Ang gusto ni Sage, i-celebrate naming dalawa ang birthday niya ng kami lang. I didn't like idea so I said no. With that, he just decided to invite me to his birthday celebration. Hindi naman ako makahindi dahil kaarawan niya iyon. And he wants me to be there. Kaya isang linggo bago iyon ay humingi na ako ng permiso kay Mama. She didn't say no. In fact, tinulungan pa niya akong pumili ng damit na susuotin. It's a semi formal party so I can just wear one of my dresses. May hindi pa nagagamit doon kaya 'yon na lang ang gagamitin ko. Three days before Sage's birthday, Tita Alandra visited. Kasama niya si Georgia. Ang raming napag-usapan nila Mama. Aniya ay talagang naghirap sila roon sa ibang bansa noong may sakit pa si Tito. "What's your course?" tanong ni Georgia nang tulungan niya ako s

