang sumasama kay Livius. I found it weird. He always seems cold and unfriendly. Tingin ko ay hindi rin siya ang tipo ng taong sasama sa isang lakad dahil sa simpleng utos ng kaibigan. "Kaia..." tawag ni Rose sa akin. Nag-aayos na ako ng mga gamit at naghahanda na sa pag-uwi. Hinarap ko si Rose matapos. "Bakit?" "May date kami ni Baldo. Hindi kita masasabayan sa pag-uwi." Ngumuso siya. "Okay lang." I smiled. "Mag-ingat ka." "Sure ka ba? Puwede naman kitang ipasabay kay Kenneth," tukoy niya sa pinsan. Ngunit kaagad akong umiling. "Huwag na. Baka may ibang lakad pa iyong tao at makaabala pa ako. Kaya ko naman, Rose. Just enjoy your date, okay?" Ngumiti ako. "Alright." Then she nodded. Tinapik ko ang balikat niya at nauna ng lumabas sa classroom. Sa corridors ay nakita ko si Baldo. He looked at me and smirked. Tumango lang ako at naglakad na. Actually, hindi ko gusto ang lalaking iyon para kay Rose. He has the looks, alright. But he has this stained reputation. He's known for being a bad boy. And the way he looks at me is a bit creepy. Or maybe I was just thinking too much? Hindi ko naman masabi kay Rose ang tungkol doon. She likes that guy so much. Naniniwala siyang nagbabago na ito para sa kanya. She always insists that he loves her. Pero isang buwan pa lamang sila! May nabubuo bang love sa ganoon kaiksing panahon? Infatuation, probably. But love? No. "Kaia!" Sumulpot si Serio sa tabi ko nang makalabas na ako sa building. I almost got a heart attack. Tumawa si Serio nang mapansin ang pagkagulat ko. "Serio!" Matalim ko siyang tiningnan at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat. "Pauwi ka na?" "Oo," sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Sinabayan naman niya ako. "Si Rose? Hindi kayo magsasabay?" "May date sila ni Baldo, e." Ganoon naman talaga si Rose kapag may boyfriend kaya nasanay na rin ako. Bumabawi naman siya at naglalaan pa rin ng oras para sa mga lakad namin. And that's enough for me. "Kung ganoon, ikaw lang mag-isa ang uuwi? Sabay na tayo! Malapit lang ang apartment na tinutuluyan ko sa Sta. Riva. Para naman hindi ka mag-isa sa pag-uwi. Alam mo na, maraming barumbado riyan sa labas. Mabuti ng may kasama ka." Kung sabagay, tama siya. Pero sanay na ako sa mga ganoon dahil kaliwa't kanan ang mga barumbado sa barangay namin. Pero sabay lang ang sabi ni Serio. Hindi naman niya sinabi na ihahatid niya ako. There's no harm in it, I guess. "Ano?" untag niya. Tumango ako. Ngumiti siya. Sa labas ng gate ay natigilan ako nang makita kung sino ang nakasandal sa isang itim na sasakyan. I stopped walking and blinked twice to check if what I'm seeing is real. Ngunit ilang beses na akong kumurap ay wala pa ring pinagbago. So I realized... It's real. Sage is here. In front of the university's gate. Ngunit bakit siya narito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD