He's wearing that white polo and loose tie. He didn't look like a typical college boy, though. Kumpara sa mga college boys na nakilala ko, mapa freshmen man o seniors, he looks more mature and harsh in some way. His clean cut emphasized the savage features of his face. Nang magtama ang pangin namin ay napalunok ako.
Hindi naman siguro ako ang pakay niya rito, hindi ba? It must be a coincidence. Siguro may kikitain siyang nag-aaral dito?
"Uy, Sage!"
Naagaw ni Serio ang atensiyon ko. Kung ganoon, magkakilala sila?
"Siya ang pamangkin ng may-ari ng plantasyon doon sa amin, Kaia," ani Serio sa akin. I cleared my throat and nodded. We continued walking.
"Sinong pinuntahan mo rito?" tanong ni Serio nang makalapit kami kay Sage. I hugged my books tightly. I saw Sage looked at me. Normally, I would smile if I saw an acquaintance. Pero hindi ko iyon magawa sa kanya.
"May susunduin ako," sagot niya sabay sulyap sa akin.
"Ah. Girlfriend ba?" Serio probed.
"No."
"Uh, sige! Mauna na kami. Baka nariyan na ang hinihintay mo." Lihim akong nagpasalamat doon. Ayoko ng magtagal sa harap ni Sage.
"She's here."
Kumunot ang noo ko.
Lumingon si Serio at kalaunan ay muling tumingin kay Sage. "Asan?"
"Si Kaia ang tinutukoy ko, Serio," he said coldly but I wasn't surprised with his tone. Ang ikinagulat ko ay ang sinabi niya.
"Si Kaia?" gulat na tanong ni Serio. He looked at me, as if asking me too. Ngunit maski ako ay gulat rin. Bakit naman ako susunduin ni Sage? We're not close! Siguro kung kasama niya si Livius ay hindi na ako magtataka na makita siya rito. Pero mag-isa lang siya!
"Yes, Serio," Sage answered with his deep voice. I swallowed hard.
"May sundo ka pala, Kaia. Aalis na ako kung ganoon..." nahihiyang sabi ni Serio. Sa pagkabigla, nahawakan ko ang braso niya para pigilan siya. I was taken aback by my action. Ganoon rin siya kaya agad akong bumitaw.
"Uh, sa susunod na lang..."
Nakagat ko ang ibabang labi. The truth is, hindi naman iyon ang gusto kong sabihin. It's just, I was pressured by Sage's stare on me. Nahiya rin ako sa inakto. I don't touch men just like that. Men sometimes misunderstood simple gestures like what I did. Ayokong mag-isip ng ganoon si Serio. He's a good friend.
"Pasensiya na," dagdag ko pa.
Serio smiled. "Okay lang. Sige, mauna na ako." Tiningnan niya si Sage at tumango bago umalis.
"Bakit ka nandito?" I asked, a bit cold. It's the way to hide the uneasiness I'm feeling. Ayokong magmukhang tanga sa harap niya. I don't want to be rude, either.
"Si Livius ba?" It's not that hard to figure out. Nangyari na rin minsan na pinasundo ako ni Livius sa kaibigan niya. Only that it was Jonas who did it.
His fingers played on the car key he's holding. "May dinaanan siya at ako na ang pinasundo niya sa 'yo."
"Ah..." Pero sa susunod pa na linggo ang usapan namin, a?
"You looked dismayed."
"H-Ha? Sa ano?"
"That I am here instead of him," he said darkly. Umawang ang bibig ko at hindi nakapagsalita.
"Kayo lang?" Imbes ay tanong ko.
"He's with Markus."
Tumango ako. He opened the door for me. I slid inside without any word. Nang ma-lock ko na ang seatbelt ay nagbeep ang cellphone ko. I opened it and saw a message from Livius.
Livius:
Si Sage ang pinasundo ko sa 'yo. My car got flat. Bibili na rin kami ng pagkain pagkatapos nito.
Sumulyap ako kay Sage bago nagtipa ng reply. He was busy on the road.
Ako:
Okay. Ingat sa pagmamaneho.
My phone beeped again. It was from Livius. This time napatingin na si Sage sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at dinirekta ang atensiyon sa cellphone.
Livius:
What do you want to eat?
Ako:
Kung anong dadalhin niyo.
"Palagi kang hinahatid ni Serio?" Sage asked all of a sudden.
I looked at him. Sinulyapan niya ako.
"Hindi naman niya ako hinahatid."
"Ano 'yon kanina, kung ganoon?" his voice was low and calm but cold.
"Sasabayan niya lang ako sa pag-uwi. Hindi niya ako ihahatid."
"You're close with him?
"Uh, hindi naman masyado."
Bakit niya natanong?
"Suitor?" he probed.
"Hindi."
He didn't show any expression. His face is blank. His eyes, too.
Pagdating sa bahay ay naabutan ko si Mama na nagliligpit na sa maliit naming karenderia sa tapat ng bahay. I insisted that I'll help her. Pero pinapasok na niya ako sa loob. Pumayag na ako dahil patapos na rin naman siya. Nagpa-iwan si Sage sa kotse dahil magpapalit siya. When he got inside our house, he's already wearing a white t-shirt.
"Gusto mo ba ng maiinom? Tubig o di kaya'y juice?" tanong ko.
He sat on our old sofa. Mabuti na lang kahit luma na ay palaging malinis iyon.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. His fingers were tapping his knee. Para bang gawain niya iyon tuwing may sinusuri.
"Don't mind me. Magbihis ka muna."
"Oh. Okay..." I nodded and went out of his sight.
Isang oversized t-shirt at maong shorts lang ang sinuot ko. I tied my hair into a bun. Akala ko sa paglabas ay naroon na sila Livius pero wala pa pala.
"Ikuha mo ng maiinom si Sage, Kaia," utos sa akin ni Mama.
"Huwag na po. Okay lang," ani Sage.
"O siya, maiwan ko muna kayo. Doon lang ako sa kusina para maghugas ng mga pinggan. Huwag ka ng tumulong Kaia at samahan mo na lang si Sage rito. Ikaw na lang ang maghugas mamaya sa kakainan natin," si Mama.
Hindi na niya ako binigyan ng tsansa na umapila dahil agad siyang tumalikod.
"Hindi ba kayo busy sa school? Akala ko kasi next week pa bibisita si Livius."
"Not quiet. I don't know with Livius."
Maya-maya pa ay dumating na si Livius at Markus. As usual, they brought foods. Walang groceries this time. Naghimala ata at nakinig siya sa akin. Ilang beses ko na kasing sinabi sa kanya na huwag kaming supplyan ng groceries. That's too much.
"I have pizza for you!" ani Livius sabay pakita sa akin sa isang box ng pizza. I didn't tell him a specific food. Pero tingin ko ay hindi na niya ako kailangan pang tanungin.
"Salamat." Ngumiti ako.
Kagaya ng nakagawian ay nagsalu-salo kami sa hapag. Pagkatapos, naunang lumabas ng kusina sila Livius at Markus. Si Mama naman ay pinuntahan ang isang kapitbahay namin na tagasupply ng gulay sa karenderia para magbayad sa gulay na nagamit ngayong araw.
Akala ko lalabas na rin ng kusina si Sage pagkatapos niyang uminom ng tubig at maghugas ng kamay ngunit nagkamali ako dahil bigla siyang nagtanong.
"Want some help?"
Mangha ko siyang tiningnan. Nagulat ako roon pero hindi ko pinahalata. He always seems so cold. I didn't imagine that he'd offer some help to me. Lalo na sa ganitong gawain. Hindi siya bagay sa paghuhugas ng pinggan.
"Huwag na. Kaya ko na 'to."
Iniwas ko ang tingin. Nagsimula na akong maghugas. Pero naroon pa rin siya sa tabi ko, nakatayo. At alam kong nakamasid siya sa akin. Pinagpawisan ako dahil doon. I just hoped that the tension I'm feeling wasn't too obvious on my face. I don't want to look like a damn scared kitten.
I'm not scared. That word isn't the right term.
"Konti lang naman ang huhugasan ko. Doon ka na kina Livius."
"Alright."
Napasinghap ako nang tuluyan na siyang makaalis. It was always been like that. Na-i-intimidate ako sa presensiya niya. So I always find a way to keep distant from him. Ganoon ang ginagawa ko, parati.
I don't know what's with me. I just don't like being close to him. Sa di matukoy na dahilan, ganoon ang nararamdaman ko. And I don't like it.